Chapter 6

986 Words
Chapter 6 ZAINNAYA's POV "Magandang hapon rin mga anak buti at naririto na kayu, pumasok na tayu at nag hihintay na sina Sister sa inyo " sinamahan kami nila sister Kong nasaan sina Sister Sarah Pag pasuk namin agad namin niyakap sina Sister Sarah at Sister Theresa, lumuwas sila ng maynila para harapin ang mga sponsor at dalawang linggo sila nanatili roon. Next month naman ay gaganapin ang ika 50th anniversary ng MAO dahilan ng pag luwas nina Sister Sarah at Sister Theresa para humingi ng tulong sa mga sponsor dahil hindi sapat ang perang hawak nila sa okasyong gaganapin sa makalawa. " Kamusta po Sister ang lakad nyo sa maynila? " tanong ni Era " Ayus naman anak nakausap namin ang ilan sa kanila at ang ilan naman ay ng bigay tulong nalang" saad naman ni Sister Sarah " Ah! Sister Theresa pasensya po Kong hindi ko po nasagut ang tawag nyo naka silent po Kasi ang cellphone ko" paghingi ko ng paumanhin Kay sister " Naya anak! naiintindihan ko naman dahil Oras ng klase eh napatawag ako, kaya ako dapat ang humingi ng dispensa at baka naka abala pa ako sa klase nyo!" " Hindi po Sister Theresa kahit kailan po hindi kayo abala samin, nagpa excuse na ho kami dahil alam po naming importante ang sasabihin nyo" saad naman ni Gabby " Yun nga mga anak hihingi sana ako ng tulong sainyo sa darating na aniversaryo ng ampunan na pwedi bang kayu ang mag disenyo at mag ayus ng function hall Kong saan pag darausan ng party ok lang ba sainyo iyon!" tanong ni Sister Theresa samin " Oo naman po Sister Theresa ano po bang gawin namin Yung kaya na hong gawin para hindi po mahirapan at sabay sabay sa araw na iyon" tanong si Era " Bali kayu ni Sister Sarah at sister Mia ay sa kusina, habang si Sister Ana at Sister Rose Kasama si Gabby ay sa function hall aayusan ito, at magpapasama naman ako kay Naya sa ibang gagawin at ang mga volunteers naman ang bahala sa mga bata ok lang ba sainyo iyon mga anak!?" Agad naman kaming tumango Pagkatapos nyang sabihin iyon sa amin ay tumungo kaming dalawa sa opisina nya, umupo naman ako sa harapan ng lamesa ni Sister may kinuha si Sister Theresa sa kabinet nya na nakalagay sa brown envelope agad nya naman itong ibinigay sakin. " Ano po ito Sister Theresa?" nagugulohang tanong ko " May malaking problema ang MAO, dahil ang lupang tinatayuan nitong bahay ampunan ay pilit ng kinukuha ng bangko at pina aalis narin kami ng bangko dito. Ayokong umalis dahil wala kaming mapupuntahan, paano nalang ang mga bata ayokong pabayaan sila." Kaya agad kong binuksan ang envelope at dun ko nabasa na nakasangla ang lupa ng bahay ampunan at nag kakahalagang humigit kumulang na 2.5 million, agad akong napalunok dahil halos matuyuan ako ng laway dahil duon. Tumingin ako kay Sister Theresa dahil hindi ako makapaniwala, saan nalang sila pupulutin Kong maremata na ang ampunan. " Sister Theresa! alam na po ba ng ibang sisters ang tungkol dito, at pano po umabot ng ganitong halaga dahil kong bibilhin itong bahay ampunan nag kakahalaga lang po ito ng 1 million o half million dahil hindi po kalakihan itong MAO. Ano pong nangyari eh Kong sangla palang naman po." Ilang beses akong lumunok ng sarili Kong laway dahil hindi ako makapaniwala na aabot sa ganong halaga kahit atah ibinta ko na ang sarili ko hindi parin aabot ng million eh! " Alam na nila ang tungkol dito pero kahit sila hindi rin makapaniwala na aabot sa ganong halaga. Ang totoo si Sister Maria ang nag aasikasu sa lahat ng papeles na to, pero hindi ko alam na isasangla nya ito sa ganong halaga buo ang tiwala namin sa kanya kaya hinayaan namin na sya ang bahala sa mga titulo at ibang papeles ng lupa at ng bahay ampunan. Kaya nagulat ako ng dumating yang sulat na iyan hindi ko inaasahan iyon. Ngayun anak pinapaalam ko sayu ang tungkol dito dahil hindi kana iba sa akin o saamin ganon din si Gabby at Era na halus dito narin kayo lumaki pero ayoko munang sabihin Kay Era dahil alam kong may problima ang batang iyun, anak Ikaw na din ang magsabi Kay Gabby at kong okay na si Era sabihin mo nalang din." mahabang paliwanag ni Sister Theresa. Ganon nalang ibahagi samin ni Sister Theresa ang kahit anong problema ng MAO dahil Isa kami sa kanila kaya gagawa rin kami ng paraan sa abot ng aming makakaya. " Wag po kayung mag alala sister ako na pong magsasabi sa kanila. Nga po pala nasaan po ngayun si Sister Maria at asan rin po iyung pera napunta?" " Iyon din anak ang pinagtataka ko dahil wala namang nabanggit si sister Maria na kailangan nya ng ganong kalaking pera. At ang paalam nya sakin uuwi sya sa bahay nila sa Cebu dahil kailangan sya ng Kapatid nyang maysakit!," Napaisip agad ako sa sabihin iyon ni sister Theresa " Maysakit po ang Kapatid nya, dipo kaya duon nya pinag gamitan ang pera? " " Naisip ko na din iyan anak pero hindi eh! Dalawang buwan simula ng magpaalam sya na aalagaan muna nya ang Kapatid nya tapos itong sulat galing sa Bangko ay mag dadalawang taon na kaya umabot ng million- million nakiusap narin kami sa bangko at bibigyan raw kami ng tatlong buwan at kapag hindi paraw natin nabayaran ay paaalisin na kami rito, alam kong may sapat na dahilan si Sister Maria Kong bakit nagawa nya iyon pero gusto ko iyon malaman dahil hindi lang iisang bata ang mawawalan ng tirahan pag nagkataon dahil tahanan ng maraming bata ang mawawala at ayoko iyong mangyari." Kahit man ako ayokong mapabayaan ang mga bata dahil wala na nga ang mga magulang nito mawawalan ba sila ng tirahan kaya tutulong ako sa abot ng aking makakaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD