Jury's POV
Dalawang linggo na matapos ang insedente sa Gym. It's like, so creepy by the way. Halos mahimatay nga ako dun. Sobrang shocking yung itsura ni Mrs. Garcia. I doubt she’ll get her peace.
Now, I'm really super saya kasi naman nakakausap ko na si Searchin May. She's really a goddess. Beauty, talent, money, power, and brain. Lahat na nasa kanya. Kaya idol ko siya. But even I idolize her, I will not tolerate to be outranked. She's too famous. Naagawan na niya ako ng kasikatan. At lahat ng nakaharang sa akin kailangan patumbahin. Buti nga kay Mrs. Garcia muntikan na niya akong idrop sa klase niya. Well, she's now in hell.
Lunes at ang unang klase ay Psychology. Mapagtyatyagaan naman ang itsura ng professor namin. Maskulado, binata at mataas ang ambisyon. Paano ko nalaman? Well, I always caught him staring at me during class, at hallway and any time we encountered each other, drooling is the exact word rather. He must be daydreaming dirty thoughts and he must be thinking that he hit a jackpot since I’m Jury Alexandra Javier, I’m too hot and he can’t resist my beauty and the Governor’s unica hija
Pumasok na ang prof. " Okay class we’ll going to have an exam today"
"NOOOOOO!" Angal ng mga kablocks ko.
What the heck? I didn’t manage to review any of his lessons.
I don’t want get a lower score. I hate losing.
An idea came to me. Since patay na patay ka sakin, I’ll use my charm.
I raised my hand. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Oh boy! You’re so obvious.
"Yes, Miss Javier?" Tumayo ako at lumapit ng dahan dahan sa kanya. I changed my facial expression to be intimate to him while others can’t see it.
"Can we talk Sir...privately?" mahina pero mapangakit kong sabi.
May mga namuong maliit na pawis sa kanyang noo. Napalunok siya at naging malikot ang mata. He’s getting it.
"Can we Sir?" I bite my lower lip and look at his eyes. He closed his eyes and fixed his tie. I saw the bump on his crotch. Too hot, and you can’t resist it?
Tumingin siya sa labi ko at napakagat din sa labi niya. You're over. Tumango siya. Akmang aalis na nang biglang may pamilyar na boses ang nagalita.
"No words to your class before you leave?" Matapang niyang sabi while flipping her notes. What’s with her? I’m giving you and the class a favor here, b***h.
I can see that he’s back on his senses and tried to clear his throat.
"Ahmm.. Yeah! Class.. Miss Javier... we can talk after class." And he flashed a p*****t smile.
SHUT! UP! You lose your chance, Peasant! Hindi ako makapaniwala na binaliwala niya ako ngayon for that f*****g Searchin!!!! No one dares to reject me. Not because anak ako ng Governor but because I'm Jury Javier, no one’s escape my revenge.
Bwisit. Dumiretso ako sa upuan ko kung saan nasa likod ko si Searchin. b***h!!! Ang yabang talaga. Ngumiti ako sa kanya ng plastic, samantalang siya hindi man lang ako pinansin. Gosh!!! Ang kapal!!
"Make a circle consists of 10 person. Kahit sino pwede maging kagrupo niyo." Announce ni Sir.
"Sir yung exam po?" Sabi ni Calypso. Gzzz. Pasikat talaga tong nerd na to.
"This is our exam. So make a circle now..." Gumawa nga kami ng bilog with 10 members. Nagkagulo pa kasi nag-agawan ng mga isasali. Magbabarkada at magkakaibigan ang gustong magkasama. Hay naku. Buti na lang ako, I don't need to find a group kasi for sure sila Sisi ang groupmates ko. That's advantage of having a best friend.
Best friend? As if. Alam ko namang pinaplastic lang din nila ako since I’m Governor’s daughter. So yun nga, tatlo ang grupo. Complete na ang dalawang circle. Habang kami, Ako , Sisi , syempre yung Fiancee niyang buntot niya ata. Shy and her sleepy prince na si Klent. Of Course hinigit ni Sisi sa braso si Noah kaya kasama siya, oh well, he's enough with me. Ang gwapo niya talaga. Kulang pa ng apat. Sino pa ba? Nakita ko si Searchin na nakaupo lang. b***h! What are you? Alam niya talagang may lalapit sa kanya para isali sa grupo. The nerve. Dahil sa huge "fan" niya ako.
" Searchin! Samin ka na lang." Hinila ko siya patayo at nilapit sa grupo. I flashed a fake smile while holding her.
So kulang pa kami ng tatlo. Wala na ba?
"Are you done class?" Tanong ni Sir.
Duh? Kulang pa kami.
"We’re only seven." Sigaw ni Sisi.
Hay naku naman. Bakit kasi sampu? Alam naman niyang konti ang bilang ng department namin.
"Sino pa ang walang grupo?" May nataas ng kamay. And guess who? Si nerd pa.
" Mr. Reyes, come. Join Fajardo's group." Utos ni Sir. Sumunod naman ito at umupo sa tabi ko. Gosh! This freak! Sa ayos kasi niya, talagang walang magkakamaling isali siya. Swerte ka lang at napunta ka sa grupo ng sikat.
"Be thankful nerd." Bulong ko sa kanya.
Yumuko siya at pinagsalikop ang dalawang kamay.
"But still Sir kulang pa din kami."
"Sino pa ba ang wa---"
"Sorry Sir I'm late." Sabi ng kakarating lang na si Tomo. Our Black Lady.
" Great! Miss Tomoko Hayusi.. Sa grupo niyo na siya, Miss Fajardo." Napunta ang mga losers samin. Great talaga! Kulang pa rin ng isa.
" Dahil konti lang kayo. I'll join your group para makompleto na at masimulan ang exam." Umupo siya sa tabi ni Searchin.
Then we have it. Ako, Sisi, Keefer, Shy, Klent then Noah, Searchin, Tomo and Calypso plus the Prof. Mr. Lee. We're complete now. How perfect we are. Sana lang may mga pakinabang ang mga ito sa exam.
" This will be fun class. First, bunot kayo ng tigiisang papel." May sampung papel na nakaroll. Nakalagay ito sa glass na nasa gitna ng bawat Grupo. We picked one at a time.
"Buklatin nyo, but you must read it in silence."
Pagbuklat ko ng papel. Ang nakalagay ay " Victim" ?
" Ang mga nakalagay dyan ay ang magiging role niyo sa larong ito. Victim... Siya ang mamatay sa larong ito." After he said it, I felt jolt in my whole body.
"Pulis... Siya ang huhuli sa pumapatay... Doctor... Siya ang bubuhay sa Victim... Maski ang Nurse ay kayang buhayin ang victim... Priest... Siya ang huhusga sa pumapatay... At ang Killer na siyang pumapatay." Paliwanag niya. What the heck is this game?
"Kikindatan ng killer ang victim at sasabihin naman ng victim na "I'm dead" pero syempre kapag kinindatan na ng doctor o nurse ang victim " I'm alive naman" but.." But what? Ano ba tong exam ni sir? Ginagago niya lang ata kami.
Tahimik ang klase at halatang hinihintay ang sasabihin niya. Pati ako nacurious. Sh*t!!!Pero kinakabahan talaga ako. F*ck!!! I really don't know why. Baka dahil sa grades?
Ngumiti si sir. " When killer winked at Doctor and Nurse, the Victim will never ever be alive."
Seriously? Ayoko mamatay!
"What about police catch the killer?
"Matitigil ang pagpatay kung mahuhuli ng Pulis ang Killer. He or she winked and Killer say " I am under arrest". So the Police must not dead in this game because if he or she will, the game is over."
Napalunok ako sa sinabi ni sir. This is just a game but I feel its between life and death. Tumingin ako sa katabi kong nerd. And he smiled. Siguro maganda nabunot nito. Bakit naman kasi Victim pa ako. Dapat ako na lang yung killer. Para talagang mapatay ko sila. Bwisit.
" Pair ang bawat role. Two Victims. Two Police. Nurse and Doctor. Of Course two Priest and lastly two Killer." Dalawa ang killer!?!
"Sa huli, the Priest must judge if the killer will die or be alive, kung buhay pa ang mga Priest."
Tahimik pa rin ang klase. Mukhang nagiisip na sila ng mga strategy para sa killer. Kung paano mananatiling buhay.
“This will enhance your mind to read actions, gestures and you can apply what I thought you these past few lessons. Alertness and Focus is the key. Masusubok kung gaano nyo kayang basahin ang isang tao. Kung kaya nyo na bang humandle sa isang sitwasyon. Take it seriously, class. Have a strategy para hindi kayo mamatay. Its you're exam. Please do your best. Dahil kapag nanalo ang killer all of you failed. Wala ng returns. No second chance..." s**t!!! Kailangan ko ng strategy. Sino sa kanila ang killer?
" This game is called Who the killer is?... Let's the game begin. Good luck." Umupo na si sir. Nagumpisa na ang ibang Grupo. Tinignan ko isa isa ang mga kasama ko. Nagaabang ng hint kung sino sa kanila ang killer pero ang lahat blanko ang mukha. Ako lang ba talaga ang kinakabahan sa larong ito? Bakit parang wala sa kanila? Ayokong bumagsak sa subject na ito at ayokong mamatay.
" I'm dead." Narinig kong sabi sa kabilang grupo.
Ang bilis naman nila. Eh kami nga rito parang walang balak magkindatan. Pinipilit kong huwag tumingin sa mga mata nila but curiosity hunts me. Napapatingin pa rin ako. Halos marinig ko na ang heart beat ko sa sobrang kaba.
"I'm dead." Sabi ulit sa kabilang grupo. At sumunod na ang iba. Marami na ang namamatay sa kabilang grupo. Samantalang samin, wala pa ding nangyayari. Habang tumatagal mas lalo lang akong kinakabahan. Bakit hindi pa kumikindat ang killer? Baka naman walang killer sa grupo. Mabuti naman kung ganun. Medyo umayos na ang paghinga ko sa ideang yun.
Lahat ng kasama ko, Seryoso. Kahit si Keefer na lokoloko halatang sineryoso ang larong ito.
" I'm under arrest." tapos na ang isang grupo. Pero kami wala pang nasisimulan. "Victim" ako dito pero sisiguraduhin kong mamatay muna sila bago ako.
Tapos na rin ang isa pang grupo. Habang kami, mukhang nagiisip ng mga strategy para makaligtas sa killer. Nilingon ko ang katabi ko. He's smiling. No I mean, smirking.
" Ikaw ang mauuna." Bulong niya sa akin.
What the f**k? Siya ba ang killer? Pero himbis na kindatan niya ako bakit niya sinabi yun? I will not let him do that to me. He's looking at something kaya sinundan ko ito. He's looking at Sir. Lee. He smiled at me and winked.
*RIIIIINGGGGG*
The bell rang.
" Okay class, mukhang to be continued ang ating exam. Good job for the two groups. Nahuli nyo ang killer."
Nagsihiyawan ang mga kablocks namin dahil siguradong pasado sila. Samantalang kami hindi pa nagumpisa. Ano na lang ang magigingg grades namin nito. Lumabas nang classroom si Sir. Lee. Pahamak kasi itong si Searchin. Bininigyan na nga siya ng pabor, hindi man lang marunong makiramdam. Lagot ka talaga sa akin Montesquieu!!!
Victim can be a killer, and killer can be the victim.
---
Ford's POV
Ang boring naman. Kaya ayoko talaga mag-aral. Puro sulat, basa at research. Buti pang nasa bahay ako, makakapanuod pa ako ng mga movies o di kaya kakain ako ng luto nila manang. Hay naku naman. Magclub na lang kaya ako? Maraming sexing babae. Maganda sa paningin ang maiikling damit. Ang p*****t ko naman pakinggan. Sus, gusto naman nilang namamanyak sila. Kung ang isang babae ayaw magpabastos dapat hindi nagsusuot ng halos makita na ang lahat. Lalaki kami, natural na ang maakit. Yun ang kahinaan ni Adan. Pero ano nga bang ginagawa ko dito sa library? Ay oo nga pala, nagpapahanap ang prof. sa Chemistry ng librong aaralin.What a life!!! In the first place bakit ba kasi engineering ang kinuha ko?
Habang naghahanap ng libro dito sa dulong part, napansin ko ang isang babae na mukhang Japanese. Ang haba ng itim na itim nitong buhok. Maganda sana kaso parang kakain ng buhay kung makatingin at sa ayos niya. All black. Mula sa headset, bag, bracelet at sobrang haba ng itim na medyas. Makapal din ang eyeliner sa mata. Black nail polish. Kabataan talaga. Binalik ko ang sarili sa paghahanap ng libro. Wala talaga akong mapili. Hindi ko din naman kasi alam ang mga libro sa harap ko. I don't have any idea sa mga nakasulat dyan. Sumandal ako sa shelf at tumingin ulit sa Japanese girl.
