Chapter 39 "Ayusin mo na mga gamit mo at doon sa kabilang cabinet mo ilagay. Dito na lang dahil kaunti lang naman ang gamit na dala ko." Tinuro niya ang cabinet sa kanan na kung titignan ko ay ang pinakamalaking cabinet sa kwarto. Sa kaliwa naman ay medyo may kaliitang cabinet na gawa sa kahoy. Halata mong may barnis ang mga ito. Ang pinaka-umagaw naman sa pansin ko pagkapasok ay ang kama. Isang kama lang ito at hindi kalakihan! Kinuha ko na ang maleta ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Hindi ko dapat ipahalata na kinakabahan ako dahil kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto. Mahirap na! Kaya lang, hindi ko talaga maiwasan ang manginig habang iniisip ang pwedeng mangyari. Please, Ellaine! Ang aga-aga ang dumi na niyang utak mo! Saan mo natutunan 'yan? Naputol ang pag-iisip k

