Chapter 57 Panay ang pagsulyap ko sa aking paligid habang kumakain. Kaharap ko sina kuya Tyrell na mukhang nagtataka sa kinikilos naming dalawa ni Leighton. Bukod kasi sa hindi kami nagpapansinan ay panay ang bugaw namin sa aming pagkain na para bang may langaw - kahit wala naman talaga. Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang mga nakikita ko. Pilit kong hindi pinapansin ang mga ito pero hindi ko talaga mapigilan. Lalo na at pakiramdam ko ay malalason kami kapag dumapo sila sa pagkain namin. "Sandali nga!" pag-agaw ni kuya Tyrell sa atensyon namin. "Kanina ko pa kasi napapansin. Hindi na naman kayo nagpapansinan na dalawa. Nag-away na naman ba kayo? Pwede niyo naman sabihin sa'min. Hindi iyong ganitong para kayong hindi magkakilala." Napatingin ako sa kaniya bago kami nagkatinginan ni Le

