Keira
"Doctora Go, please proceed to room 191. Again, Doctora Akeira Go, please proceed to room 191. Code 77! I repeat Code 77 in room 191!"
Napahinga ako ng malalim at inayos ang suot na lab gown bago nagmadaling lumabas ng opisina at puntahan ang kwartong sinabi.
I've been working as a doctor for two years now and this kind of emergency is not new to me anymore, though the nervousness is still there.
"Who's the patient?" I rushed inside an exclusive room and I am not able to hear the nurse's answer when I went to straight the patient.
"Doc, please. My daughter." Nagulat pa ako nang madatnan ang kapamilya ng pasyente. Her mother.
"We'll do our best."
Dumeritsu ako sa pasyente at agad na tinignan ang kalagayan nito. She's the patient with a gunshot at the back. Her pulse is almost fading.
She has severe bleeding. The most serious type. Kailangang lagyan ng pressure ang sugat.
The process wasn't that long at naayos din agad. Napahinga ako ng maluwag. Maaaring ikamatay ng pasyente iyon kapag hindi agad naagapan lalo na't ang artery ang pinagsimulan ng bleeding.
"Doc, how's my daughter, Liza?" Worry was evident on her mother's face. Ang bagay na gusto ko ring makita sa mukha ng mama ko dahil kahit malayo na ang narating ko, hindi ako nakarinig sa kanya ng kahit isang papuri.
"She's stable. She just needs some rest. Please don't worry, Mrs." I smiled to ensure that her daughter is fine. She was thankful and it's enough for me.
"Hindi ka lang maganda doc. You are also good especially in this profession." She said. Sanay na ako sa ganitong papuri galing sa ibang tao, sa nanay ko lang naman ang hinahanap ko.
"Ang galing mo kanina Doc Akei. Alam mo bang sobrang yaman ng pamilyang iyon? They own companies at yung anak ng ginang na lalaki ay isang sikat na bachelor!" Ria giggled like she was imagining the man's face.
"Talaga? Even if they're poor, I will still help them." Sabi ko naman at umupo sa couch. Lunch break at wala pa namang emergency at tapos na kaming mag round kaya nakakapagpahinga kami saglit.
"Sana lahat kagaya mo Doc! Ang ganda mo tapos ang talino at saka maganda ulit." Napangiti nalang ako sa pambobola ng kasama kong doktor din. Doctor Mariano.
"Sus. Maniwala." Irap ko.
"Hala! Sira ang stove! Cafeteria tayo ngayon?" Napalingon kaming lahat sa sinabi ni Milo. Actually lima kaming palaging magkasama. Ako, Ria, Ren Mariano, Milo, at si Aiko.
"Ang layo! Baka hindi pa tayo makarating, may emergency na naman!"
Napatingin ako sa hawak na noddles. Anong gagawin namin sa'yo? Gutom na kami, noodles!
Binuksan ko ang noodles at sinimulang kainin kahit hilaw. This is not good for health but hunger is killing me!
Nakigaya na rin ang mga kasama ko sa ginawa ko. Hindi kami nakakakain ng maayos dito sa hospital pero nagagawa namin ng maayos ang mga trabaho namin. I admit that my stamina isn't strong and I easily get sick. Kapag naaambunan ako, nilalagnat agad ako.
"Nasaan si Aiko—"
"Omy God!" Muntik kong mahagis ang hawak na noodles nang biglang malakas bumukas ang pinto kaya lumikha ito ng malakas na tunog.
Aiko went in rushing.
"Aiko naman! Hinabol ka ba?" Inis na tanong ni Milo.
"Omy gosh! May gwapong dumating! Pamilya ata nung niligtas mo kanina Akeira! s**t, makakalimutan mo talagang huminga!" Pinaypayan n'ya pa ang sarili.
"Oh?." Tanging sabi ko nalang.
"Anong oh?! Gwapo daw doc! Anong pangalan, Aiko? Tanungin mo! Ipapakilala natin si doc Keira!" Saad naman ni Ria na ikinailing ko. These guys are looking for my hopeless love story.
"Huwag na! Doc Keira doesn't need it." Sabat naman ni Ren. Everyone hissed at his comment. I'm not dumb not to know that Ren likes me. Magkaklase na kami noon pa lang at alam ko na nagbago din ang pakikitungo n'ya sa'kin.
"Excuse me?" Napatingin kami sa pinto nang may pumasok. Yung ina ng pasyente ko kanina. May bitbit s'yang paperbag at isa-isa n'ya kaming tinignan ng nakangiti. Bumaba naman ang tingin n'ya sa kinakain namin at nawala ang ngiti n'ya sa labi.
"Naku! Mga Doctor! Bakit naman ganyan ang mga kinakain n'yo? That's unhealthy!" Hindi kami nakapag salita nang isa-isa n'yang kinuha ang mga hawak namin.
I pouted. Gutom po ako.
"Here, I told my son to bring some meal, pasasalamat ko sainyo. Lalo na sa'yo Doctora Go." She then smiled at me. I smiled back.
"No need for the meal po but—"
"Thank you po kasi ang layo ng cafeteria tsaka nasira ang stove namin. Gutom po kasi." Milo cutted me off. Napatawa nalang kami sa kahihiyan.
"I can give you every lunch habang nandito pa ang anak ko." She offered. Halos sabay pa kaming umiling kahit gusto nga namin. That's against the hospital rules. Not to receive gifts or something from patients.
"Okay na po kami! Marami naman pong manliligaw si Dra. Go, may source kami mula bukas." Malakas na tumawa si Aiko sa sinabi ni Ria. Napailing naman si Ren at lihim kaming tumawa ni Milo. These people really made my day.
"Ano pong pangalan n'yo ma'am?" Tanong ko sa ginang na natawa din sa sinabi ni Ria.
"Ah, sorry. I'm Kathleen. And the girl that you have saved a while ago was my daughter, Liza." We all nodded at her.
She's pretty, so no wonder her daughter is pretty too. Totoo kaya ang sinabi ni Aiko na kapamilya nila ang lalaking sinasabi n'ya? Dahil kung oo, he might be very handsome too.
We all went back to work after that lunch. Nag-ikot ako sa mga pasyente kong medyo masilan ang komplikasyon. I even visited Liza, the girl with a gunshot.
I entered her room and saw a guy leaning on Liza's bed. Natutulog ata. Is he a family or a boyfriend? Or maybe the guy that Aiko was talking about. Gusto kong silipin ang mukha n'ya but nah, I'm not nosy. Napapikit ako sa bango nito.
God, he smells so good.
I tried to hold back and checked the patient's vital signs, good thing they are all good kaya umalis din agad ako bago pa magising ang lalaking nagbabantay.
After our shifts, we separated ways. Sumakay sila sa mga kotse nila habang ako naman ay dumeritsu sa ducati ko. I'm not rich to buy this expensive vehicle, my father brought this for me. Para hindi ko na s'ya gagambalain pa, lalo na't may ibang pamilya na s'ya. He's a Russian so I got my foreign features from him. My mom is also half Russian.
Tinahak ko ang daan ng s'yudad patungo sa bahay namin. Nadaanan ko ang pangarap kong matrabahuan na ospital. Ang Ledisma's Hospital. Kilala ko naman ang may-ari and I am one of those people who planned on building that, pero gusto kong makapasok na gamit ang kakayahan ko at hindi ang koneksyon. It's just two years ago when this hospital was built. Sa tulong na din ng papa ni Lazi, nakapatayo s'ya ng hospital.
Doctors, nurses, and others wish to work at that hospital. Malago iyon at kompleto na ng mga makabagong teknolohiya na kagamitan.
Soon, I'll be working in that hospital.
Pagdating ko ng bahay ay hindi nakabukas ang ilaw. Wala si mama.
Pinasok ko sa gate ang motor at agad na bumaba. It's always been like this. I'll go home without seeing my mama and go to work without seeing her again.
She hates me. Sabi n'ya malas daw ako at pabigat. Kaya mula nang maghigh-school, sa tulong ni papa, nakapag-aral ako, kumuha ng scholarship para sa college, nag scholarship ulit para makapasok sa med school sa Singapore. And here I am now, successful but unhappy. Minsan, nagpapakita si mama para humingi ng pera sa'kin.
Kinabukasan ay pumasok ako ng trabaho nang hindi nakikita si mama. I am used to it. Pero masakit parin talaga lalo na't alam kong ayaw n'ya lang talaga akong makita.
"Good morning doctora! Flowers for you again!" Ningitian ko ang receptionist namin at lumapit para tanggapin ang bouquet ng tulips. Ibibigay ko ulit ito kay Aiko mamaya.
Kagaya ng nakasanayan, greetings lang din ang nakasulat sa card. Walang nakasulat kung kanino galing.
"Thank you."
"Ibibigay n'yo ulit 'yan kay Doc Aiko? Mahal ang tulips doc! Ibinta n'yo nalang." Tawa ni Mia, isang nurse. Nakitawa nalang ako at nagpaalam na aakyat na sa office ko.
