Ally 's POV
Pagpasok ko sa elevator,pipindutin ko na sana ang ground floor na maisipan kong dumaan sa 6th floor.Di ko alam kung bakit hinihila ako ng aking paa na pumunta dun.Ng nasa 6th floor na ako at mag open, hindi muna ako lumabas, nagdadalawang isip pa nga ako,pero may nagsasabi na lumabas ako. Nagtaka din ako at bukas pa ang mga ilaw.Paglabas ko nagulat ako ng makita ko si Farrah na nakaupo pa sa table niya at pinipilit maglagay ng tag.Nahalata ko agad sa kaniya na may dinadamdam ito base sa kilos nito.
Tinanong ko siya kung bakit andito pa siya at hindi pa umuuwi.Tinatapos pa daw niya ang nakaassign sa kanya.Dati naman sabay lang siya natatapos sa iba.
At nagulat na lang ako ng maya maya ay bigla siyang natumba.Mabuti na lang at mabilis ko siyang naalalayan at hindi nabagok sa sahig ang ulo niya.
Binuhat ko siya at pumasok na kami sa elevator.Pinindot ko na lang ang basement kasi andun ang sasakyan ko.Di na ako dumaan ng ground floor para magpaalam sa guard.
Nang nasa sasakyan na kami sinilip ko siya sa likod at unconscious pa din.Sobrang init niya which means mataas ang lagnat nito.Hindi ko alam ang una kong gagawin dahil di ko naman alam san sya dadalhin.Wala din ako ideya kung saan ang bahay nito.Napagpasyahan ko na lang na idaan siya ng ospital.
Pagkadating sa ospital, inasikaso naman siya agad.Makalipas ang 30 minuto,binalingan na ako ng doctor.
Mataas po ang lagnat niya sir,kailangan niya lang po magpahinga, at uminom ng gamot.Sobra po ata siyang nagpakapagod kaya bumigay ang katawan niya.Ok naman siya.Unconscious lang siya ngayon,tinurukan ko na siya ng gamot at bukas magiiba na din ang lagay niya.Pag nagising siya,pakainin ,ipainom itong gamot na irereseta ko at magpahinga, sabi niya
Makakauwi po siya ngayon doc," tanong ko
Oo naman, makakauwi na kau.. "sabi niya at nagpaalam na sakin.
Pagkatapos ko maayos ang bills, bumili muna ako ng gamot na reseta at saka ko binalikan si Farrah.
Nung nasa sasakyan na kami, kinuha ko ang bag niya.Tiningnan ko phone niya.Wala naman ni isang contact dito.Binuksan ko sss niya, nakaonline.Yung account na ginagamit niya pag magkachat kami ang nakaonline.Tiningnan ko kung sino nakaonline sa friends niya.Pambihira ako lang friend niya dito.
Kinalkal ko muli ang bag niya,sari saring abubot ang laman nun,may nakita pa akong isang phone.Tiningnan ko ang messages, at huling katxt niya si Sophie.Tama ,alam ko magkasama sila sa tirahan.
Dinial ko at sumagot naman siya.Wala daw siya sa condo.Umuuwi daw kasi siya pag weekend.Nakiusap siya kung pwede samin muna daw iuwi kaibigan niya.Pumayag naman ako kasi no choice naman ako,di ko din maari siya pabayaan,mas pabor pa nga ata sakin kasi magkakaroon ako ng pagkakataon makasama siya.
Pagkadating sa bahay, ipinasok ko siya sa kwarto ko at inihiga sa kama.Hindi ko na nga siya binihisan kasi baka magalit pa siya paggising niya.Kinumutan ko na lang siya at hinayaan ko ang mahimbing niyang pagkatulog.
Habang natutulog siya,sinulit ko talagang titigan ang mukha niya.Hinawakan ko ang kamay niya,at napakalambot.Napadako ang tingin ko sa labi niya, kissable lips at natutukso akong halikan siya,pero hindi ko magawa.
Umupo na lang ako sa couch na nasa harap ng kama ko at dun na lang nahiga at ilang saglit pa ay nakatulog na din ako.
Farrah 's Pov
Nagising ako na medyo masakit pa din ang ulo at nahihilo pa ako ng konte.Pagmulat ko ,nagulat ako at nasa ibang kwarto ako.Hala! nasan ako?? "bulong ko sa sarili ko.Bumangon ako at tumayo, medyo kaya kaya ko na naman.Lumabas ako ng kwarto at may narinig akong kilos sa may kusina ata yun.Naglakad ako papunta dun at nakita ko ang isang lalaki na nakasando at short na nagsasalin ng mainit na sabaw sa bowl.
Tinitingnan ko lang ang ginagawa niya kasi hindi pa ako makapagsalita,,sino siya,? sa isip ko.
Ilang saglit at lumingon na siya at nakita niya ako.Nagulat ako pagkakita sa kanya,si sir Ally.
Bat bumangon ka na Ms. Dela Torre? sabi niya at lumapit sakin
Ah sir. ba... bakit po ako nandito? "utal kong tanong.
Unconscious ka kagabi, di ko alam san ka dadalhin, kaya dito kita dinala,alangan naman iwanan kita sa lansangan,hindi naman ako masamang tao, "paliwanag niya habang nakangiti.
Dami agad sinabi, yung una nya lang naman sinabi ay sapat ng sagot sa tanong ko.
Bakit po hindi..
Bakit hindi sa condo nyo? Tinawagan ko friend mo sa phone mo, nasa Tarlac daw siya,sabi niya dito na lang daw kita dalhin, "pagsagot niya agad sa balak kong itanong,mind reader.
Buang talaga si Sophie, pinagkatiwala ako sa lalaki, paano kung may masama pala itong balak..At napaisip ako at tumingin ako sa itsura ko, na ikinagulat niya naman.
Dont worry virgin ka pa,di ako napatol sa unconscious, sabi niya ng parang nang aasar
Hindi na ako nakasalita pa,pakiramdam ko namula ang mukha ko. Naniniwala naman ako sa kanya kasi ganon pa din nga suot.Lalo akong nahiya kasi di pa ako nakapalit.
Anong tinatayo mo jan,?kaya mo bang dumeretso dito sa table,umupo ka na at kumain.,"sabi niya at lalapit na sana sa akin para alalayan ako.
Ook na po Sir,kaya ko po,"pinilit ko lumakad papunta dun.
Ng makaupo na ako, di ko talaga mapigilan ang mapatitig sa kanya,umupo din siya sa harap ko.
Kumain ka na,hindi ka mabubusog sa kakatitig sakin, asar niya
Napabalik naman ako sa huwisyo dahil sa sinabi niya,"yabang naman nito, nasa isip ko at napapangiti ako kahit masama pakiramdam ko.Pinilit kong kumain kahit wala akong gana.
Pagkatapos kong kumain, inabot niya sa akin ang gamot,at ininom ko na lang. Di na ako nagtanong pa.Tatanungin ko sana kung magkano nagastos niya sa gamot ko.
Pagkatapos kong makainom ng gamot,tumindig ako at dadalhin ko sana ang pinagkainan ko sa lababo.
Ako na bahala jan,iwan mo na lang yan jan,bumalik ka na lang sa kwarto at magpalit ng damit.Meron dun paperbag sa couch, yun pamalit mo, " sabi niya
Bumalik ako sa kwarto at nakita ko nga ang paperbag. Tiningnan ko ang laman ,isang Boone simple dress, may kasama pang isang panty,bra at cycling.Napatutop ang kamay ko sa bibig ko at napaisip
Hala siya kaya bumili nito,,nakakahiya naman..bat ba kasi dito pa niya ako dinala..nakakahiya talaga kay sir ally. ,bulong ko sa sarili
Bat umupo ka pa jan? hindi mo ba kaya maglinis ng katawan mo ,"nagulat ako ng bigla siya magsalita na nakasilip lang sa kwarto.
Ah, ka..kasi po,, hi..hindi ko alam ang cr,"utal kong sabi
Yang isang pintong yan,gamitin mo towel ko, anjan na sa loob ng cr,pagtyagaan mo na din yang mga hygiene ko jan,hindi na ako nakabili ng pangbabaeng hygiene," sabi niya pa din habang nakasilip lang siya.
Oook po..at tumindig na ako, pumasok na ako sa cr.,lagi akong nauutal sa kanya.Nakita ko nga towel, inamoy ko at parang naamoy ko nga kay sir ito minsan sa office.Ito talaga gagamitin ko,naimagine ko nakatapis ito sa hot na katawan ni Sir, tapos gagamitin ko,napakagat labi na lang ako. Napatawa na lang ako sa kalandian ko,para akong walang sakit.
Pagkatapos kong makapagpalit,naabutan ko si Sir na nakaupo na sa couch at hawak na ang laptop niya na mukhang busy na.Napatingin siya sakin.
Mamayang hapon ka na umuwi,matulog ka na lang muna at ng mas mabilis ang paggaling mo."sabi niya
Pe..pero sir sa bahay na lang po ako matutulog,nakakaabala pa po ako sa inyo dito..
I insist,,mahiga ka na jan sa kama..dito lang ako, may mga sasagutin lang akong emails,"at itinutok na niya ang attention niya sa laptop niya
Hindi na ako nagpumilit pa,nakakahiya naman sa kanya kung mangungulit pa ako ay mukhang busy na.Umupo na lang ako sa kama, at hindi muna nahiga.Nakakahiya naman sa kanya kung hihiga higa lang ako dito,dapat dun na lang siya sa labas.Kinuha ko sa bag ang phone ko at nagfb.
Happy : Hi 🤕🤕
Napatigil ako magchat kay Wizard kasi tumunog phone ni Sir, may nagchat ata.. pero di niya agad pinansin, ang lakas naman ng sounds ng notification nun,sa isip ko
Happy : kamusta ?
Seen
Wizard :ok lang ako, ikaw kumusta?
Happy :not feeling well,
Wizard: ha?? asan ka?
Happy : nasa condo
Wizard : nagpagod ka ata, gusto mo ba magresign na sa part time job mo?
Happy : hindi pwede no,may pinirmahan akong contract
Wizard: kaya kong gawan ng paraan yan
Happy : wag na, kailangan ko pa itong work na to no.
Wizard : pero nagkakasakit ka na?
Happy : hmm concern ka talaga
Wizard: oo at sobra akong nagworried sayo
Happy : nagworried??
Napaisip naman ako doon .Bakit naman siya magwoworried sa akin di naman niya alam na nagkasakit na pala ako.Di ko pa naman siya nakakachat , actually ngayon pa lang kami nagkachat.