Ally 's Pov
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at di ko muna pinauwi si Farrah.Gusto ko samantalahin ang pagkakataon na ito.Sa sunod hindi na ito maaaring mangyari kasi wala naman rason para magkasama kaming dalawa ng kami lang.Hindi pa ako handa magpakilala na ako si Wizard,alam ko maiilang lang siya pag nalaman niya at baka mawalan pa kami ng komunikasyon.Its not yet time.
Dahil hindi ko siya pinauwi, heto ako ngayon nagpalaundry ng hinubad niyang damit para may pangpalit siya.Hindi ko maintindihan nararamdaman ko sa kanya,ang saya ko pag kachat siya lalo na pag nakikita ko na siya.
Gusto ko lagi siyang makita,siguro dahil lagi kami nagkakachat, nahuhulog na ang loob ko sa kanya.
5pm na ako bumalik ng condo,dumaan pa ako sa mall,bumili ako ng pangbabaeng kahit anong sabon at shampoo,'di ko naman alam brand na ginagamit niya,kumuha din ako feminine wash,nagaalangan pa nga ako kunin yun kasi baka maging akward pa sa kanya.Sinamahan ko na din ng toothbrush at lotion, parang wala siyang lotion na dala sa bag niya.
Bumili ako ng carbonara at pizza, pasalubong ko sa kanya.Nagtake out na din ako ng dinner namin.
Pagdating ko sa condo,Pumunta ako sa kwarto at parang natutulog pa siya.Pero talagang hinahatak ako ng tukso,makita ko ba naman siya, walang kumot, nakalulon ang dress niya pataas.Parang nagnanais ang katawan ko na hawakan ang hita niya.,ang kinis niya,bilugan at maliit ang binti niya.
Umupo ako sa kama,malapit sa kniya.Pinagmasdan ko ang kabubuuan niya.At her young age, she,'s very sexy and hot too.Maattract sa kniya ang mga lalaki sa taglay niyang kagandahan lalo na sa attitude na meron siya.Meron siyang mataas na pangarap at pagpupursige para maabot ito.
I am going to try to touch her,pero mas nangibabaw sakin ang nakikita kong kainosentehan niya kaya sa halip na gawin yun, kinuha ko ang kumot at ibinalot sa kanya.Gumalaw siya ng kaunti,nakaramdam ata.
Hindi ko na hinintay magmulat siya ng paningin, sinalat ko ang noo niya at sa tingin ko normal na init niya.Nagulat ako, hinawakan niya kamay ko.
Sinalat ko lang ikaw kung mainit ka pa,at mukhang hindi na, sabi ko habang nakatingin sa kamay ko na hawak niya.
San ka galing Sir? bat ngayon ka lang po? Natakot ako kanina mag isa dito... "sabi niya na may kaunting takot sa boses niya.
May pinuntahan lang,kaya ba nagulat ka at napahawak ka sa kamay ko," sabi ko at nakatingin pa din ako kamay namin.
Pakiramdam ko nag iinit ako sa pagkakahawak niya.Dahan dahan ko siyang iniupo at niyakap ko.Hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya.
Dont worry,you are safe here,"palubag loob ko sa kanya.
Kumalas na ako sa pagyakap sa kaniya at tumayo na,kita ko sa reaction niya na nagulat siya sa ginawa ko,kaya di ko na lang pinansin.Kahit gusto ko pa siyang yakapin ng matagal, pinigilan ko baka kung ano pa isipin.niya.Mabuti na lamang nga at hindi na namin pinagusapan pa yung kamuntik-muntikan na mahalikan ko siya.
Ihanda ko lang pagkain sa dining, magready ka at sumunod ka na sakin," sabi ko habang papalabas na ng pinto.
Maya maya pa lang sumunod na siya sakin sa dining at patapos na ako maghain ng lumapit siya.
Maupo ka na, "sabi ko at umupo na din nga siya kaya umupo na din ako, at sabay kaming kumain.
Tahimik lang kaming kumain,pagkatapos namin,nagligpit na ako at hinugasan ko na.Pinunusan niya naman ang table, hindi ko na siya pinigilan kasi mukhang ayos na naman ang pakiramdam niya.Pagkatapos niya magpunas,naupo siyang muli.
Oh bat hindi ka pa bumalik sa kwarto, " sabi ko
Maya na lang Sir, hintayin na lang po kita.
Natatakot ka noh? tanong ko
Hindi naman sir,naiinip lang talaga ako.Sa loob po kasi ng one month sanay na ako ng may ginagawa, "paliwanag niya
Wala ka namang kailangang gawin dito, at saka hindi mo kailangang gumawa muna kasi baka mabinat ka pa
Panoorin na lang kita Sir.
Are you kidding? natatawa kong tanong ,
Medyo napangiti siya kasi natatawa ako,"Sir bakit mag isa lang kayo dito? tanong niya,mukhang comfortable na siya kasama ako.,isip ko
Meron naman ako kasama dito,"tugon ko
Sino Sir? Asan siya. ?
Ikaw, "sabay harap ko pa sa kanya.
Ikaw Sir ha, last mo na po yan, "natatawa na din siya,"I mean po, parents nyo, kapatid or asawa?
Si dad nasa Korea, si mom nasa Spain, parehas silang may sariling business.Wala akong kapatid, at WALA pa akong asawa.,Maghahanap pa lang,pahabol ko
Ahh hindi kayo malungkot Sir, mag isa lang kayo dito.
Hindi naman, malimit naman nasa opisina ako.
Ilang taon na po kayo Sir,?
