Chapter 40 Nagising ako dahil sa katok sa room namin. Nag inat-inat muna ako bago ko dinilat ang mata ko. Dahan-dahan akong bumangon. Nakita ko si Tontonna payapang nakahiga sa sofa. Oo! Doon ko siya pinatulog kagabi pero hindi naman siya umangal. Mas okay pa nga raw iyon. Wala na kasi talagang ibang matutulugan kung hindi dito lang sa kwarto. Naglakad ako palapit sa pinto at medyo binuksan iyon. Babatiin ko sana dahil akala ko si Tricia pero napatigil ako sa taong nakita ko sa harap ng pinto. "Hello, Ellaine. Good Morning! Maghanda ka na, a? Saka si Leighton para makapagswimming tayo. Wear your best swim suit, okay?" Sabi niya sabay lakad paalis na parang model pa kung maglakad. Ilang minuto pa akong tumayo sa harap ng pinto at saka ko lang napagpasyahan na isara ang pinto. Sumand

