III

1389 Words
Masaya siyang nakangiti habang nakatanaw sa counter ng shop nila.Hindi niya alintana ang pagod na nararamdaman niya. “Besh tawag ka ni Ma’am,” sabi ng kaibigan niyang kasama niya rin dito. Mabilis naman niyang iniwan ang ginagawa at pumunta sa manager nila. May hawak itong cup na nasa tray. “Brie, ikaw muna ang mag hatid ito sa table number eight,” sabi niya. Inabot niya ang isang tray, binasa niya ang nakasulat sa cup. ‘VIP Mr. Claveria’ Bigla naman siyang namutla ng mabasa ang nakasulat sa cup.Ito ang VIP na sinasabi nila. Kaya naman tinanaw niya ang naka upo sa number 8 na table. Nakita niya ang lalaking naka formal attire. Dahan-dahan siyang lumapit dito dahil kinakabahan siya.Nang makalapit, dahan-dahan niyang inilapag ang cup. “Good day sir this is—” Pero nabigla siya ng makita ang mukha ng lalaki.Nakatingin ito sa kaniya ng seryoso. Tila ba hinihintay na magsalita siya. Subalit parang walang nalabas sa bibig niya ni isang salita. Siya! Siya yong lalaking nakabunggo sa kaniya kahapon.Bumalik siya sa reyalidad at umayos. “Y-your order, Sir.” Pagpapatuloy niya bago siya dahan-dahang umalis. Pero hindi pa siya nakakalayo nang magsalita ito. “Next time, stop day dreaming.” Lumingon siya para makita ang lalaki pero bahagya lang itong umiinom.Bumalik siya sa counter habang tinatanaw ang lalaki.Nakatanaw lang ito sa labas habang nakatulala.Tila ba malalim ang iniisip nito. Itinuon niya na lamang ang atensyon sa nga costumer.Ilang oras lang ang lumipas, muli siyang tumingin sa table number 8 subalit wala na don ang lalaki.Parang sumama ang pakiramdam niya. Hindi niya rin batid kung bakit ganito ang nararamdaman niya.Ni ang pangalan nito hindi niya alam. Tanging ang apelyido nito ang naalala niya. ‘Claveria’ Apelyido palang tunog mayaman na. Pilit niyang inalis sa isip niya ang lalaki. Natapos ang trabaho niya, pauwi na siya.Mabuti na lang at binigyan siya ng pamasahe ng Kaibigan niya kaya hindi na siya maglalakad ngayon. Gabi na rin at delikado na sa daan. Nang makaalis na ang jeep, bahagya siyang naidlip.Pagod na pagod siya ngayong araw. Mabuti na lang at wala siyang gaanong assignment na gagawin kaya makakapgpahinga siya ng mahaba. Hindi niya alintana ang ingay ng paligid, sa sobrang pagod. Subalit hindi nagtagal, nagising siya.Hindi niya alam kung asan siya.Madilim ang paligid niya, pero mas lalo siyang nagulat ng makitang nasa tabi niya ang lalaki habang nakangiti ito.Hindi ordinaryong ngiti, dahil nakakatakot ito. Bago niya napagtanto na may nakatutok na baril sa leeg ulo niya. “Miss!” Sa hindi maintinidihan, mabilis siyang napamulat ng mata.Bumungad sa kaniya ang jeep na walang tao.Luminga siya sa paligid at nakita na andito na sila terminal. Mabilis naman siyang bumaba bago naglakad pauwi. Kakaibang panaginip.Anong ibig sabihin non? Yan ang ilang katanungang nabuo sa utak niya. Ni hindi niya mawari kung bakit ganon ang panaginip niya. Hindi niya napansin na nakauwi na pala siya ng bahay nila. Tahimik na ito at patay na ang ilaw.Tanging nakabukas na lamang ang sa kusina.May susi naman siya kaya makakapasok pa rin siya kahit tulog na ang mga ito. Hindi na siya nag abalang kumain pa at nagbihis na ng damit bago humiga. Ilang minuto pa lang na nakapikit ang mata niya, nang biglang may narinig siyang kalabog mula sa baba. “CARDO! LUMABAS KA DIYAN!” sigaw ng boses ng lalaki sa labas ng gate nila. Naramdaman niya rin na tumayo ang ama niya at bumaba bago siya sumunod.Sumilip sila mula sa pinto habang ang ama niya ay lumabas at binuksan ang gate. Nabalot siya ng takot ng makita ang mga kalalakihan na nakaitim.May mga baril itong dala kaya mas lalo siyang natakot. “B-boss!” Tila natatakot na tanong ng ama niya.Hindi niya kilala ang mga ito kaya hindi niya alam kung anong gagawin niya. “Pinapasabi ni Boss yung sa utang mo Cardo. Hindi ba talaga magbabayad?!” hinigit nito ang ama niya ng isang lalaking maskulado ang katawan. “M-magbabayad ako boss, pero hindi pa ngayon dahil wala pa akong trabaho,” sagot ng ama niya. Pero binigyan ito ng isang suntok sa sikmura ng lalaki,dahilan para mapatakbo siya sa ama. “Tama na po!” pagpigil niya sa kanila. “Bibigyan kita ng tatlong araw. At kung hindi mo pa mabayarana ang kalahating milyon na utang mo, alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo,” sabi nito bago sila umalis. “K-kalahating milyon?” Nabinging ulit niya. Kalahating milyon ang utang ng tatay niya.At hindi niya alam kung saan iyon kukuhain sa loob ng tatlong araw lang? Kahit ang bahay nila hindi sapat na ipangbayad yon. Hindi niya rin alam kung saan iginastos ng ama ang ganong kalaking halaga.Dahil hindi nila nakita iyon o nardaman man lang. Hindi na rin siya nag abalang tanungin pa ang tatay niya tungkol sa bagay na iyon dahil alam niyang isusumbat lang iyon sa kaniya. Buong magdamag siyang hindi nakatulog dahil don.May tatlong araw sila para mabayaran ang mga laalking yon. Subalit alam niya sa sarili na hinding-hindi nila kayang ipunin yon,kahit buong taon pa. “Hoy besh! Kanina ka pa nakatulala! Don’t tell me iniisip mo na naman si Mysterious guy?” Nagbalik siya sa reyalidad ng magsalita ang kaibigan niya.Nandito na pala siya sa school at hindi niya namalayan iyon dahil sa kakaisip ng problema. Hindi niya napigilang hindi mag kwento sa kaibigan.Mabilis naman itong nag react. “Besh pasensya ka na taaga ah, yan lang atira sa sweldo ko.” Bago nito inabot ang limang libong piso.Ngumiti siya at nagpasalamat. Hindi niya alam kung saan kukuhain ang apat na daang milyon? Pero susubukan niya at gagawin niya ang lahat mabawsan lang ang utang nila. Nagikot pa siya sa pwede niyang utangan, hindi naman siya nabigo dahil nakalikom siya ng kinse mil. Sobrang laki pa at wala pa sa kalahati ang nakokoleta niya.Hindi niya rin alam kung paano sila kakain dahil lahat ng pera niya ay inilagay niya na rito.Habang naglalakad pauwi, hindi niya napigilang hindi umiyak. Naalala niya ang ina niyang pumanaw.Siguro, kung hindi ito namatay, ay masaya sila ngayon.Hindi ganito kahirap ang buhay nila. Pagod na siya, hindi na rin niya naasikaso ang dapat niyang ipasa sa school.Sobrang laki ng problema niya na halos lumuha na lang siya ng dugo. Nakauwi siya ng tahimik, hindi na rin siya kumain dahil wala rin silang ulam.Huminga siya ng malalim bago binuksan ang wallet niya. Labing pitong libro ang perang naipon niya, sobrang laki pa ng kulang para kahit makalahati man lang sila. Nagising siya ng maaga, maaga na rin siyang pumasok sa school. Gaya kahapon, hindi siya nakapag focus dahil sa problema niya.Nasa panganib sila ngayon.Hindi niya alam kung ano pang dapay niyang gawin.Dahil habang natagal, lalong nanganganib ang buhay nila. Bukas ang deadline ng utang nila, at kailangang mabayaran na iyon.Pero saan siya kukuha ng pera pang bayad? Gayong gipit na gipit na talaga siya. Naisip niya ang mga kapatid niya.Naawa siya rito, isa lang ang paraan para hindi matuloy ang banta ng mga ito.Magmamakaawa na lang siguro siya sa mga ito. Pero nagulat siya ng pagkababa ng ng jeep ay may humarang sa kaniyang mga lalaki.Hindi niya kilala ang mga ito dahil nakatakip ito ng mask na itim. Pilit siya nitong pinapasama subalit nakatakbo siya.Narinig niya ang pag habol sa kaniya ng mga ito kaya nang may makita siyang tao ay mabilis siyang humingi ng tulong. “ALE! TULONG PO!” natatakot na sabi niya. Pero huli na ng makita niya ang mga lalaki na papalapit sa kinaroroonan nila. “Sumama ka samin.” Sabi ng isang lalaking may hawak ng baril. “Ayoko!” sigaw niya habang gait na tumingin sa mga ito. Pero nagulay siya ng higitin nito ang babae at tinutukan ng baril.Nagmaawa ang babae subalit hindi siya pinakinggan ng mga lalaki. “Sumama ka samin para walang masaktan!” sigaw nito habang nakatutok sa babae ang baril. Naawa siya sa babae kaya naman labas sa kalooban siyang sumama sa mga ito.Hindi pa sila nakakalayo, muli siyang nakaisip ng paraan para makaalis. Mabilis siyang tumakbo.Subalit hindi oa siya nakakalayo ay nahabol siya nito.Hinawakan siya sa braso ng dalawang lalaki. “Wag ka na makulit!Para di ka masaktan!” sigaw nito at naramdaman niya ang pagsakit ng simura niya ng suntukin siya nito.Unti-unting nagdilim ang panigin niya bago siya nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD