Napatingin sa akin ang isang babae at lalake na parehong nababalutan ng itim na usok. "Namatay kayo limang taon na ang nakakaraan." Sabi ko sa kanila sa seryoso na boses kita ko ang takot sa kanilang mukha habang magkahawak ng kamay. Alam nila kung sino ako kaya bigla silang lumuhod at nagbigay ng galang sa isang kumpas ko lang ng kamay ko ay nandito na agad kami sa trono ko. "Mga naliligaw kayo na kaluluwa at hindi matahimik anong kahilingan ang gusto niyo?" Seryoso ko na tanong sa kanila nakita ko kung paano umiyak ang babae at nakita ko ang mukha ni Haze sa kanya kaya napakuyom ako ng kamao ko. "Gusto lang namin mabigyan ng hustisya ang pagkamatay namin at tiyakin na ligtas ang aming anak." Umiiyak na pakiusap ng babae kaya napatango ako. Nakita ko na bigla na lang sumulpot si Heli

