Chapter 38 "Bagahe, check. Personal hygiene, check. Sarili ko, check. Si Tonton na lang pala ang kulang!" Kausap ko sa sarili ko habang sinisigurado kong dala ko ang lahat ng kailangan ko. Kinakabahan na naman ako! Naalala ko na namang malayo iyon at hindi nila alam kung ano kami ni Tonton pero kailangan kong magtiwala sa kaniya! "Ellaine! Ang init na naman ng ulo ni Leighton sa baba. Bilisan mo raw! Naaasar na naman nila kuya Tyrell." Natatawang sabi ni Zaire. Maliban kay Tonton ay isa na rin si Zaire sa nakakapasok nang bigla sa kwarto ko. Hindi naman malayo ang edad ko sa kaniya kaya okay lang. Ang saya niya kayang kasama! Minsan nagkakasundo kami sa pagkain! Pareho rin kami mahilig sa stuff toys na pusa at ang isa pa ay pareho kaming marunong magtennis. Pinagagawa nga niya ang l

