Chapter 20

776 Words
Chapter 20 ZAINNAYA's POV 3 days passed...... Tatlong Araw na simula ng bumalik ang ilan sa mga alala ko at pagkikita namin muli ni Yanna. Tatlong Araw na ring hindi umuwi si ate Jaila kahit tawagan ko hindi nya naman sinasagut, nag Iwan man ako ng mensahe sa kanya ay hindi iyon sapat dahil hindi nya rin sinasagut ang mga mensahe ko. Marami akong gustong itanong at malaman Kay ate Jaila ngunit nangingibabaw ang pag aalala ko sakanya. Sina Gabby at Era naman ay hindi pa kami nagkikita mula ng tournament gusto man nila akong makasama pero tumanggi ako at hindi dahil nandyan si Yanna o ano man pero gusto ko lang mapag Isa, pero hindi iyon nangyari dahil lagi namang nandyan si Yanna para aliwin ako para naman daw makalimutan ko ang masalimuot kong nakaraan, gaya ngayon kasama ko sya dito tambayan namin, namangha pa sya dahil hindi nya aakalaing may tambayan kami sa likod ng hacienda nila, pinuri rin nya itong tambayan namin na gawa sa kawayan- inshort Kubo. Sa tatlong Araw na magkasama kami dinala nya ako Kong saan lagi daw naming tambayan yun ay ang farm at hacienda nila marami pa raw pero next time nalang dahil baka sumakit ang ulo ko para makaalala lang. " Naya!.... Are you listening!" Umangat ang tingin ko kay Yanna "Huh! Ano nga ulit Yun!" pagtatanong ko " Tatawag na ba ako ng rescue team or ng sasagip sayo sa subrang lalim ng iniisip mo.... Nevermind btw! Kanina pa nagriring yang phone mo!" Napangiwi ako sa sinabi ni Yana at dali ko namang kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at nakita kong may tatlong tawag mula kay Era at may dalawa namang message, sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko manlang narining ang ang pag ring nito kaya binuksan ko nalang ang dalawang message nakita ko ang pangalan ni Era at ang isa ay Kay ate Jaila kaya Dali Dali kong binuksan ang text message ni ate. Ate Jaila: Zainnaya! Nandito ako ngayon sa Tagaytay dahil may catering service ang restobar at kailangan naming manatili rito ng isang buwan dahil malaking event ang gaganapin pasensya na kong ngayon lang ako nakapag text sayo dahil busy ako rito, alam Kong kaya mo ang sarili mo basta mag iingat ka at umauyos ka dahil kapag may nabalitaan akong gumawa ka nanaman ng ikagagalit ko malilintikan ka talaga sakin. Wag ka ring mag alala darating ako sa graduation mo at may pinadala pala ako kay Kara na pera kunin mo nalang para may pang gastos ka at sa linggo ay magpapadala uli ako. To Ate Jaila: Opo ate! Mag iingat rin po kayo dyan!.... Binuksan ko naman ang message ni Era sakin. Babe: Babe! May gusto sana akong sabihin sayo, pero gusto ko na personal Kong sasabihin sayo pwedi ba tayong mag kita sa tambayan kong okay lang sayo! To Babe: Sige! Nandito ako ngayon sa tambayan! May kasama pala ako dito at isama mona si Gabby, dahil may ipapakilala ako sainyo!.... Babe: Kasama ko sya! At may isasama rin pala ako babe! Dina ako nagreply pa basta hihintayin nalang namin sila. Tumingin ako kay Yanna na busy sa cellphone nya. " Yanna!..." Pagtawag ko " Hmmm" sagut nya ng hindi manlang ako tinitingnan dahil busy parin sya sa kakapindot ng phone nya. " May ipapakilala ako sayo!" Dali dali syang bumaba sa upoan at tumabi sakin, nakita ko rin ang pag ningning ng mga mata nya kaya mahina akong natawa dahil sa reaction nya ang cute!..... " Really!... Who? Your boyfriend!?" At para bang excited syang malaman kong sino "Hmmm! Mamaya mo malalaman" natawa ako ng ngumuso sya " So you really have a boyfriend?" tanong nito sakin, gusto Kong malaman ang reaction nya pag sinabi kong meron haha "Hmmm! Mamaya makilala mo sya!" bigla nalang nawala ang sigla ng mukha nya kaya nagtaka ako kala ko matutuwa sya o ma-eexcite pero iba ang nakita ko sa mukha nya. "Hindi ka masaya na makilala sya?" tanong ko sa kanya " No! I mean I'm happy cause his your boyfriend, I'm happy that you're happy with him." Iwan ko Kong masaya talaga sya na may boyfriend ako dahil iba ang pinapakita ng mukha nya at para bang ang lungkot nya " Bakit ang lungkot mo dyan ayaw mo ba akong magkaboyfriend?" " That's not what I mean't but I really hope that you and ku-" natigilan sya ng marinig namin ang sigaw ni Era " NAYA!......" Mula sa likod nya nakita ko si Gabby at sila D, may mga Kasama rin silang bago saking paningin, pero parang nakita ko na sila hindi ko lang matandaan kong saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD