Chapter 41 Point of View: Third Person Tinitigan ni Leighton nang mabuti ang mukha ni Ellaine. Nilapitan niya ito at hinawakan ang pisngi, hinawi ang mga buhok na nakaharang sa maganda nitong mukha at saka hinalikan ang noo. Kanina pa niya ito binabantayan pero hindi parin ito nagigising. Saktong dalawang oras na kasi bago mangyari ang insidente kanina. Nataranta siya kaya naman tumakbo agad siya pagkarinig niya kay Sean. Siya pa ang nabuhat dito papunta ng clinic. Buti na nga lang at may clinic dito sa resort kaya hindi na nila kailangang lumayo pa. Napatingin siya sa pinto nang may kumatok at unti unti itong binuksan. "Ikaw pala, Shina. Pasok ka." Pagimbita nito sa loob. Medyo napalapit kasi siya sa dalaga dahil na rin sa pareho silang mahilig sa halaman. Iyon kasi ang napag-usa

