Chapter 7
ZAINNAYA's POV
Isang linggo na simula ng makausap ako ni Sister Theresa at alam na rin nila Era at Gabby, hindi na ako nagtaka ng magulat rin sila. Ngayon ay nandito kami sa library dahil bukas na ang Final examination at kailangan naming pag aralan uli ng mga itinuro samin lalo na ako dahil may mga nakaligtaan akong pagsusulit, next week narin gaganapin ang basketball league tournament nila D.
Habang seryuso kaming nag aaral dito sa library lumapit samin si Erika Cayetano ang SSGP (Supreme student Government president). Sya ang kalaban ko sa pagiging top 1 sa buong department.
" Owhh! Hi Zainnaya! Hindi nga ako nag kamali na nandito ka sige mag aral ka nang mabuti para naman ma challenge ako ulit sa pagiging top 1, pero kahit hindi na pala cause your will never be in my position dream on girl. Ow I forgot Dean's want to talk to you" pahabol nito tatayo na sana si Era para patulan ito ng hawakan ko ang kamay nya
" Oo nga naman! Kahit anong gawin ko hindi ko kayang abutin Kong nasaan ka ngayon, Erika Cayetano the SSG-president, the top 1...... pero bakit naman mas mataas ang grades ko kumpara sayo! Ay nakalimutan ko binagsak nga pala ako ng Isang teacher na may gusto sayu! Sino nga iyon?" tumingin ako Kila Gabby saka ito ngumisi sakin
" Naya girl nakalimutan mo na agad si Mr. Dukita, pangalan palang ang bantut na at ang manyak na guro dito kaya nga pinaalis ni Dean eh buti nga!" Saka sila nag apir ni Era
Nakita Kong dumilin ang mukha ni Erika dahil sa sinabi namin, tumingin ako dito
" Oo nakalimutan ko na pero Ikaw ba Miss Erika alam ko hinding hindi mo iyon makakalimutan eh!" Nakangisi Kong turan dito ang akala ko susugurin nya ako pero padabog itong tumakbo papalabas ng library
Lagi kaming magkalaban sa pagiging top 1 simula first year college palang kami, pero ako naman ang laging nasa top 1 at sya naman ang pumapangalawa pero dahil sa kagustohan nya sya naman ang nasa top 1 nakipagkasundo sya Kay Mr. Albert Dukita na guro namin sa Minor subject na ibagsak ako at hanapan ako ng butas para matanggal ako sa pagiging Dean's Lester.
Noon ay wala akong nagawa lalo ng malaman ni ate iyon pinagmalupintan nya ako hindi nya ako pinakain at pina tuloy sa bahay ng Isang linggo dahil wala na raw akong silbi kaya duon ako napunta sa bahay ampunan pinalipas ko muna ang galit ni ate saka ako nagpaliwanag pero hindi nya ako pinaniwalaan pero hindi iyon ang dahilan para tuloyan akong umalis sa bahay kaya humingi ako ng tawad Kay ate ng paulit ulit.
Hanggang sa napag alaman namin na may Isang studyante na nakarinig ng pinag usapan ni Erika at sir Albert kaya tinggal ni Dean sir Albert at pinag pa community service si Erika ng Isang buwan at tatanggalin rin sana sya sa pagiging SSG-PRESIDENT at top pero tumutol ako nakiusap nalang ako na linisin ang pangalan ko at ibalik ako sa top kahit top 2 lang dahil ayukong ma dismaya si ate Jaila sakin.
Natauhan ako ng maramdaman kong may pumitik sa noo ko kaya napatingin ako kay Era na ang sama ng tinging sakin kaya napakunot ang noo ko
" Kainis ka alam mo yun! Yung kanina pa kami dada ng dada dito dika naman pala nakikinig ayus karin ehh!" Irap nito sakin napatingin naman ako kay Gabby na may hawak ng bulaklak kanino naman galing iyun, nginuso ko yung bulaklak na hawak ni Gabby
" San naman Yan galing?" tanong ko Kay Gabby
" Pinadala ng Ex nyang gago"
" Bat nasasayo diba dapat nakay babe" Saka ako tumingin sa katabi ko naka nguso pa
" Hindi naman halatang hindi ka nakikinig noh! Kaya nga kanina pa yan nakabusangot at dada ng dada kasi sinusuyo sya ng gago nyang ex diko alam kong para saan! Kaya din nasakin tong bulaklak Kasi ayaw nya" Saka ito tumingin sa bulaklak na hawak nya
Nandito parin kami sa library habang nag uusap pero mahina lang dahil bawal ditong maingay baka mapalabas kami.