Chapter 12
ZAINNAYA's POV
Maaga akong gumising para gawin ang morning routine ko saka ako nag bihis, simpleng oversized t-shirt, high waisted pants at rubber shoes na white. Tinali ko rin ang buhok ko ng messy bam saka ko kinuha ang belt bag ko dahil ngayon ang araw ng Basketball League Tournament nila D at gaganapin sa Villaluna covered court pero kailangan mo na raw naming pumunta ng school bago don sa court kaya kahit sebelyan nalang raw ang suot.
Paglabas ko ng kwarto nadatnan ko si ate Jaila na nag hahain na sa lamesa, kaya lumapit ako para tulongan sya.
" Oh! Naya gising kana pala, aalis kana?"
" Opo ate!" hindi ko maiwasang hindi sya titigan dahil sa sinabi ni kuya Terrence na may anak na sila, dalawang araw narin ang nakalipas mula ng makausap ko si kuya Terrence at mamaya makakausap ko uli sya.
" Kumain muna tayo bago ka umalis maaga pa naman Kasi dina tayo nagkakasabay kumain Kasi lagi akong maagang umalis eh!" Napatango nalang ako saka naupo.
Gustong gusto Kong tanongin si ate Jaila kong bakit hindi ko alam na nag kaanak sya eh! Lagi naman kaming magkasama hindi ko rin nakitang lumaki ang tyan nya kaya pano sya nagkaanak.
"Zainnaya! Kanina pa kita kinakausap hindi ka nakikinig."
" Sorry po ate! Ano po ulit ang sinasabi nyo?"
" Wala kumain kana baga malate kapa"
Tapos na kaming kumain si ate Jaila narin ang nagligpit sa pinagkainan namin binigyan nya rin ako ng perang pambaon ko.
Era's calling........
"Hello babe san kana ba kanina pa kami nandito!" Mula sa kabilang linya
"Papasuk palang ng gate bakit ba ang aga pa naman ah!" Naglalakad na ako papasok
" Sige na andito kami sa labas ng gym bilisan mo na" Saad nito
" Oo Papunta na nga bye!" Saka ko binaba ang tawag
Malayo palang nakita ko na sila na nag aabang sa labas ng gym kaya binilisan kona ang lakad ko.
" Buti nandito kana, tara pasok na tayo don tayo sa unahan para makita natin ang ipapakilala ni Dean." Hila ako ni Era, hindi naman sya halatang excited ano.....
" Kanina payan excited na excited raw sya sa ipapakilala ni Dean dahil ngayon raw darating ang may ari ng LU." Bulong sakin ni Gabby
" Kanino naman nya iyon na laman, saka bakit naman sya excited sa pag dating ng may ari nitong school jojowain nya ba?" Sarkastikong sabi ko kaya natawa si Gabby
" Gaga! hahaha..... pero bali balita Kasi na ipapakilala ni Dean iyon ngayon kasama ang mga shareholders ng LU." Bulong ni Gabby sakin
Naupo na kami dito sa mapangalawang row dito sa unahan, halos lahat na ng studyante ay nandito na sa loob ng gym. Nag paalam samin si Gabby na pupunta sya sa Cr kaya naiwan kami ni Era.
" Babe! " Tawag ni Era sakin
"Mmhh" tumingin ako kay Era
" Excited na akong manuod ng laro mamaya!" Napangisi ako sa naisip ko
" Sa laro ba mamaya o sa maglalaro huh!" hindi mawala ang ngisi sa labi ko
" Kasama na Yun don sempre hehehe" napangiwi ako dahil para syang tanga Kong kiligin na parang Iwan
" Matanong nga kita ano ba talaga ang tunay na score nyo ni D huh!" seryuso kong tanong Kay Era
" Ang totoo babe! Nag paalam syang ligawan ulit ako kaya pumayag ako Kasi ligaw palang, Sabi nya nagpaalam naman sya sayo at balak ko sanang sagutin sya mamaya after the game." Ngumiti nalang ako sakanya
" Babe! Alam mo naman siguro ang tama sa mali diba! Tsaka malaki kana, ang magagawa namin ay supportahan ka Kong san ka masaya huh!"
" Ang seryuso nyo naman dyan anong meron?" Pasusulpot ni Gabby saka naupo sa katabi kong upoan.
Nasabi na ni Era kay Gabby ang plano nyang pagsagut kay D mamaya at gaya ng sinabi ko ay ganon lang din Kay Gabby na Kong saan sya masaya support nalang namin, nalaman din namin na nagpaalam pala si D kay Gabby na liligawan nya si Era at nagkaayus na rin sila.
Inanunsyo ni Dean na darating sa game ang mga anak ng may ari at shareholders ng LU, kaya pumunta na raw kami sa Villaluna covered court kaya naman itong kasama ko ay excited na excited.
Sana talaga totoo na ang nararamdaman ni D para Kay Era dahil ayoko ng makita pa ang mga luha ni Era dahil lamang nag kamali sya na pinagbigyan nya pa ng pagkakataon si D.
Ako ang unang tao na magiging masaya pag nakita ko ang tunay na ngiti sa mga labi ni Era at sana dumating ang panahon na maging masaya rin si Gabby.