Chapter 11

1072 Words
Chapter 11 ZAINNAYA's POV " Uy bakla! Ang sweet naman hinintay mo pa talaga kami dito sa tarangkahan" " Hi babe" " Bat parang tulaley si bakla" tanong nito Kay Era " JHOANNA ZAINNAYA" natauhan ako sa sigaw ni Era "Bat ka ba naninigaw masisira tinga ko sayo!" pinatuloy ko sila at pinaupo naman sa kawayan naming upoan " Aba! Matatauhan kaba kong hindi kita sinigawan huh!" pataray naman nitong saad sakin " Bakit ka ba tulala Naya girl! para namang may dumaang Anghel" biro naman ni Gabby sakin " Ah! Wala may iniisip lang! Kumain na ba kayo?" Pag lilihis ko sa tanong nila para hindi na sila magtanong pa " Oo kumain na kami at nagdala din kami ng makakain natin" sagot ni Era saka kami nag katinginan " DATING GAWI........." sigaw naming tatlo Kapag dito sila matutulog nag momovie marathon kami si Era ay may sariling loptop at pocket wife Kaya Yun ang gamit namin. Inayus namin ang kwarto ko dahil duon kami matutulog hindi kalakihan ang higaan ko kaya kaming dalawa lang ni Era lagi ang magkatabi habang si Gabby naman ay sa lapag natutulog. "Anong papanuorin natin kdrama, Cdrama, thiadrama o Horror?" tanong samin ni Gabby habang inaayus ang papanuorin namin, si Era naman inaayus ang pagkaing dala nila. "Fall in love Cdrama yun" sagot ni Era Habang nanunuod kami naalala ko yung nangyari kanina bago sila dumating.... ------ *Tok*tok* "Sandali lang" sigaw ko Ang bilis naman atah nila eh malayo pa ang bahay ni Era mula dito samin...kaya tumayo na ako para pagbuksan sila pero...... Pag bukas ko ng pinto bumungad sakin ang Isang gwapong lalaki. " Magandang gabi sayo!" nakangiting bati nito sakin " Magandang gabi rin po sainyo!" Alinlangan kong sagot " Sino po kayo? Ano po ang kailangan nyo?" "Hindi mo ba ako nakikilala Zainnaya, ano ang kailangan ko..... Ikaw at ate mo " Kumunot ang noo ko dahil Kilala nya ako at si ate Jaila " Ano po ang kailangan nyo sakin? At sa ate ko! Sino po ba kayo? Bakit nyo po ako Kilala?" Nagtataka kong tanong dito sa lalaking kaharap ko dahil hindi ko talaga sya Kilala. "Kong papayagan mo akong makausap ka sasabihin ko sayo kong ano ang kailangan ko sainyo ng ate mo. " Seryuso nitong saad " Wala po ang ate dito kaya bumalik nalang po kayo sa Isang araw" pag tataboy ko dito Titig na titig sya sakin kaya medyo naiilang dahil baka Kong ano pang gawin nya sakin. Lalo akong kinabahan ng pumasok ito saka umupo sa kawayan naming upoan at inilibot nito ang kanyang paningin na para bang sinusuri ang bahay namin. " Walang ipinagbago ang bahay nato simula noon at ngayon. Hindi mo ba talaga ako Kilala Zainnaya, Minsan na akong pumarito noon dahil sa anak namin ni Jaila at minsan narin akong bumisita Kay Inay Carmelita huling pumunta ako rito noong burol ni Inay, Nakita na kita noon ang bata mo pa at ang liit pero ngayun ang laki mo na at dalaga na rin. Pag kakataon nga naman hindi ko aakalaing Ikaw pa ang nawawalang anak nila." Nanlaki ang mata ko sa narinig na may anak sila ni ate Jaila at Kilala nya rin si Inay kaya ba Kilala nya rin ako, hindi ko narinig ang huling sinabi nya dahil binulong nya nalang iyon. " Marahil ay Kilala nyo po ako ngunit hindi ko po kayo matandaan Kong tayo man noon ay nag kakilala o nagkita na siguro po ay nalimutan ko na dahil sa tagal ng panahon. Pwedi ko po bang malaman ang inyong pangalan?" Tanong ko dito " Terrence Tuazon" saka nya nilahad ang kamay nya ng tatanggapin ko na bigla akong napahawak sa ulo ko at napapikit dahil angsakit, pero habang nakapikit ako may biglang Imahe ang lumabas pero hindi malinaw sakin.... Nakaupo ang babae at ang lalaki sa kawayan na upuan habang may kalong kalong na sanggol. May bigla namang lumabas na bata at kamukang kamuka ko ito nong bata palang ako saka ito lumapit sa babae at hinawakan ang kamay ng saggol tinawag nya rin itong 'Ren Ren' bigla nalang nawala ang Imaheng iyon ng marinig kong tinatawag ang pangalan ko. " Zainnaya! Zainnaya!" Nag aalalang tawag sakin ni kuya Terrance, "ayus ka lang ba Zainnaya!? May masakit ba sayo?" pagtatanong nito sakin. " Ayus lang po ako bigla lang pong sumakit ang ulo ko" " Gusto mo bang ikuha kita ng tubig?" " Hindi na po okay lang" Katahimikan ang namayani samin, napatingin ako kay kuya Terrence hindi ko maiwasang hindi sya titigan dahil parang familiar sya sakin. " Ammhhh... Zainnaya yung tanong ko sayo kung pwedi ba kitang makausap?" natauhan naman ako ng magsalita si kuya Terrence " Sige po pwedi ko po bang malaman Kong tungkol saan ang pag uusapan natin?" " Diba sa Lunes na ang tournament ng school nyo at nandon rin kayo para supportahan sila" pag iiba nya ng usapan, at napakumonot ang noo ko dahil alam nya ang tungkol sa tournament. "Opo" maikli Kong sagot " Pagkatapos ng tournament mag usap tayo duon ko sasabihin sayo ang lahat" Saka ito tumayo at nag lakad palabas ng bahay namin kaya sinundan ko sya hanggang tarangkahan lang pero dipa man sya nakalalayu ng tumigil ito at tumingin sakin " Tatawagan nalang kita at wag mo sanang sasabihin kay Jaila na nagkausap tayo dahil magagalit yun sayo bye!" Pano naman nya ako tatawagan Kong Wala naman syang number ko saka ito Kumaway sakin bago sumakay sa sasakyan nya pero natulala ako ng makita ko ang sasakyan nya dahil iyon rin Yung sasakyang pumarito noong isang araw, ibig sabihin sya iyon!........ ------- Napapaisip parin ako Kong bakit sa pagsakit ng ulo ko may mga Imahe akong nakikita pero hindi naman malinaw, ngayon palang iyon nangyari dahil lamang binanggit ang pangalang Terrence Tuazon. Sino ba talaga sya Kilala nya ako ang pamilya ko pero bakit ako hindi ko sya Kilala hindi naman nawala ang alaala ko at hindi rin ako makakalimutin. Nasabi rin nyang may anak sila ni ate Jaila pero bakit hindi ko alam. Napatingin ako sa pinapanuod namin pero tapos na pala, tumingin rin ako sa dalawa pero tulog na kaya pinatay ko na ang loptop at inayus ang pinag kainan nila. Tinapon ko na rin ang mga balot ng pinagkainang nova,piatos at kong ano pa. Ginising ko narin sila para maayus ang tulog ni Gabby at Era saka naman ako humiga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD