Keira
Two days had past after the celebration happened. Lasing ako pero tanda ko parin sng nangyari sa gabi'ng iyon. Tanda ko kung paano ako hinalikan ng mapangahas ng lalaking iyon.
But I kissed back!
He kissed me and I kissed back! Hindi ko maalala kung gaano kami katagal naghalikan basta may humila sa kanya kaya naiwan ako at walang nagawa kundi ang bumalik nalang sa mga kasama.
Sinubsob ko ang mukha ko sa mesa at dumaing.
"Ang tanga ko!" Bakit ko kasi hinalikan pabalik! If he remembered my face the next time we'll see each other, then it'll be the death of me!
Napaayos ako ng upo nang may kumatok sa pinto ng office ko.
"Doktora Go, may mga papeles na kailangan n'yong fill up-an. For your transfer to Ledisma's." Ningitian ko si Raine na nakasilip sa pinto.
"Oh, akin na. Thank you." Inilapag n'ya sa mesa ko ang mga papeles at naupo sa harap ko.
"Kailangan n'yo po talagang umalis?" Nakasimangot n'ya agad na tanong. Napatitig ako sa mukha ni Raine na namumutla na ngayon.
Raine is only 19 and she chose to help here in the hospital. Gusto n'yang bumawi dahil sa pagtulong namin sa kanya. She's diagnosed with leukemia and she said she has no family to tell her disease.
"I want to stay with you guys but I have a dream to achieve. Everyone says that I'm too you to be a doctor so I have to prove them wrong." She nodded with a sad face so I chuckled.
"Ingatan mo ang ibang doctors dito ha? We all love you, Raine. Pagaling ka." Puno ng sensiridad kong sabi.
"Sus! Babantayan ko talaga doc. I also want to become a doctor someday dapat nandoon ka pag nangyari iyon! Kundi, sisigaw ako sa kasal mo na itigil ang kasal!" Natawa ako nang may halong pagbabanta ang pagmamaalam n'ya. She's really jolly like she doesn't have a problem. People are really good at pretending.
"Sige po! Bye!" Napatingin ako sa hawak na folder. Tama. Kakalimutan ko na dapat ang lalaking iyon at ang mapang-akit n'yang amoy.
Ledisma's Hospital. Lazi Ledisma's Hospital. I'm so proud of him for making it this far. Nag-aaral pa lang kami ng med school nang nagpatayo s'ya ng mga maliliit na hospitals. Hanggang sa noong isang taon ay sinuportahan s'ya ng ama na ipatayo ang hospital na ito. Lazi never lost in touch with his hospital even that he's currently studying engineering.
I wonder how he and Lerion doing right now. Sila na rin ang palagi kong kasama noong college at med school. Tatlo kami noong kumuha kami ng exam para mag college agad. Lahat ng perang pinadala ni papa para sa apat na taon kong pag-aaral ng highschool ay inubos ko para lang makakuha ng exam na iyon. Hindi ko naman pinagsisihan dahil madali akong nakakuha ng scholarship sa college at sa medical school na gusto ko. It was worth it if my Mama's happy about it.
Tumayo ako at sinuot ang lab gown para sana maground na nang biglang bumukas ang pinto at sumalubong ang nakangising mukha ng mama ko.
"Anak!" Napaayos ako ng tayo sa paraan ng pagtawag n'ya saakin. Isa lang ang ibig sabihin 'nun...
"Pahingi ng pera." Inilahad n'ya pa ang palad n'ya sa harap ko. Tuluyang hindi na maguhit ang mukha ko. It was last week when she came to me asking for fifty thousand pesos. Hindi ako mayaman!
"Ma. Kahihingi mo pa lang last week. Hindi marami ang pera ko." May halong pagmamakaawa ang tono ng boses ko. Kita ko kung paano umarko ang kilay ni mama.
I don't like the sign of it.
"Nagrereklamo ka na?" Halos magpadyak na ako nang marinig ulit iyon sa kanya. Here we go again.
"Sinabi ko rin ba yan sa'yo nung nasa sinapupunan palang kita ha?! Noong bata ka pa! Noong nag-aaral ka ng elementary! Sinabi ko ba 'yan!" Sumbat n'ya pa. Napapikit ako habang sinusubukang magpigil. She's still my mother.
"Kahihingi mo lang din last week ng fifty thousand. Para saan ba talaga ma?" Pagsusumamo ko. Hindi naman bumabaha nalang ang pera. Kailangan din naman kasi iyon pagtrabahuan. If it is spent, it should be in a useful way. Who knows, it's for gambling or so?
"Meron kang pera o wala?" She asked, not minding my questions again.
"Kunti nalang. Pang gas, pangkain natin, kuryente, tubig, utang mo—"
"Simpleng tanong, ang dami mo pang sinasabi! Bahala ka nga d'yan sa buhay mo! Thirty thousand lang eh! Kainin mo yang kadamutan mo! Walang utang na loob!" Akmang aalis si mama nang tinawag ko s'ya.
"Ma." Tinaasan n'ya ako ng kilay. Napabuntong hininga ako at kinuha ang wallet ko.
"25 thousand lang ang mabibigay ko, bukas nalang ang sampu." Mahina kong sabi.
This is what people don't know. I may look and act smart, but when it comes to my mother, I can't think straight. Hindi ko kayang piliin ang tama pagdating kay mama.
Agad naman s'yang ngumisi sa'kin at hinablot ang pera mula sa'kin.
"Yun naman pala eh."
After receiving the money, she left my office with those words.
Lumabas nalang ako at napagpasyahang mag round sa mga pasyente ko.
Papunta ako sa kwarto ng babaeng nabaril nang makasalubong ko ang mama n'ya. Looking glamorous with her white knee-length dress paired with a pair of sandals and Chanel bag.
"Doc! Hi! My daughter finally is awake, kagabi lang. Na check na kanina noong kasama mong doctor." Napangiti ako sa maganda n'yang balita.
"That's good to hear. Actually papunta po ako doon." I smiled genuinely at her. I wonder how it feels to have a mother like her.
Sana maging mama ko din s'ya.
"Okay, good. Iniwan ko saglit si Liza sa kuya n'ya. If something is wrong, please tell him nalang, okay?" Napakurap kurap ako sa kanya pero tumango rin. Natawa ako ng kunti. Para akong anak na binibilinan ng nanay. So this is how it feels huh?
"Okay po." Tanging nasagot ko nalang.
"Bye, Doc." She said as she walked towards the exit. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumasok sa kwarto ni Liza. She's currently eating an apple while lying on the 45 degrees angled bed. Nagulat ako dahil parang wala lang nangyari sa kanya. She's strong.
She smiled when she saw me.
"Hi, doc! I bet you are my doctor, right?" She excitedly asked. Napangiti ako. She's maybe 15 or 16.
"Yes. How are you feeling?" I asked while checking the IV and her of course.
"Fine, po. Uhm." Napatingin ako sa kanya nang parang may gusto s'yang sabihin.
"What is it?" I asked. She smiled and looked hesitant.
"Uhh, can you call my kuya? Nasa labas lang po s'ya. May katawag kasi. Please tell him that I need something?" Nagdadalawang isip n'yang sabi. She's shy to approach me I see. "Kung okay lang naman po." She awkwardly said.
"Yes sure. Never a problem. You can always approach me with that." I croaked.
"Okay! Naka black long sleeves polo po s'ya and uhm black pants. Thank you doc!"
I went outside and look for someone wearing black. At the end of the hallway, I found him. Nakatalikod s'ya at may katawag kaya lumapit ako.
"Okay, just get the men ready." I heard him say. Tatawagin ko na sana s'ya nang muli s'yang nagsalita.
"Yes. I'll make them pay for shooting my sister. We'll kill them all." My eyes widen and shocked.
Kill? Who? What? Why? Where?! Seryoso ba ito?!
Nang akma n'ya nang putulin ang tawag ay agad akong tumalikod at naglakad pabalik sa kwarto ng kapatid n'ya. Sumilip ako at nakitang kumakain parin si Liza.
"Hi, your kuya is coming. I should go, okay?" Sabi ko. Agad naman s'yang ngumiti at tumango.
Pagkaalis ako ay napahawak ako sa dibdib sa sobrang kaba. What the hell? I think he's serious kasi totoo namang nabaril ang kapatid n'ya. Bigla akong nagsisi na hindi ko man lang sinilip ang mukha n'ya. Damn!
Gaya ng nakasanayan, sabay ulit kaming lima sa pagkain ng lunch at break. Nang hapon naman ay muli kaming nagkahiwalay. Umuna na sila ng uwi habang ako naman ay nagpaiwan. Pakiramdam ko kasi, may hindi pa ako nagawa ngayong araw kahit nagawa ko na naman lahat.
Alas otso na nang lalapit na sana ako sa front desk para magpaalam nang may lumapit saakin na nurse.
"Doc! May dinalang pasyente na may tama ng bala! He's currently at the ER now." Salubong saakin ng isang aiding nurse. Agad akong tumango sa kanya at tumakbo papuntang ER. Bahagya pang nakunot ang noo ko nang makitang maraming naka black polos na lalaki sa labas ng kwarto.
"Politico ba ang pasyente?" I asked while we're heading to the end of the hallway where the room is.
"Hindi ko po alam. May takip ang mukha tsaka parang importanteng tao po doc kasi may personal doctor po s'ya sa loob. Ayaw kaming palapitin." Huminga ako ng malalim at hindi na naiintindihan ang nagyayari. He had a personal doctor yet he's here. Maybe they don't have equipment with them.
Huminto kami ng kasama ko sa tapat ng pinto at akmang bubuksan ko iyon nang hinarang ako ng isa sa mga lalaki. Kumunot ang noo ko.
"What are you doing? There's a patient and I am a doctor! Let me in!" Pagalit kong singhal. He did not even move at my action.
"He's an important person doc. May Doctor na sa loob." Mas lalo akong nainis.
"That doctor is not from this hospital. Kapag may nangyari sa pasyente, kami ang malalagot kaya—" naputol ang pagsasalita ko nang bumukas ang pinto at sumilip ang isang lalaki.
"I need another doctor here. Call one—"
"I am a doctor!" I said. Tinitigan ako ng lalaki na parang kinikilatis ang pagkatao ko.
"Let me warn you then. The moment you enter this room, you can't get out of our mess. Ever." Pagbabanta n'ya. I don't know if I am only assuming, pero pakiramdam ko ay may iba s'yang pinapahiwatig. "Are you still going to continue?"
Hindi ko maintindihan ang ibig n'yang sabihin. All I know is I want to aid the patient.
"Oo nga! The hell! There's a patient there!" Inis ko na talagang sabi. Binuksan n'ya ang pinto at pinapasok ako. Agad naman akong pumasok at nakita ang pasyente na nakahiga sa kama. He's incubated already but he is still wearing a half mask.
A familiar smell coated the whole room.
"No need for aiding nurse." I heard the guy uttered from the door and closed it. Agad akong lumapit sa pasyente para tignan ang kalagayan n'ya. Ganoon din ang ginawa ng lalaki.
The pulse is slow but the bullet on his stomach still didn't take off. Napatingin ulit ako sa mukha ng lalaking nakaratay habang hinahanda ng lalaki kanina ang mga gamit.
Why is he wearing a mask? The patient is wearing a mask. I held out my hand so I could take off his mask when the patient held my hand shakingly to stop me.
Napaatras ako sa gulat ngunit hawak n'ya parin ang kamay ko.
"Seeing my face means danger for you." He huskily said.
Agad nanayo ang balahibo ko sa tinig n'ya. Those familiar cold baritone voices. It's familiar too!
"If seeing your face means saving you, then why not?" Giit ko. Bahagyang natawa ang lalaki kanina sa sinabi ko.
"He was shot in the stomach not in the face." Irap nito. Umirap naman ako pabalik. Ayaw din n'yang kunin ko ang mask. Ano bang meron sa mukha n'ya? Hindi ko maintindihan!
"How can we see the patient's expression during the operation? Paano kung namumutla na pala?" I fired back. He just scowled at me.
The patient's grip loosen up until he took his hands off from mine. Agad kong kinuha ang maskara dahil baka magbago pa ang isipan n'ya. Napatigil ako nang makita ang mukha ng pasyente. How to describe him? Heavenly evil. He's damn handsome!
Napansin kong nakatingin ito sa'kin kaya umiwas ako ng tingin at inumpisahan na ang operasyon.
My heart is beating erotically.
Why did I even insist on seeing his face? And he seems familiar!
I won't regret seeing his face right?
I just did. I dared to see the danger's face!