Chapter 10
ZAINNAYA's POV
Nandito kami sa cafeteria ngayon para mag lunch dahil katatapos palang naming mag take ng minor at major final exam. Mabuti nalang naging madali ang pag sagot ko sa mga questioners dahil nakapag review naman kami kahapon.
" Naya babe! Nasabi mo na ba Kay ate Jaila yong tungkol sa offer ni Dean?"
" Oo" tipid Kong sagot
" Anong sabi? Pumayag ba si ate Jaila?" excited nilang tanong sakin kaya dahan dahan akong umiling... Nakita ko naman ang pagkadismaya nila saka ngumiti sakin
" Ok lang yan Babe baka malay natin magbago isip ni ate Jaila diba" ngumiti nalang ako kay Era
" Ano bang sabi ni ate Jaila, Naya girl"
---------
Tahimik kaming kumakain nang magsalita si ate kaya napatingin ako sakanya
" Tungkol sa offer sayo ng Dean hindi ako pumapayag at sana maintindihan mo iyon, kapag kagraduate mo pwedi kang mag apply ng trabaho sa restaurant na Kong saan ako nagtatrabaho ngayon. Maganda ang Alok sayo pero ayokong lumayo ka sakin at kong ano ang inakto ko kanina ay kalimutan mo na iyon. At Isa pa pala alam kong nakita mo ang lalaking pumarito kanina, wag na wag kang lalapit o kausapin man lang iyon nagkakaintindihan Tayo!" Mabilis akong tumango gusto ko pa sanang tanongin si ate Jaila kong sino iyon pero tumayo na sya saka lumabas ng bahay, siguro magpapahangin lang. Wala syang pasok ngayon sa bar dahil masama raw pakiramdam nya kaya dumito mona sya.
---------
" Sino kaya iyong lalaking iyon noh.... Bakit ayaw kang palapitin dun, siguro Isa sa mga customer na tinakbuhan ni ate Jaila! O hindi naman baka boyfriend nya!" nakwento ko sa kanila Kong ano ang nangyari kahapon. Pati rin ako napapaisip Kong sino nga iyong lalaking nayon hindi ko man nakita ang mukha nya pero parang nagkita na kami noon diko lang maalala.
" Gaga ka!... kong boylet yun ni ate Jaila bakit naman pag babawalan na lapitan o kausapin man lang itong bakla nating kaibigan eh! Wala namang masama dahil magkapatid sila, pwera nalang kong ingit itong si ate Jaila sa beauty ni bakla at natatakot syang baka maagaw ang boylet nya ano!" Nabatukan ko naman si Gabby dahil sa sinabi nya kaya napangiwi ito
" Alam nyo kalimutan nalang natin iyon kasi kong ano ano pang pumapasok dyan sa isip nyo. Pumasok na tayo dahil may announcement pa si ma'am Marvelyn."
...
Kanina ko pa nararamdamang may sumusunod samin paglabas palang ng paaralan hanggang pagpasok namin ng mini sari sari store, at alam Kong naramdaman din iyon ni Era. Hindi ito kalakihan kumpara sa mga market sa mall o Kong saan pa. Kaya kita dito sa pwesto namin ang taong labas pasok..... Iginala ko ang aking paningin pero wala akong makitang kahina hinala halos puro studyante rin ang customer kaya nagpasya nalang kaming bumili ng kakainin namin saka lumabas. Papunta kami sa tambayan dahil maaga kaming pinauwi ni Mrs. Marvelyn pagkatapos ng anunsyo nya kanina, at dahil tapos na naman daw ang Exam ay clearance nalang ang aasikasuhin namin.
" Babe! Kanina pa may sumusunod satin kinakabahan ako baka mamaya nyan gusto tayong patayin..... Naya!!!" kumapit ng mahigpit sa braso ko si Era
" Ano kaba! Relax ka lang wag kang papahalata tsaka nandito ako hindi ka masasaktan ng Kong sino. Iuwi nalang muna kita." ramdam ko ang kaba ni Era kaya pinakalma ko muna dahil baka hikain sya
" Paano si Gabby malamang hihintay tayo non" kita ko ang pamumutla ni Era kaya pinahinto ko muna sya saka inalalayang umopo sa tabi
" Tatawagan ko nalang sya pag naiuwi na kita kaya relax ka muna babe! Ito uminom ka muna namumutla kana." Nagpalinga linga muna ako sa paligid pero puro studyante lang ang naglalakad may mga sasakyan ding dumadaan pero napadako ang tingin ko sa kotseng hindi kalayuan saamin, ito rin ang nakita kong sasakyang nakaparada sa harapan ng bahay namin kahapon.
Naihatid kona si Era at natawagan ko na din si Gabby, sinabi ko na sakanya ang nangyari kaya ayun nag aalala din sya.
Nang makauwi ako hindi kona naabutan si ate Jaila siguro pumasok na kaya dumeritso ako sa kwarto ko para mag bihis dahil pawis narin ako, pagkatapos kong magbihis lumabas na ako at nagtungo sa kusina para magluto pero nakita ko sa maliit naming lamesa na may lutong ulam na kaya napangiti ako. Nang matapos akong kumain lumabas ako ng bahay para mag pahangin, narinig ko namang nagriring ang cellphone ko kaya tiningnan ko Kong sino ang tumawag bago ko sinagot.
"Hello!"
"Oh Babe kamusta na pakiramdam mo?"
" Ok naman... Ikaw ok ka lang ba?"
"Oo! Wag mokong alalahanin kaya ko ang sarili ko, nakauwi ako ng buhay"
"Oo alam ko!..... Ahh nga pala babe nandito pala si Gabby sa bahay pwedi ba kaming pumunta dyan sa inyo?"
"Oo naman bakit?"
" Pwedi rin ba kaming mag sleepover dyan!"
" Oo walang problema"
" Sige byebye Babe"
Binaba ko na ang tawag saka pumasok na para mag palit ng pajamas at t-shirt dahil nilalamig narin ako hihintayin ko nalang sila sa sala.
*Tok*tok*
"Sandali lang" sigaw ko
Ang bilis naman atah nila eh malayo pa ang bahay ni Era mula dito samin...kaya tumayo na ako para pagbuksan sila pero......
Pag bukas ko ng pinto bumungad sakin ang Isang gwapong lalaki.