Napangisi ako ng may mga pulis patrol na humahabol sa akin dahil sa over-speeding na ginagawa ko nakipagpatintero pa ako sa mga sasakyan sa edsa.
Pinapalanghap ko sila ng alikabok at sa inis ko ay pinalipad ko na lang ang motor na sinasakyan ko gamit ang kapangyarihan ko.
Hindi na ako naabutan pa ng mga mortal kaya napangisi ako masarap pala sa pakiramdam na paglaruan ang mga tao. Ito minsan ang ginagawa ng mga kapatid ko at hindi ako makapaniwala na masarap pala sa pakiramdam.
Napadpad ako sa isang burol kung saan kita ko ang buong siyudad, kung tutuusin hindi ako dapat umakto ng ganito para akong batang nagtatampo pero hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng inis at galit sa sarili ko.
Alam ko na natakot sa akin si Persephone pero nakakainis kasi bakit kailangan niya pa na alalahanin ang mga taong gusto naman siyang patayin.
Tama ang nangyari noong nakaraang araw kanya, pinlano mismo ng peke niyang pamilya at iyon ang gusto kong malaman niya pero paano kung hindi siya maniwala ni hindi nga niya ako lubos na kilala napahilamos na lang ako ng mukha at muling sumakay ng motor at binagtas ang daan pauwi sa mansyon.
Kailangan kong makauwi agad dahil nandoon ang mga kapatid ko baka kung ano ang malaman niya sa mga pasaway na iyon.
Alam ko naman na hindi siya mapapahamak sa kanila medyo mababait naman ang mga iyon, napatigil ako hindi pala dahil mas malala ang mga iyon sa akin.
Binilisan ko pa ang pagpapatakbo napamura ako sa isip ko dahil gusto ko na agad makita ang reyna ko.
Pagkarating ko sa mansyon ay nakita ko agad ang mga kapatid ko na nanonood ng pelikula at si Hermes.
Ang tahimik yata ng mga ito na nakapagtataka dahil hindi man lang ako pinansin kaya napahalukipkip ako.
Nagbago ako ng anyo na nagpapakita na dapat nila akong batiin.
"Hindi niyo man lang ba ako babatiin?" Seryoso kong turan lahat sila ay nagulat sa boses ko at sa muling pakakita sa anyo ko.
Dali-dali silang lahat na lumuhod at magalang na bumati sa akin kaya napabalik ako sa normal kong anyo.
"Pasensya na kuya binibiro ka lang namin at itong mga ito ay sinunod ko lang." Si Hermes ang unang nagsalita habang nakayuko pa rin kaya napailing na lang ako.
"Nagbibiro rin ako patas na tayo." Wala sa loob ko na turan sa kanila kaya lahat sila ay napaungol dahil sa inis.
"Si Herald na saan siya?" Tanong ko ng tumabi ako ng upo sa kanila.
"Iniwan ko siya sa palasyo kanina mamaya na lang daw siya babalik." Sagot ni Helios na masama akong tinignan kaya nginisihan ko lang siya.
"Akala ko talaga totoong nagalit ka ayoko pa naman na makulong sa Tartarus." Nahintakutan na turan ni Helion kaya napailing na lang ako.
Hindi talaga mabiro ang mga ito napatingin ako sa hagdan at pinakiramdaman si Persephone.
"Kanina pa siya nasa silid niya marahil ay hinihintay ka." Napatingin ako kay Helion kaya napatango lang ako.
"Ano na ang balak mo sa kanya? Si Herald ang nagparusa sa mga peke niyang mga magulang at nasusunog na sa impyerno ang mga kaluluwa nila." Sabi ni Helion na kaswal lang sa pagsasalita.
Oo nga pala sila na mismo ang gumawa ng paraan para mapagbayaran ng mga ito ang nangyari kay Persephone.
Walang batas sa aming mga diyos lalo na sa aming lahi kaya pwede kaming magbigay ng parusa sa mga nilalang na nabubuhay pa sa mundong ito.
Si Herald ay ang diyos ng kamatayan at isa siya sa pinakakinatatakutan na diyos sa Olympus at Tartarus dahil sa kanya napupunta ang pinakamasasamang nilalang na gumagawa ng kasamaan.
Si Helion ay ang diyos ng apoy isa siya sa mga bantay ng purgatoryo sa Tartarus at isa sa mga nagbibigay ng kaparusahan sa mga nilalang na nakagawa ng masamang bagay sa kanyang kapwa tulad ng pagpatay.
Si Helios ay ang tagasundo sa mga namamatay at naghahatid kay Herald kung anong parusa ang ibibigay sa mga ito bago siya mapupunta kay Helion.
At ako isa akong hari na naglilitis sa mga namamatay at kung saan sila dapat mapunta, nakakapagod ang trabaho ko pero ito na ang trabaho naming magkakapatid kaya kapag may pagkakataon ay nananatili lang kami dito sa mundo ng mga tao.
Tulad ngayon salit-salitan lang kami sa Tartarus dahil normal na panahon na lang ang kasalukuyang panahon at walang masyadong trabaho.
Dinadala na namin dito ang mga trabaho namin at mas mabibilis ng magtrabaho ang mga kapatid ko dahil binabagayan na rin nila ang panahon.
"Aakyat muna ako titignan ko muna ang reyna ko." Sabi ko sa kanila kaya napatango sila lahat.
Umakyat na ako at naabutan ko si Persephone na nakaupo at nanonood ng telebisyon pero napatingin ako sa balita dahil tungkol ito sa pamilya niya.
Agad kong ginamit ang kakayahan ko at pinatay ang pinaka mainswitch ng kuryente sa buong bahay.
"Nawalan ng kuryent." Nagulat siya ng makita ako at napatingin sa telebisyon.
"Hades patay na sila." Mahina niyang turan kaya tinabihan ko siya at kinabig.
"Hindi sila ang totoo kong mga magulang na umampon sa akin noon kundi mga impostor pinatay nila si daddy at mommy." Umiiyak niya na turan kaya lalo ko lang siyang niyakap ng mahigpit.
Naramdaman ko ang sakit sa kalooban niya at ang sobrang lungkot.
Mukhang ginawan na ng paraan ni Herald ang lahat dahil balita na sa buong Pilipinas ang balita at nakakagimbal iyon sa mga tao dahil kilala sa lipunan ang pamilyang umampon kay Persephone.
Nakatulog ito sa kakaiyak at lahit anong gawin ko ay hindi ko siya mapatahan kaya pinatulog ko na lang siya.
Binalik ko na ang kuryente at pinaandar ang aircon.
Nang maayos ko na siyang maiayos sa kama ay hininaan ko ang aircon at kinumutan siya tinapat ko ang kamay ko sa kanya at pumikit.
Naglagay ako ng proteksyon sa kanya para payapa siyang makatulog at hindi dalawin ng masamang panaginip.
Bumaba ulit ako at naabutan ko ang mga kapatid ko na kumpleto na habang seryoso lang si Herald na nagbabasa ng dyaryo.
"Balita na ang nangyari pinakalat na pala ni Helios ang video ng pagkumpisal ng pekeng pamilya ni Haze bago sila nagpakamatay." Sabi ni Helion at saka ako tinitigan kaya napangisi lang ako.
"Kulang pa sa kanila ang ginawa nila sa mga sarili nilang buhay titiyakin ko na mararanasan nila sa impyerno ang pinakamalupit na kaparusahan sa pagpatay nila ng mga taong inosente." Seryoso ko na turan sa kanila at napaupo sa tabi ni Hermes na may binabasa sa cellphone niya nakita ko kung sino ang kausap niya ay napailing na lang ako.
"Nakakainis itong si ama bakit kailangan niya akong pauwiin sa Greece." Bulong nito.
"Umuwi ka baka kailangan niya ng tulong mo." Sabi sa kanya ni Helios na mukhang pabor ang pagbalik ni Hermes sa paguwi nito.
"Kumusta ang reyna?" Tanong ni Herald kaya napatingin ako sa kanya.
"Napanood niya ang kalahati sa balita sa telebisyon at imiiyak na nakatulog." Sagot ko sa kanya at tinitigan siya.
Napailing ito at inabala ulit ang sarili sa pagbabasa.
"Ano na ang balita sa border ng Tartarus?" Tanong ko na lang para magkaroon sila ng gana kaya napatigin sa akin si Helion at siya ang nagreport.
"Hindi natin tauhan ang nakita sa border sa palagay ko ay ibang nilalang sila alam naman natin hindi lang ang mga demonyo ang naninirahan sa teritoryo natin." Sabi ni Helios kaya napatango ako.
"A Vampire to be exact is lurking in our world Hades." Napatingin ako kay Herald na nagsalita.
Mga bampira matagal na panahon na rin akong hindi nakakarinig ng mga nilalang na iyon marahil magaling lang silang magtago.
"Paano sila nakarating doon are they time travelling?" Tanong bigla ni Hermes na binitiwan na ang cellphone niya.
"Hindi natin sila dapat pinapakialaman may sarili rin silang buhay sa mundong ito ang dapat natin pagtuunan ng pansin ay ang pagiingat na hindi malaman ng mga diyos na nandito si Persephone." Sabi ni Herald na seryoso akong tinitigan kaya napailing na lang ako.
"May balita ka na ba sa pinapahanap ko?" Pagiiba ko na lang sa usapan nila kaya napatingin sa akin si Helion at inayos ang salamin sa mata niya.
Lumalabo na naman yata ang paningin nito kaya nagsalamin na naman.
"Wala pa, mahirap hanapin ang isang tao na imposible kung nabuhay ba siya ulit sa kasalukuyan natin na panahon." Sagot niya kaya napahilot na lang ako ng sentido.
"Paano kung nandito lang siya sa tabi-tabi, o kaya ay nagpalit ng pangalan?" Komento ni Helion kaya napatingin ako sa kanya.
"Akalain mo may utak ka pala?" Natatawa na turan ni Helios kaya napatingin ng masama dito si Herald na agad naman ito na tumahimik.
"Aakyat muna ako." Paalam ko sa kanila kaya tumango lang si Herald.
Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko agad si Persephone na nanonood ng telebisyon at nakatutok ang tingin dito.
Ang balita ay tungkol sa kanyang pamilya kaya napangisi ako at tinabihan siya sa pagupo.
"Hindi sila ang totoo kong mga magulang." Wala sa loob nito na turan kaya napailing na lang ako.
Kinabig ko siya payakap sa akin kaya nagulat siya at napatingin sa akin.
"Kanina ka pa na nandito?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Hades hindi sila ang totoo kong pamilya namatay na sila at sa loob ng ilang taon ay naitago nila ito." Napahagulhol na lang ito ng iyak at napayakap sa akin ng mahigpit.
Hiniga ko na lang ito sa kama at kinumutan kanina pa siya iyak ng iyak at hinayaan ko lang ito.
Hiniling niya na hanapin ang bangkay ng kanyang mga magulang at bumalik sa mansyon nila kaya tumango lang ako.
Marami nang nagbago sa reyna ko lalo siyang tumatag, sinilang siyang muli sa kasalukuyan matapos ng ilang daang taon.
Hindi pa rin ako makapaniwala na muli ko siyang makikita at mahahawakan, matindi ang nahing galit ko sa pamilya niya na halos masira ko noon ang buong Olympus dahil alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala ng labi niya noon.
At hindi ako nagkamali dahil si Hera ang nagprotekta sa kanya, siya iyon ang babaeng nagpadala ng sulat na mabubuhay si Persephone sa susunod na mga taon.
Bumaba akong muli at nakita ko ang mga kapatid ko na nasa sala pa rin.
"Nakatulog siya at nalaman na niya ang tungkol sa kanyang mga magulang." Kwento ko sa kanila kaya napatingin sa akin si Helion.
"Alam ko kung saan nila nilibing ang mga magulang ni Persephone at kung na saan ang mga kaluluwa nila." Sabi nito kaya napatango ako.
"Ikaw na ang bahala muna dito bantayan niyo ang aking reyna." Sabi ko kay Herald at Helios.
Tumango lang ang dalawa at sabay kaming pumasok ni Helion sa Tartarus.
Napailing na lang ako kung paano ginawa ng mga manunulat ng kasaysayan ang mundong ito.
Masangsang, mainit at puno ng mga kaluluwang hindi matahimik ang impyerno.
Pero ibang-iba sa nakikita ko sa harap ko ngayon.
Ang Kaharian ng Tartarus ay may mga nilalang rin na nabubuhay at tahimik ang kaharian na ito sa kasalukuyang panahon.
"Kamahalan, mahal na pinuno." Bati ni Greta sa amin ang tagapagsilbi at ang namamahala sa listahan ng mga kaluluwa dito sa Tartarus.
"Gusto kong malaman kung na saan ang dalawang ito ngayon Greta." Sabi ni Helion dito kaya kinuha nito ang malaking libro at hinanap ang pangalan na hinahanap namin.
Habang naglalakad ako sa isang kawalan ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba.
Ang mga kaluluwa na nandito sa lugar na ito ay sila ang hindi matahimik at hindi makawala sa kanilang kalungkutan, dahil sila ang mga pinatay na hindi pa dapat mamatay sa kanilang mundo.