Farrah ' s pov
Hala ang daming message ni Wizard sakin,sunod sunod na nagpop up ang mga message niya. 100 messages coming from him only...Binasa ko ang iba .
Wizard is online
Wizard. : hi you look so beautiful
Wizard: you are so sexy
Wizard: 2 weeks na wala pa ding seen
Wizard : i miss you a lot
Wizard : i think i fall in love with you
Wizard : dont you miss me.
Wizard: dont stress yourself
Wizard : i think you found someone else which makes you laugh,
Wizard : its been a month, and im f*****g miss you.
yung ang huling chat niya,actually kakachat niya lang yun bago ako nag online.He keep chatting me everyday for the whole month.
Wizard :💧💔💔💧💔💔💧
💔💔💔💔💔💔💔
💔💔💔💔💔💔💔
💧💔💔💔💔💔💧
💧💧💔💔💔💧💧
💧💧💧💔💧💧💧
Happy : hi,nakita mo na ako?paano mo nasabing maganda at sexy ako
Wizard : hi i miss you
Happy : answer me
Wizard : 1 month ka hindi nagchat tapos parang galit ka ngayon
Happy : no, im not ,nagtatanong lang po ako.Hindi mo naman kita ang emotion ko, kaya pano mo nasabing galit ako.
Wizard : are you tired?
Happy : Medyo lang,, parang ang sakit nga ng ulo ko,kakatapos ko lang magtake note ng orders
Wizard : kumain ka ,then uminom ka ng gamot.
Happy: oo maya maya na lang kachat pa kita.Masyado kang matampuhin kasi, kung ano ano na mga sinasabi mong kalokohan.
Wizard : wag ka kasing magpakapagod sa work,binibigla mo ang sarili.
Happy : hindi lang siguro sanay pa ang sarili ko sa pagod,wala naman kasi ako masyado ginagawa samin dati,kailangan ko lang sanayin ang katawan ko,pag sanay na siguro easy na lang.
Wizard : hindi kalokohan ang mga sinabi ko sa iyo kanina ha,i mean all of that😊
Happy : ewan ko sayo,chat na lang tau some other time,promise bawi ako 💤💤💤💤💤
☁☁☁💤☁
☁☁💤☁☁
☁💤☁☁☁
💤💤💤💤💤
☁ Sleepy ☁
Ally ' pov
Andito ako sa canteen ngayon, and my eyes are looking for someone na hindi ko naman makita.
Ms. Berna hindi ba pumasok ang part time student girl natin? 'naisipan kong magtanong sa kanya na saktong dumaan malapit sakin.
Ay sir hi po,good afternoon..pumasok po pero hindi na lang daw po maglunch, busog pa daw po siya, itutulog na lang daw po niya ang 1 hour break niya,sagot niya sakin
Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang ayon.Umalis ako at bumalik sa building.Pumasok sa elevator at pinindot ang 10.Pagdating ko dun, nilibot ng aking paningin ang kabuuan ng area,walang tao, maliban sa kanya.Nasa bakante table sa huli at nakasubsob ang ulo.Lumapit ako sa kanya,at gigisingin ko na sana para kumain siya ng lunch,kaya lang nagdalawang isip aq.Mahimbing lang siyang natutulog, sinulit ko na lang ang pagtitig sa mukha nya kahit medyo natatakpan ng buhok.Sinubukan kong isipit ang buhok niya sa tenga niya,mabuti na lang at hindi nagising.Napakainosente niya talaga kung titingnan,pero kapag nakilala mo matured mag isip.Hindi siya nakakasawang panoorin.
Natatawa na lang ako sa sarili sa ginagawa ko, nakatindig ba naman ako sa tabi niya at pinapanood lang siya,parang sira.Tiningnan ko ang relo ko, at medyo maaga pa .Aalis na sana ako ng gumalaw siya,kaya nagmadali na akong tumalikod.
Si...sir, naku pasensya na po, anjan pala kau..sorry po kung nakatulog aq sa trabaho,di na po mauulit.."hingi niya ng paumanhin,humakbang ako pabalik sa kanya.
Ok lang ,its noonbreak,,"sabi ko" sabay talikod.. "and dont forget your lunch,there ' s still a time.. "sabi ko habang naglalakad na palayo.
Hindi lang masipag at pursigido sa pag-abot ng pangarap si Farrah.Taglay din nito ang magandang katangiang pisikal.Sobrang ganda ng mukha at napakakinis ng balat.Pakiramdam ko napakalambot din ng maninipis nitong mga labi kahit di ko pa nahahalikan.Maganda din ang pagkakahubog ng katawan nito at sigurado ako madami magkakagusto dito.
Hindi ko nga naiwasan ang titigan ang maganda niyang mukha habang natutulog.
Farrah's pov
Di ako nakaramdam ng gutom at ang sama talaga ng pakiramdam ko,napaidlip ako sa may table sa working area,pero naalimpungatan ako kasi may tao.Pagmulat ko si sir na nakatalikod at paalis na ang nakita ko.Kinabahan ako, kasi nakita niya akong natutulog sa trabaho.Kaya humingi na lang ako ng pasensya at sinabi Kong di na mauulit.Salamat naman at pinagbigyan ako,akala ko papamemohan ako kaya naman kinabahan talaga ako.
Nung magsibalikan ang mga katrabaho ko bumalik na din ako sa trabaho ko.Kahit masama talaga ang pakiramdam ko, pinilit ko pa din tapusin ang nakatoka sakin.Kada isang tao kasi may qouta na dapat matapos sa isang araw,kaya kailangan ko talaga tapusin yung sakin.
Hanggang sa maguwian na ang mga kasama ko,meron pa din akong ilang piraso na tatapusing lagyan ng tag.Pero parang talagang hindi ko na kaya,bibigay na ang katawan ko.Mainit ang pakiramdam ko at nahihilo na talaga ako,kaya napaluha na lang ako.Ganon kasi ako pag nagkakasakit,napapaluha na lang.
Wala na akong kasama dito,lahat sila nakaalis at alam kong madilim na din sa labas.Hindi ko alam kung makakauwi pa ako.
Maya maya pa lang bumakas ang elevator,baka security na nagroround ,isip ko."hindi kasi siya agad lumabas
Magsasara na sana ang elevator, ng bumalik ito sa pagkabukas at lumabas si sir.Working area na kasi agad ang mabubungadan paglabas ng elevator,wala ng kahit anong division.
Why are you still here? gulat niyang tanong
Tinatapos ko lang po ito sir,, yung linya ko,medyo napuputol kong sabi.Masama na talaga pakiramdam.
Bakit hindi mo pa tapos yan? anong oras na oh 7pm na, " pagtataka niya pang tanong
7pm na pala,sa isip ko..Di ko na talaga kaya, kaya tumigil muna ako, at itinukod ko ang aking braso sa aking ulo kasi matutumba na talaga ako.Ramdam na ramdam ko na matutumba na ako dahil sa hilo.
Hindi ko na din alam kung ano ginagawa ni sir.Di ko na nga din nasagot ang tanong nito kasi wala na akong lakas. Pipilitin ko pa sana tapusin ang ginagawa ko ng makaramdam ako ng matinding hilo.Hindi ko na kinaya at bumigay na ang kaunting lakas na meron ako. And the last voice heard ay boses ng nag-aalalang boss ko.Kung ano ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam.