Naglalakad papasok ng school si Brie, hindi na siya nag pahatid pa sa loob dahil alam niyang magiging issue iyon.
Two days siya hindi nakapasok kaya naman sobrang dami niyang gagawin.Muli niyang tinignan ang phone niyang ibinigay ng lalaki sa kaniya kagabi. Isang Iphone 11 pro max. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa lahat ng binigay nito o matatakot dahil baka kung anong kapalit ang hingiin nito.
Bakit pa nga ba siya matatakot sa hihingiin nito, gayong ikakasal na sila sa susunod na linggo.
Papasok na siya ng gate ng may humarang sa kaniya. Sila Klea, ang bully ng school nila.Hindi niya na ito sana papansin subalit bigla itong humaramg sa daanan niya kasama ang mga kaibigan nito.
"I thought you already quit here. You're just a stupid." sabi nito at tumawa.
Huminga siya ng malalim at akmang maglalakad na.Pero hinarang na naman siya nito.
"Hoy Klea! Tigil-tigilan mo nga si Brie!"
Mabuti na lamang at sinalubong siya ng kaibigang si Chillet kaya naman padabog itong umalis.
"Hoy besh! Anong nangyari sayo? Hindi ka nagparamdam?!" nag aalalang tanong nito sa kaniya.
Hindi siya kumibo.Ayaw niyang malaman nito ang nangyari,dahil paniguradong pipilitin siya nitong magsumbong sa police. At baka mahalungkat pa ang utang ng tatay niya.
"Alam mong punta ako sa inyo?! At ang sabi ng mga kapatid mo hindi ka daw umuwi! Nagaalala na rin sila!"
Bigla naman siyang napatingin rito.Isa lang ang nasa isip niya.
"Hindi sinabi ni Papa ang nangyari?"
Yan ang nasa isip niya habang nagkwekwento ang kaibigan.Pati rin sa shop at hinahanap na siya.
"B-besh, sorry kung nag aalala ka." sabi nito at yumuko.
"Babaita! Yung totoo? Saan ka galing? " tanong nito.
Hindi siya nakasagot, hindi niya rin alam ang sasabihin dito.Ayaw niyang lumaki ang problema.Pero malalaman at malalaman din naman niya ang nangyari.
Nakarating sila sa room nila habang inasikaso ang mga task na na missed niya.Nakiusap siya sa mga professor nila kaya naman todo gawa siya kasama ang kaibigan.Habang kinukulit siya kung saan talaga siya galing.
Natapos ang araw at sobrang na stress siya dahil sabay-sabay niyang tinapos ang mga task na yon ngayong araw.
"Hoy besh! Sabay tayo sa shop!" sabi nito.
Isa ito sa problema niya.Balak niya sanang magtrabaho pa subalit alam niyang hindi siya papayagan ng lalaki.
"S-sige besh!Magkita na lang tayo mamaya" sabi niya bago umalis.Paliko na siya ng makasalubong niya ang driver nilang si Mang Oka.
Mabilis siyang pumasok at baka maabutan pa siya ng kaibigan.
Kumain muna siya sa bago nagpahinga at naligo, mabuti na lang at andito ang uniform niya sa shop dahil ito ang suot niya noong kinuha siya ng mga ito.
Ang uniform niya ang naiwan sa bahay nila kaya naman dadaanan niya na lamang ito mamaya.
Palabas na sana siya ng may maid na nagsalita sa likod niya.
"Ma'am Brie, pinagbilin ni Sir na wag kayong lalabas." sabi nito.
"Manang, itetext ko na lang po siya.Kailangan ko kasing pumasok ngayon" sabi nito.
Kinulit niya pa ang maid para lang pumayag ito.Paalis na siya at hinatid na lamang siya ni Mang Oka.
Nakarating siya sa shop nila. Pero nagulat na lamang siya ng hindi siya kinulit o tinanong man lang ng manager nila.
"Besh, imposible talaga eh! Bakit parang alam ni Ma'am ang nangyari sayo at hindi man lang siya nagabalang tanungin ka?" sabi ni Chillet habang umaarteng nagiisip.
Hindi na lamang niya iyon pinansin. Sigurado siyang ang lalaki ang may pakana non.
Itinuon na lamanh niya ang pansin sa mga costumer habang malalim na nag -iisip.
Hindi naman ganon kasama ang lalaki. Hindi lang niya agad nakita ang kabaitan ito dahil sa nangyari. Pero hindi pa rin siya kampante sa puder nito.Hindi niya pa ito kilala ng lubusan kaya naman may pangamba pa rin siya.
"Miss isang Coffe Jelly-- Madame?"
Bigla siyang napatingin sa costumer ng magsalita ito at tawagin siyang madame.
"M-meshua..."
"Madame anong ginagawa niyo dito? At nag t-trabaho kayo? Alam ba to ni captain?" tanong ni Meshua habang tinignan ang suot niya.
Nag excuse siya sa kasama niya Para kausapin si Meshua sa labas.
"Meshua, huwag mo nalang sabihin sa kaniya please?" sabi nito.
"Pero madame--"
"Bukod don, kailangan kita Meshua. Kailangan ko ng kasagutan sa lahat ng tanong ko." sabi niya pa habang nakatingin dito.
"Ano iyon Madame?" nagtatakang tanong nito habang hinuhulaan ang nasa isip ni Brie.
Kailangan niyang malaman ang tunay na pagkatao ng lalaki.Kung saan ba talaga ito nanggaling.Kung sino ba talaga ito.
Kailangan niyang malaman lahat ng nakaraan din nito.Hindi niya rin alam kung bakit niya pa naisipan ungkatin iyon.
"Oy Brie! Bakit ko kausap si Sir Meshua? Ang gwapo niya infairness!"
Parang baliw na sabi ni Sheena habang nakatingin kay Meshua na nasa table number 3.
"Hoy beshy! Hindi mo man lang sinabi na close pala kayo ni sir pogi!" sabi naman ni Chillet habang kinikilig din.
"Hindi kami close. Kakilala ko lang siya." sabi nito habang umiiwas ng tingin.
Hindi na siya nagtaka jung bakit kilig na kilig ang mga babae dito.Dahil approachable ito at napakabait.
Lumipas ang oras. Nagpaalam na siya sa mga kasama niya. Palabas na siya ng makita niya si Meshua sa parking lot.Tumingin siya sa paligid bago pumasok sa kotse nito.
"Madame, anong gusto niyong malaman?"tanong nito habang prenteng nakaupo
Tumingin muna siya dito bago magsalita.
"Lahat Meshua, kung sino ba talaga siya? Kung anong uri siya ng tao at ang nakaraan niya?Kung anong nangyari sa kaniya?" tanong niya habang nakatingin ng seryoso sa binata.
"M-madame h-hindi ako ang dapat mong tanungin tungkol sa bagay na iyan." sabi nito.
"Ikakasal na kami Meshua, maski pangalan niya hindi ko alam." sabi niya habang nagmamakaawang tumingin sa lalaki.Huminga ito ng malalim bago nagsalita.
"Hindi ka nagiisa madame, Hindi niya basta-basta binibigay ang pangalan niya sa mga taong hindi malapit sa kaniya.Pero nakakapagtaka lang at hindi niya sinabi sayo ang bagay na yan?" sabi nito habang nagtatakang tumingin.
"Kaya nga nakikiusap ako sayo Meshua, Ano ba talaga ang pangalan niya?"
Hindi ito kumibo at tumingin lang sa kaniya.Hindi nito alam kung sasagutin niya ba ang sagot ng dalaga o ipapaubaya niya na lamang ito sa kaibigan.
"Ano ba talagang pangalan niya at sino ba talaga siya?" ulit niya habang nakatingin kay Meshua.
Ilang minuto ang lumipas ng may magsalit sa likod niya.
"Why do you want to know?"
Napalingon siya at nakaramdam ng kaba. Hindi niya akalain na andito sa likod niya ang lalaki.Napalunok siya, hindi niya alam ang isasagot niya.Lumapit ito sa kanila.
"Why do you asked him about me? My personality." muling tanong nito
"S-sorry..." nasambit niya at yumuko.
"Ah Captain, Madame mauna na ako.Kayo na lang ang mag-usap." sabi ni Meshua bago lumabas ng coffeshop.
Hinila siya ng lalaki dahilan para mapatayo siya. Nakarating sila sa kotse. Walang gana siyang sumakay.Bigo siyang malaman ang lahat.Bigo siya na makilala ang tunay nitong katauhan.
Nakarating sila sa bahay ng walang ni isang umiimik habang nakain.
Hanggang sa matapos siyang kumain.Dumiretso siya sa kwarto at nagpahangin sa terrace.
Pero nagulat siya ng may humila sa kaniya.Ang lalaki. Pinaupo siya nito sa sofa kaya naman nagulat siyang nakatingin dito
"Anong gagawin natin?" tanong niya habang nakatingin dito.
"You want to know my name right?" tanong ng lalaki.Tumango naman siya.Hindi niya inaasahan na tatanungin siya ng ganon ng lalaki.
"On your necklace" maikling sagot nito.
Nagtataka naman siyang tumingin sa necklace niya.
"The pendant."
Muli niyang hinawakan ang pendant na moon.Binaliktad niya ito para masusing suriin. Laking gulat niya ng may nakalagay doon, sobrang liit na letter lang niyon kaya hindi mo agad makikita.
"Lanche Hendrix?" nagtatakang basa niya.Ngayon niya lang napagtanto na ito ang pangalan ng lalaki.
"I-ikaw to? Ang pangalan mo ay Lanche Hendrix?" gulat na tanong niya.Hindi ito umimik. Tinignan siya nito.
"Pero bakit? Bakit kahit ang mga katulong o ibang tao ay hindi nila alam ang pangalan mo?" takang tanong niya. Naguguluhan na rin siya dito.
"Just simple, because we're not close."
"Pero teka lang, kahit na. Hindi ba mayaman ka? Pero bakit tagong-tago ito? Paano naitatago yon?" naguguluhang tanong niya.
"I telling my name to the people who I trusted."
May kung anong naramdaman siya sa puso niya na hindi niya mapaliwanag.Ibig sabihin nito nagtitiwala siya sakaniya?
"P-pero bakit? " naguguluhan pa rin niyang tanong.
"I don't want to involved any issue. My personality is latent. Only who will close to me are knew about that."
Namangha siya, dahil nakaya nitong itago ang pangalan nito sa paligid nito.Tanging mga kaibigan at pamilya lang nakakaalam ng pangalan niya.
"Now you know who I'am. Are you satisfied now?" tanong nito habang nakatingin sa kaniya.
"O-oo." nahihiyang sagot niya. Hindi niya alam kung bakit ganito siya tignan ng lalaki.