Farrah 's Pov
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang gustong mangyari ni Sir.Bakit lumapit siya ng lumapit sakin,hahalikan niya ba ako, kinakabahan na ako baka magkatotoo ang sinabi ni Wizard na rapen ako nito.
Lalayo ka pa ba? malapit ka ng mahulog jan ?"sabi niya " ramdam ko na ang hininga niya sa lapit ng mukha niya sakin..nasa dulo na ako ng kama at wala akong uusudan pa.
Ahm Sir Ally kasi...'nauutal ako kasi di ko alam sasabihin ko, mas lalo nya pang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.
Si...Sir Ally...ano po ginagawa niyo?at ramdam ko namumula na ako..
Titignan ko lang kung talagang di ka na mainit,ayaw mo kasi magpahawak,sisiguraduhin ko lang kung ayos ka na talaga,para malaman ko kung pwede ka na umuwi,"paliwanag niya.,
Ng maidampi niya ang kamay nya sa noo ko parang mas lalo ako nag init,,pagkatapos nun unti unti na siyang tumayo at bumalik na sa couch.
Anong oras ng pasok mo bukas? tanong niya.
Sa school Sir? paglilinaw ko
Oo alangan namang sa factory? Monday na bukas " pabalang niyang sagot.
10 am sir,maikling sagot ko na lang
May mga assignments ka ba o something na kailangan mong gawin ngayon?
Wala na naman sir,nagawa ko na po lahat, "bat kaya pati yun tinatanong nito?
Ok, bukas na maaga kita idadaan sa inyo,sabi niya
What!! natutop ko ng kamay ko ang bibig ko,Masyado naging malakas ang boses ko.Napa OA ata ako.
Medyo kumunot ang noo niya at tumingin sakin.
May lagnat ka pa, bukas pa ang balik ng kaibigan mo sa condo niyo, di ba? baka kung mapano ka pa, " sabay balik na ulit ng atensyon niya sa laptop niya.
Pero sir.."pinutol niya agad ako sa sasabihin ko pa
Wag kang magalala, bukas virgin ka pa din, " nang aasar niyang sabi
Hindi naman po Sir sa ganon, nakkahiya po sa inyo,sobrang abala ko na po ," paliwanag ko
Basta dyan ka lang,,dont worry, di ka nakakaabala, nasa tonong nakukulitan na sya sakin.
Tulad niyan, busy ka po,,tapos naabala kita,"huminto siya sa ginagawa niya sa laptop
Hindi ako busy, tapos na ako,sabay ligpit ng laptop niya.Inilagay niya iyon sa loob ng cabinet at bumalik na uli sa couch.
Diyan ka lang at ideretso mo na pagpapahinga,,enough for phone,nakakadagdag yan ng sakit ng ulo" sabi niya habang papasok ng Cr.
Nung mag isa na lang ako, nahiga na akong muli.Kaso di pa ako inaantok,kung ano ano pa naiisip ko.Naaalala ko di pa nga pala ako nagtotoothbrush.May extra kayang toothbrush si Sir.Bumangon akong muli at hinintay ko ang paglabas ni Sir.
Bakit kaya ang bait ni Sir? Iba talaga pakiramdam ko sa kanya, parang may something.Baka ...Baka may gusto na ako sa kanya...Pag andyan siya para akong kinakabahan na di ko maintindihan.. Ang gwapo kasi..sobrang gwapo talaga.
Bumukas ang pinto ng cr at napatingin ako sa kanya.Towel lang na ginamit ko kanina ang nakatapis sa kanya.Kumuha siya ng damit sa closet niya at bumalik na ulit sa cr,siguro dun magbibihis, alangan namang sa harap ko.
Ang hot niya, may abs pa,,may goodness..Baka dito na matapos ang lahat at di ko na matupad pangarap ko. Baka ako na mismo ang manrape sa kanya.Sinampal sampal ko ng mahina ang pisnge ko dahil sa pagpapantasya ko.
Ilang saglit lang at lumabas na siya,di ko talaga maiwasan ang mapatitig sa kanya.Umupo na siya muli sa couch at humilig doon.Ipinikit niya ang kanyang mga mata.Nakatitig pa din ako sa kanya ng bigla siyang magsalita .
Stop staring at me.. "Iniangat niya ang paningin niya sakin at naabutan niya nga akong nakatitig sa kanya.Di na ako nakasalita, wala akong maisip na dahilan ng pagtitig sa kanya.
"Kung may kailangan ka sabihin mo lang.Wag ka mahiya magsabi."dagdag pa nito.
"A--ah may itatanong lang po ako sir."
"Sige .Ano yun?"
"May extra po kayong toothbrush?"Nahihiyang tanong ko dito
"Gamitin mo na lang toothbrush ko."Napanganga na lang ako sa sinabi nito.Gagamitin ko toothbrush niya ...Gosh!!Pwede naman..Hahaha...My God Farrah!!!Landi mo!!!Suway ko sa sarili ko.
Pero nagbibiro lang pala naman si Sir doon..Joke lang daw ...Joker din pala itong si Sir.
Nagtungo ito sa Cr at sumunod ako para sa mag toothbrush dahil meron Naman daw ito extra..
Unexpected ang eksena...Muntik na akong halikan ni Sir.Mabuti nakaiwas pa ako.Kaunting-kaunti na lang...Grabe yung bilis ng t***k ng puso ko.
Di ko alam pumasok sa isip ni Sir at nagawa niya yun pero di ko siya masisisi ..Babae ako at lalaki siya tapos kami lang...Pwedeng makaramdam siya ng kakaiba ..yung bang sinasabi nilang tawag ng laman....haiisst...pero infairness lang hindi Naman si Sir yung tipong may pagkamanyak.. Naramdaman ko nga na napahiya siya dahil sa ginawa niya.Akward tuloy..
Gusto mo ba manood ng tv? maya-mayay tanong niya .Sobra na Kasing tahimik namin.Wala nagsasallita sa Amin dahil sa eksena kanina.
Akala ko po matutulog kayo? balik kong tanong
Hindi ako makakatulog, baka paggising ko di na ako virgin, pangaasar niya.
Tsss, I pouted my lips, nahiya tuloy ako, ako pa talaga ang nagpantasya sa kanya.
Inopen na nya ang tv, at nahiga muli sa couch.Dahil wala na akong subaybay na palabas,hindi ako naentertain ng mga palabas.Si Sir pa din ang nasa isip,paminsan minsan, nasulyap pa din ako sa kanya.
Nakakalahating oras na kami sa panonood at pansin kong pabaling baling sya sa couch,mukhang nangangalay na.
Sir, "tawag ko sa kanya,at tumingin naman siya sakin", dine na po kayo sa kama, maluwang pa naman po,
Wag na ok lang ako dito,baka mailang ka pa sakin, "sabi niya pero sa tingin ko talaga di siya ok dun,sumasakit na leeg niya sa ngalay siguro.
Sir ,hindi ka na virgin, kaya wag ka ng maarte, " natatawa ko namang asar sa kanya".
Ikaw ha,,marunong ka ng mang asar "natatawa na din siya...
Ang gwapo talaga ni sir lalo pag ngumingiti.
Tumindig siya at lumapit sa kama .Umupo lang siya sa may bandang dulo.Inilipat niya ang palabas sa Tom and Jerry.Napatawa ako ng kaunti, ang tanda niya na yun ang gusto niya panoodin.
Bakit ka tumatawa? umayos na siya ng sandal sa headboard
Ay kasi naman sir, bat yan panonoodin nyo,Tom and Jerry, pambata lang yan eh,di na bagay sir.. natatawa kong asar sa kanya.
Natutuwa ako sa kulitan ng pusa at daga na yan,panoodin mo,mamaya tatawa ka na din, "sabi niya, itinuon ko na lang panonood kahit di ko gusto kasi wala naman ako choice,wala din naman akong ibang pwedeng gawin.
Naging tahimik kami sa panonood,ngumingiti lang siya pag nagandahan siya sa palabas,pero ako talaga hindi natutuwa sa palabas.
Sir, ' basag ko sa katahimikan naming dalawa.Nakahiga na siya at nakatagilid paharap sakin,nasa bandang kaliwa ko kasi ang tv.
Hmmmm,tugon niya lang, at alam ko nakatitig siya akin ,kita ko sa phirepheral vision ko.
Thank you for caring me.And Im sorry kung hindi po ako nakapasok today .",Nakatitig pa din siya sakin."At sir magkano po pala babayadan ko sa binili nyong gamot sakin? pahabol kong tanong.
Your welcome,wag mo ng isipin ang hindi pagpasok ngayon,ako na bahala dun.. and I dont know kung magkano yung nagastos ko para sa mga gamot mo,di ko knwenta,, kaya wag mo ng tanungin...
Babayadan ko po kasi..
Wag mo ng bayadan,di naman kita sinisingil..
Pero Sir, nakakahiya po.
Tumingin siya sa relo niya.Hindi na niya pinansin pa ang sinabi ko.Ayaw niya pabayadan siguro.
Tanghali na pala.Bumangon at pumunta siya sa may couch at kinuha phone niya.Nagpadeliver siya ng pagkain.
Dyan ka lang,hihintayin ko lang yung order na pagkain at may gagawin lang din ako sa kusina."Tumango lang ako. at lumabas na siya ng kwarto.
Pagkasarado niya ng pinto, kinuha ko ang remote ng tv at pinatay.Bumangon na din ako at sumunod sa kanya.Alangan namang tumunganga lang ako dito, at maghintay lang ng tawag niya.Nakakahiya din naman.Ayos na naman talaga ako,Di na ako nahihilo.Ewan ko ba at di pa ako pauwiin.Tinatamad ata akong ihatid.Pwede naman ako magtaxi.
Sumunod ako sa kanya, nakalagay na ang plato sa table.
Sir may maitutulong po ba ako?
Ah wala na, madali na lang itong soup, ininit ko lang yung tira mo kanina, upo ka na dyan,maya maya lang darating na yung pagkain.
Sinunod ko na lang ang sinabi niya,baka mamaya masabihan pa akong sutil.
Nung dumating ang pagkain, kumain na kami.Pinagsilbihan niya pa ako.Nilagyan niya ng soup ang maliit na bowl at binigay sakin.Panay ang sabi niya na kumain daw ako ng madami, para mabilis gumaling.Uminom na ulit ako ng gamot.Siya na muli nagligpit ng pinagkainan namin.Akalain mo nga naman,boss ko yan, pero pinagsilbihan ako.Baka mainlove ako nito sa knya .
Pinabalik niya na ulit ako sa kwarto.Akala ko susunod siya, pero naka 1 oras na ata di pa din siya sumunod,hanggang sa dalawin na ako ng antok.