Lumapit sa kanya ang isang babae. NakaForeign Servise uniform samantalang yung Japanese girl naka Liberal Arts. Parang Familiar yung F.S. Saan ko nga ba siya nakita? Isip Ford. Isip. May kinuha yung F.S na kahon sa bag niya at inabot ito sa Japanese girl. Kumunot ang noo niya at tinatanggihan ang box.
"Accept that. Siguro naman ayaw mong mabigyan ng yellow card." Pananakot ng F.S
Sinamaan lang ng tingin ni Japanese girl yung F.S at tinanggap ang box. Ohhhhhh! Kilala ko na yung babae, yung sumampal sa Searchin ko. Lahat ba ng babae kaaway nito?
"Good." Ngumiti yung F.S at saka umalis. Ibang klase din yung isang yun. Bakit kaya niya pinipilit si Japanese girl? Don't tell me, dahil din sa Lalake named Noah? Ganun ba yun kagwapo? baka ni kuko ko wala siyang panama sa akin.
Nakatitig lang si Japanese girl sa box. Ilang minuto ko pa siyang sinubaybayan ng magdisisyon akong lapitan. Nakaaupo siya sa pangatlong lamesa. Habang papalapit ako, nakita ko na lang na umiiyak na si Japanese girl. Dali dali akong naglabas ng panyo para sana ibigay ngunit sa paglingon ko, wala na siya.
Hinanap ko sa paligid pero wala. Makabalik na nga lang sa paghahanap. Kung ano ano kasi pinapansin ko. Hahakbang na ako nang naramdaman ko na may natapakan ako. Yumuko ako at nilapitan tinignan ito. Bracelet? Kulay itim at kulay pulang bulaklak ang disenyo. Nilapit ko pa sa aking mukha para makitang mabuti.
"To... Mi... Lia?" Nakain-grave ito sa mga bulaklak. Hmmm. Kanino kaya to? Naiwala siguro ng kung sino. Mga babae talaga, pabaya. Binulsa ko na lang at baka may maghanap, ibibigay ko na lang. Sayang , baka maganda din yung nakaiwan. Makaporma pa ako.
---
Searchin's POV
What the hell is that exam? Ginagago ata kami ng prof na yun. Pero si Jury, hingi maipinta ang mukha. Ano kayang nabunot at ganun magreact? But... kaya ko nga bang husgahan ang killer? I'm the Priest. Mamatay ba siya o papanatilihin kong buhay?
Whatever. I really don't f*****g care. Laro lang yun. Sa lahat ng nalaro ko ito ata ang walang kwenta. Hindi naman kami nagbabayad ng mahal na tuition fee para sa mga walang katuturang bagay. I wished na written exam na lang ang pinagawa niya. Siguradong wala pang isang oras tapos na. But that bullshit professor wants a killing game. Mukhang pagsisisihan kong nireject ko ang better school para lang sa SRU. Hay stupid decision been made. Kung hindi lang talaga ako curious sa school na ito. Its about the letter. May dapat pa akong alamin dito at para matahimik ako.
Naglakad ako para pumunta sa student council office. Kumatok ako pero walang sumagot, kumatok ulit ako but to no avail. I decide to open the door and I'm lucky dahil hindi ito nakalock. Pumasok ako at wala ngang tao. Pero bukas ang ilaw at ang dalawang computer. Lumapit ako nang mapansin ko ang isang picture sa tabi ng isa sa nakabukas na computer. Pamilyar sa akin ang babaeng nasa picture. Kukuhain ko sana ito ng biglang may nagsalita.
"Don't you ever touch that."
Nilingon ko ang lalaking nagsalita. Isang matangkad na nakasalamin at naka Engineering uniform. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sino ang nagpapasok sayo?"sabi niya at umupo sa harap ng computer.
Instead na sagutin ko ang tanong niya. "Bakit ka may picture ko?"
Tumingin siya sa akin at nagsmirk. " You're not her. Magkamukha kayo pero hindi ikaw siya."
Magkamukha nga kami but the girl in the picture has chocolate brown eyes.
"Who is she?" Sino siya at bakit magkamukha kami?
