Ally ' s Pov
Nagulat ako ng tumunog ang phone ko,may chat notification siya.Napatingin ako kay Farrah at hawak niya phone niya at parang nagchachat.Baka siya nagchat sakin ,sa isip -isip ko.Napatigil din siya saglit dahil sa tunog ng phone ko at napatingin sakin,kaya di ako nagpahalata.Kinuha ko phone ko at pasimpleng inalis ang sound.
Tsss,si Andrew talaga, "pakunwari ko...pero siya talaga nakita ko,naghintay muna ako ng ilang minuto bago iseen ang chat niya.
Happy : Hi 🤕🤕
Happy : kamusta ?
Wizard :ok lang ako, ikaw kumusta?
Happy :not feeling well,
Wizard: ha?? asan ka?
Happy : nasa condo
Wizard : nagpagod ka ata, gusto mo ba magresign na sa part time job mo?
Happy : hindi pwede no,may pinirmahan akong contract
Wizard: kaya kong gawan ng paraan yan
Happy : wag na, kailangan ko pa itong work na to no.
Wizard : pero nagkakasakit ka na?
Happy : hmm concern ka talaga
Wizard: oo at sobra akong nagworried sayo
Happy : nagworried??
Wizard : nagwoworried i mean,
Wizard : ah asan ka ngayon? sino nagaalaga sayo?
Happy : asa condo ni....
Sir Ally
Wizard : what!!! bat anjan ka?
Happy : unconscious daw ako kahapon, wala ako kasama sa condo ni Sophie kaya dito niya dinala,naawa yata sakin
Wizard : bat parang masaya ka pa,?dahil may pogi na nag alaga sayo...
Happy : hahaha selos ka naman,, ikaw eh ayaw mo magpakita sakin,di sana ikaw nag alaga sakin
Wizard : hmmm mag ingat ka, baka raypen ka niyan
Napatingin ako sa kaniya, at nakatingin din pala siya sakin.
Bakit? ma..may kailangan ka? tanong ko sa kanya,medyo nautal ako ng kaunti pagkasabi nun.Pilit kong pinapakalma ang sarili ko baka mahalata niya ako kachat niya.
Ahm wala po sir...ok lang po ba na mahiga na ako..medyo nangangalay na po ako.,"sabi niya.
Sige lang,,make yourself comfortable,"sabi ko ng nakangiti
Humiga na nga siya at nagkumot ng kalahating katawan at bumalik sa phone niya.
Happy : ok lang, gwapo naman ng mangrarape..hahaha
Nagulat ako sa reply niya,kaya napatingin ulit ako sa kanya ,at nakita ko reaction nya na nakangisngis.
Tsss...Iiling iling na lang ako ng nakangiti.
Wizard :wow easy to get ka pala.
Happy : tsss selos ka lang
Wizard : Magpagaling ka na, wag kang chat ng chat,
Happy : Ayos ayos na pakiramdam ko,nakainom na ako ng gamot.Naiinip kasi ako, kaya chinat kita.Ayaw ko kausapin si Sir, nahihiya ako, busy sya sa laptop niya.. ay este sa phone na pala..hahaha kala ko sasagot ng emails,may kachat na din yata. hahaha
Wizard : bat ka naman naiinip? magpahinga ka nga
Happy : ay katahimik ni sir,di naman umiimik..
Wizard : bakit ano ba gusto mong sabihin niya sayo.
Happy : Maganda ako,, haha joke.
Wizard : tssss
Happy :siguro kung ikaw nandito, may paguusapan tayo.
Wizard : wag mong hanapin ang wala, kung sinong anjan siya pagtiyagaan mo
Happy : di ka na selos
Wizard : hindi...
Happy: busy ka?
Wizard : hindi naman,
Happy : ginagawa mo,tipid mo magchat dati haba haba ng mga sinasabi mo
Wizard : nothing,im just enjoying the view
Happy : anong view? nasa bundok ka ba?
Wizard : perfect view,such a beautiful and charming view.
Nakatitig talaga ako sa kanya habang nagchachat.Busy siya sa phone niya kaya di niya ako kita.
Happy : kalokohan na naman yan,may ibang babae ka jan no?
Wizard : hindi ah,ikaw lang ang babaeng gusto ko.
Happy : sus cge lang,, wag ka na magchat, siya na lang enjoyin mo
Wizard :are you jealous?
Happy : hindi...who am i to you?
Wizard : someone that i love
Happy : haha kilig ako.,
Wizard : hmmm hahaha makita ka jan ng boss mo na kinikilig,mahiya ka
Happy : yaan mo siya,busy din naman siya,may chicks din yata hahaha,,panay din kasi ang ngisngis, kita ko
Patay,kita niya pala na nangingiti ako,nakakatuwa kasi siya kachat.Parang hindi siya yun sa personal.Tahimik naman niya personally,nahihiya siguro.Medyo nagseryoso ako ng kaunti para di niya ako mahalata.
Wizard : hindi mo yata kinakausap, kaya busy siya.
Happy : bakit ko kakausapin,? wala naman ako sasabihin, saka nahihiya ako.
Wizard : itanong mo ako sa kanya para may pag usapan kayo..
Happy : wag na baka maging close pa kami, magselos ka pa
Wizard : bat naman ako magseselos?,alam ko naman ako ang pipiliin mo.
Happy : how sure are you?
Wizard : matagal mo na akong kilala kaysa kanya,alangan siya piliin mo
Happy : and why not,I can hug him,i can kiss him right now,ay sayo kaya ko ba yung gawin,? di ba hindi???
Wizard : bakit kaya mo din ba yun gawin sa kanya ngayon?
Happy : oo kaya ko para mamatay ka sa kakaselos hahhahaha
Wizard : di ako naniniwala na kaya mo.
Tiningnan ko siya ,at pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.
Mukhang nakakatulong sayong paggaling yang kachat mo ah? tanong ko sa kanya,Umangat naman din siya ng tingin sa akin.Wag mong pigilin ang pagtawa mo,mamaya mamaho pa dito, pahabol kong asar sa kanya.
Ah, friend ko lang sir,pinasasaya po ako..,sagot niya
Sino ba yan? yung friend ko na friend mo na din?? kunwaring usisa ko sa kanya
Opo sir,,,maikling tugon niya
Nagkita na ba kayo? "bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama
Umiling lang siya bilang sagot.
Gusto mo siyang makita in person?
yes sir, kaya lang ayaw niya eh,,panget ba sya sir? tanong niya
Kamukha ko, sabi ko.."parehas kaming gwapo,
Tssss, she smirked,di ata nagwapuhan sakin.Si sir talaga, ay bat ayaw niya magpakita.
Baka nahanap pa ng tyempo,mahiyain yun sa babae pag personal na,sabi ko
Ok na ba pakiramdam mo? pahabol kong tanong,lumapit ako sa kanya at hinawakan ko noo niya.Medyo inilalayo niya pa kasi parang naiilang talaga siya.
Hindi ka na mainit,, sabi ko,Mukhang effective yung friend ko sayo.
Uminom ako Sir ng gamot kaya ako gumaling,, hindi siya ang dahilan ng paggaling ko.,sagot ko
Medyo lumayo pa siya ng konti sakin.,kaya umupo ako lalo sa kama at lumapit sa kanya.Kapag nalapit ako, nalayo siya.
Lalayo ka pa ba? malapit ka ng mahulog jan ? nasa dulo na kasi ng kama,kakausod niya.
Ahm Sir Ally kasi...'hindi siya makapagsalita, mas lalo ko inilapit ang mukha ko sa mukha
Si...Sir Ally...ano po ginagawa niyo?utal niya at mamula mula na pisnge
Titignan ko lang ng ayos kung talagang di ka na mainit,ayaw mo kasi magpahawak,sisiguraduhin ko lang kung ayos ka na talaga,para malaman ko kung pwede ka na umuwi.,pagdadahilan ko sa kanya, natutukso talaga akong halikan siya, kaya lang di ko magawa.
Hindi ko magawa ,kasi natatakot akong baka magalit siya at masaktan. Kagaya ng sabi ko dati,napakainosente niya at siya ang babaeng sa tingin ko ay hindi dapat saktan.
Pero muntik ko na talaga siyang mahalikan,konting konti na lang,mabuti at nakapag pigil ako.
Umalis na ako sa kama, at umupo na uli sa couch.Akward tuloy...
Nakuntento na lamang ako sa kakasulyap sa kaniya.
Cavin Ally Boone,what happen to you nagkakaganyan ka sa isang babaeng estudyante.Kung tutuusin at gugustuhin ko madali ko naman makukuha si Farrah kaya lang iba talaga ang dating nito sa akin.Yung tipong kailangan ko pagingatan ang kilos ko para hindi ko siya masaktan.
"Sabihin mo lang kung may kailangan .Wag ka mahihiya magsabi.",Pagkuway sabi ko dito.
"S-s-ige lang po Sir ..Salamat po.Ahh may itatanong lang po sana ako."medyo nahihiya pa siya kung itatanong niya ba o hindi.
",Sige ..ano yun?"
",M-may extra po ba kayong t-toothbrush?tanong nito."
"Gamitin mo na lang toothbrush ko?", Nakangiting tugon ko dito.
"S-sir g-gamitin ko toothbrush niyo.Wag na po nakakahiya naman.Baka madaming germs ang bibig ko .Nakakahiya."Pagtanggi nito at nakita ko ang pamumula ng mukha nito
"Joke lang...Ikaw naman ...Halika...Sumunod ka sa akin sa Cr."tatawa -tawang tugon ko dito.
"A-akala ko Kasi Sir totoo na papagamit niyo toothbrush niyo sa akin.Nakakahiya naman."Sabi nito habang kasunod papunta ng CR.
"Wala naman masama doon kesa bumaho ang bibig."Dinaan ko na lang sa biro ang tensyon na nararamdaman ko sa kaniya.
"Hindi pa naman sir ganong kabaho ang bibig ko.Pwedeng mamaya na ako mag toothbrush .",balik na biro nito sa akin.
Kinuha ko sa drawer sa loob ng Cr ang extrang toothbrush at bumaling ako kay Farrah para iabot ito sa kaniya.
Sobrang lapit na namin sa isat-isa dahil sa maliit na space ng Cr.
Hindi ko maiwasan ang titigan ang magandang hubog ng mukha nito.Paunti -unti akong lumapit sa kaniya habang siya naman ay paurong ng paurong hanggang sa mapadako na siya sa pader .Magkahinang ang aming mga mata at wala ni isa sa amin ang natinag para bumitaw sa aming titigan.
Di ko mapigilan ang sarili ko na unti-unting ilapit ang aking mukha sa mukha niya .
Palapit ng palapit hanggang sa nararamdaman ko na ang hininga nito na nagmumula sa bibig niya.Kaunting -kaunti na lamang at malapit na maglapat ang aming mga labi.
Ipinaling niya bigla ang kaniyang mukha kaya natauhan ako sa aking ginagawa Nakita ko ang pamumula niya at maging ako nakaramdam din ako ng pamumula ng aking mukha.Hindi ako agad makahagilap ng sasabihin dahil parang nahiya naman ako sa ginawa.
",A---aa Excuse me po Sir.. Mag toothbrush na po ako ."Sabi nito at dumaan siya sa gilid ko para dumeretso na sa sink.
"Ahh..O-ook sige."halos mabulol din ako sa pagsasalita.
Napasapo na lang ako sa noo dahil sa pagkapahiya ko.