I am cheerful, ganun ang pananaw nila. Kahit ang totoo ay magaling lang akong magtago ng problema. It's easy to pretend than to let everyone pity you. Ayaw ko ang kaawaan.
"Doc, mamaya na pala ia-announce ang mga makakapasok sa Ledisma's Hospital!" Excited na sabi ni Ria. Umagang-umaga pero nandito s'ya sa opisina ko.
"Nakapasa kaya ako?" Kinakabahan kong tanong. Umupo naman si Ria sa harap ng mesa ko.
"Pangatlong subok mo na 'to! Feeling ko talaga ngayon mo na matutupad ang pangarap na'to!" This is what I like about Ria and the others, they are supportive. Alam nila ang problema ko kay mama, alam din nila ang lahat ng tungkol sa'kin. Ako ang pinakabata saamin dito.
I smiled, somehow hoping.
Hapon nang pinatawag kaming lahat para ia-announce ang mga makakapasok sa Ledisma's Hospital. Nanlamig ang kamay ko at kinakabahan ako. Para akong lalagnatin sa kaba. This is my dream and I wish to pursue it now, marami pa akong gustong tuparin.
"Good luck, doc," Ren whispered at my side. Milo tapped my shoulder, Ria is hugging my arm, Aiko is whispering prayers beside Ria. Napangiti ako sa ginawa nila.
Parang pamilyang sumusuporta sa pangarap ko. I wonder how it feels to have my mother supporting me.
"So for now, we have ten applicants who passed. So congratulations." Mas lalo akong kinabahan. Noon ay labing lima o dalawampu ang nakapasa, mas kunti ngayon.
"For the nurses, we have seven, for the doctors, we only have three." Bahagya akong napayuko sa narinig. Wala na bang pag-asa?
"Wala pa nga, suko ka na agad?" Bulong ulit ni Ren. Napaangat ako ng tingin at napangiti sa kanya. I am grateful also that he did not confessed his clear feelings. Nanatiling magkaibigan parin kami gaya ng gusto ko.
"For nurses, we have Hadji Felias, Roxy Mae Roxas, Abegail Diola, Adilene Fellon, Ashley Jamen, Isaiah Laurea, Chary Hernandez." Claps and cheers boomed the room. Ang iba ay naiyak pa sa saya.
"For the doctors, well congratulations to you three, for the orthopedist, we have doctor Kathy Mariano." Napapalakpak ako at natuwa din. That's Ren's twin! Hindi lang kami magkasama dahil hindi malayo ang department namin. Halos tumalon pa sa tuwa ang katabi ko.
"Next, we have the youngest applicant, Doctor Akeira Go." Napatakip ako ng bibig sa gulat. My friends went wild while cheering, even my co-doctors and nurses. "You deserve it Doctor Go!" The announcer said.
Niyugyog pa ako ni Ria dahil sa saya. Hindi ko na narinig ang mga sinabi pa ng nag-announce dahil sa parang hindi pumasok sa utak ko ang lahat.
"This deserves a celebration!" Aiko shouted that everyone agreed. Napahinga ako ng malalim. Sa wakas. After the long wait, I'm finally stepping higher to reach my goal. I'm gonna be one of those high-caliber doctors in Ledisma's Hospital.
"Finally, Akeira! Next week nasa Ledisma kana! Huwag mo kaming kalimutan ha!" Iyak ni Ria. Natawa ako dahil sa sobrang lasing n'ya na.
"Dalhan mo kami ng pagkain sa day-off mo ha!" Iyak na din ni Milo. Natawa kami ni Ren dahil naiyak na din si Aiko.
I don't know too if I can leave them, pero gusto kong tumuloy. Nagkakasiyahan pa sila nang napagdesisyunan kong mag cr muna. My sight went blurry too, I'm drunk.
Marami akong nakabangga habang tinatahak ang pangalawang palapag ng bar. A girl bumped into me enough for me to lose my balance.
Muntik na akong matumba nang may dalawang braso ang sumalo sa'kin. That smell. That familiar smell. Napapikit ako sa bango nito. Saan ko pa nga ito na unang naamoy?
"Careful, lady." He whispered against my neck. Nanindig ang balahibo ko sa narinig. My eyes are half open but I still am aware that his hands are now caressing my waist and his lips are tracing my jaw.
Napasinghap ako nang sinikop n'ya ng halik ang labi ko. It was soft at first pero habang tumatagal ay lumalalim ito. He sucked my lower lip that made me moan. He then pushed his tongue inside my mouth, exploring every corner and I can't help but kiss him back. What the hell?!
This stranger dared to kiss me!