"Do you really want to know who is she?" Tumayo siya at pumunta sa likod ko. Hinawakan niya ang aking buhok at inamoy ito. I felt that I'm in a danger right now but I won’t fall in his trap.
"If you don't mind." Hinawi ko ang kanyang kamay.
He smirked. Bumalik siya sa kanyang upuan at nagsimulang magtipa sa keyboard. Bakit may pakiramdam ako na kailangan kong makikala ang babeng nasa litrato.
"She's Gemini."
---
Maraming bagay ang gumugulo sa akin. Habang tumatagal ako sa eskwelahan na ito mas lalo akong naguguluhan pero at the same time I felt there’s more deeper reason. Why me? In all of the people why should I received that damn letter? Tama, pwede namang baliwalain iyon, itapon at huwag pansinin. Pero dahil sa kakaibang pakiramdam ko, binasa ko ito at napunta sa SRU. Sa mga bagay na nalaman ko hindi ko alam kung paano mananalo sa larong ito. Ayokong matulad kay Gemeni. Patay na siya. At sa mga bagay na dapat kong malaman, wala akong ibang choice kung hindi ang hanapin ang sagot sa mga taong may sangkot sa laro. Pero paano ko malalaman kung sino sila? Sa larong sila ang may hawak sa buhay ng manlalaro? Mamatay ka kung kailan nila gusto. Iisa lang ang sigurado, the master of the game only live. Sino ang master of the game? s**t!!! Dapat ba akong maniwala sa sinabi ni Dale?Baka bago ko pa mahanap ang sagot, napatay na nila ako.
*FLASHBACK*
"Gemini? Who is she?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ako ang makakasagot kung sino siya. Ang mga kapwa mo player ang dapat mong tanungin." Patuloy pa rin siya sa pagtipa.
" Player? Who’s playing." Pinaharap ko siya sa akin.
"Sa oras na tumuntong ka sa eskwelahang ito. Kasali ka na sa laro." Tinabig niya ang kamay ko at pumunta sa bookshelf. May hinahanap siyang libro ata.
Sumunod ako."What game are you talking about?"
" Ang master of the game lang ang nakakaalam kung anong klase ng laro ang meron ngayon. Hawak niya ang lahat ng player. Buhay nyo ang kapalit sa pagsali rito. Sa ayaw at sa gusto ng player. Oorasan niya kayo."
That's bullshit!!! Totoo ba ang sinasabi niya? Pero kung totoo nga, kailangan kong alamin kung sino ang master of the game.
"Kung gusto mong manalo sa larong ito. Hulihin mo ang nagpapalaro. Simple lang hulihin mo, patayin mo..."
I will kill!?! No f*cking way!!! Pinagloloko lang niya ako. Baliw ata an lalakeng ito. Tumalikod ako. Nasa pinto na ako para lumabas. Wala akong mapapala dito. Bukas ko na lang aasikasuhin ang pakay ko. Binuksan ko ang pinto para lumabas ...
"Sa paghuli mo sa kanya malalaman mo kung sino si Gemini. Masasagot ang sulat na pinadala sayo. And by the way I'm Dale Villanueva. In time, you will know what's my role in this game."
*END OF FLASHBACK*
Gemini. Gemini. Sino ka ba talaga? Bakit tayo magkamukha ? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Mas lalo lang gumulo ang lahat. Anong laro? At bakit may mamatay at pumapatay? Anong kinalaman ko? Trap ba ang sulat para pumasok ako sa SRU? How sure the master of the game that I'll play? Na papasok ako sa SRU? Sumasakit ang ulo ko sa kaakisip. Nakahiga na ako sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko.
-Play time.-
From: +6390623*****
Unknown number. Mga walang magawa sa buhay. Pinikit ko ang aking mata habang nakahiga. Sumasakit ang ulo ko sa mga impormasyong natatanggap ko.
Ilang minuto lang at bigla ulit tumunog ang aking cellphone.
-She’s dead.-
From: +6390623*****
F*ck!!!! Naghahanap siguro ito ng mapagtitripan. Hindi ko ito pinansin instead I turn off my night lamp. Mahaba at nakakapagod ang araw na ito. Tulad ng pag-lalim ng gabi, lumalalim din ang mga bagay na dapat kong alamin. Huhukayin ko gaano man ito kalalim para lang masatisfied and curiosity ko.