23 lang,"deny ko
Weh,, sa lago na ng business niyo, 23 lang kayo.Eh ako 22 na ako pag nakatapos ako ng college.Ano kayo di kayo nag elementary? "pagbibiro niya.
Just kidding,,Why you want to know?I asked
Kasi Sir parang nakakainspire kayo,at your age,successful na talaga kayo.
To be honest,im 29.
Hmm, bata pa pala kayo talaga Sir..Ang galing niyo naman po.
So wag ka ng mamo"po" ,bata pa ako at gwapo pa " ngiting sabi ko.
She pouted her lips,"ang lakas din po pala talaga ng confidence natin Sir " .
Hindi ka ba naggwapuhan sakin? pagbibiro ko , ' I said wag ka ng mamo "po"
Sir Boss ko po kayo,at malaki po ang tanda niyo sakin, kaya ako namomo "po", paliwanag niya.
So stop it kapag tayo lang dalawa,
Hmm ok sige...sabi nyo.
Pagkatapos ko sa ginagawa, lumakad na ako papuntang kwarto.Sumunod naman siya.Inabot ko sa kanya ang paperbag, na pampalit niya.Pumasok na siya sa cr, ako naman ay pinalitan ko ang cover ng kama.
Maya maya pa lang ay lumabas na siya .
Sir, dapat sakin nyo na pinagawa yan?
Ok lang, bisita ka at di ikaw dapat gumawa nito.Pinalitan ko na parang komportable ka.
Comfortable naman na ako sir, kahit di nyo na pinalitan.
Nagawa ko na, tapos na oh, 'mangungulit ka pa, "natatawa ako".Nagiging komportable na siya at natutuwa ako dun.
Ahhmm Sir san ko pwede ilagay tong pinagbihisan ko? nagaalangan niya pang tanong
Akin na,sabay ko na dito sa bedsheet,'aabutin ko na sa kanya, kaya lang nahihiya pa siyang ibigay sakin
Wag ka ng mahiya,naipagpalaundry na nga kita,lubusin mo na "nakita kong nagblush ang mukha niya.Nagaalangan man, binigay niya pa din.
Inilabas ko lang ang mga iyon at saka bumalik.Nadatnan ko siya na nakatingin sa mga books na nasa cabinet.
Sir ok lang bang kuhanin ko tong book na to,"tinuro niya", magbasa lang ako.
Go ahead, sabi ko at kinuha niya "about business ang book,.Nung makuha niya naupo siya sa couch at binuklat ang aklat.
Ayaw mo ba manood ng tv? tanong ko,baka kasi naiinip siya.Ayaw ko pa naman mainip siya at baka makaisip pa umuwi.
Hindi na sir,mas gusto ko pa magbasa kaysa manood," sabi niya habang tutok siya sa pagbabasa.
Ok, sabi ko na lang.
Pumasok na ako sa cr at naligo.Ginamit ko yung towel niya.Inamoy ko yun at naamoy ko ang sabon na ginamit niya.Mas lalo lamang ako nagiinit sa kanya.Tsss ,napasinghal na lang ako sa sarili ko.Nababaliw na ako sa kanya.
Paglabas ko nasa couch pa din siya at nagbabasa.
Kumuha din ako ng isang aklat at nagbasa.Umupo ako malapit sa kanya.Pero hindi naman ako makaconcentrate kasi katabi ko siya at naaamoy ko pa siya.
Mahilig kang magbasa? tanong ko
Simula nung first year college Sir, Nahiligan ko na magbasa ,madami kasi ako natutunan sa pagbabasa.
That 's good.Ako din naman, kaya ang dami kong books dito, mahilig din ako magbasa.Bumibili ka ng books na binabasa mo.?medyo tumigil na siya sa pagbabasa at sinagot ako
Twice na Sir ako bumili.May hinahanap akong book, yung
story ng mga succesfull businessman and women,kaya lang wala ako makita.
Gusto mo ng ganon book? tanong ko uli."
Oo sir, kasi naiinspired talaga ako sa kanila."tumindig siya at umupo sa kama.
Sir ok lang ba na mahiga na ako dito kasi nakakangalay pala talaga dyan,"medyo nahihiya niyang sabi
Sige lang,go ahead, make yourself comfortable.
Kayo sir, di pa kayo magpapahinga.? "humiga siya at nagkumot.Nagbasa siyang muli.
Wag mo ako akitin,baka di ako makapagpigil. "bulong ko sa sarili.
Ano Sir??
Ha!wala akong sinasabi ," pakinig niya pa lang yun
By the way,ayaw mo bang gawing Saturday na lang ang Part time mo? tanong ko.
Sir may pinirmahan po ako contract? 6 months yun kaya kailangan ko po yun tapusin.
I can handle that,you know im the boss.
I insist Sir,"tumigil uli sya pagbabasa ,bumangon at sumandal sa headboard.May nabasa ako sir,"if your tired in your job,Don t quit, just take a rest.Hindi ako pwdeng sumuko sa pangarap Sir.
I like you.
What sir?
I mean I like your attitude, towards your dream, your persiverance to acchive it.
Kailangan ,kasi gusto ko maproud sakin ang pamilya ko, pati ibang tao.
Dont do that for making others proud, just do it for yourself.Kasi pag naabot mo na yan, maghahangad na naman sila ng higit pa uli,so magpupursige ka muli to prove them na kaya mo pa kahit pagod ka na.
Ganon ba yun Sir...?tanong niya
Well thats my opinion..Matulog ka na, maya maya na ako.