Chapter 58

2071 Words

Chapter 58 Point of View: Third Person Gumawa ng maraming bolang apoy si Davon gamit lamang ang kaniyang kamay. Kasinglaki lamang ito ng kaniyang kamao ngunit sapat lamang upang mapuksa ang maliliit na mga demonyong ito. Halos isang kumpol ang napuksa niya dahil sa ginawa niya. Hindi pa siya nakuntento, gumawa pa siya ng panibagong mga bolang apoy, mas malaki na kaysa nauna, at muling hinagis sa kinaroroonan ng mga demonyo na hindi na maubos-ubos. Pinagdikit ni Quinten ang dalawa niyang hintuturo. Habang pinaglalayo ang mga iyon, unti-unting nabubuo ang isang patulis na yelo. Mabilis niya iyong ginagawa habang ibinabato sa mga demonyo. Mukhang nainip din siya sa kaniyang ginagawa kaya naman ang buong palad niya ang pinagdikit niya. Isang mas mataba at mas mahabang yelo ang nagawa niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD