Chapter 37 Point of View: Leighton Era Xi "Lalabas lang ako saglit. May bibilhin kasi ako." Paalam sa'kin ni Ellaine. Tumango naman ako at tinignan lang siyang umalis. Napapansin ko rin madalas na niyang nakakasama si Jackson kaya hindi ko talaga maiwasan ang nararamdaman ko. Nagseselos ako sa tuwing magkasama sila kaya naman ang iniisip ko na lang ay magkaibigan lang sila. Oo, syempre mahirap sa part ko pero may tiwala ako kay Ellaine. Alam ko namang mahal niya ako at ganun din ako sa kanya. Wala naman kasing masama sa makipagkaibigan, 'diba? Isa pa, kilala ko naman si Jackson at alam kong wala siyang gagawing hindi ko magugustuhan. Hindi naman pwedeng lagi kong samahan si Ellaine, baka masakal siya. Mas lalong ayoko dahil baka magalit pa siya sa'kin. Mas hindi ko kaya 'yun! Sa ngay

