“For now, the statuses in your screen may increase by doing some simple tasks but, mind you all, this is just a temporary task and sooner or later, the real threat of the planet will show in your door step and I promise you, some of you may die—and will never be back.”
Ramdam na ramdam ko ang seriousness sa boses nito. Alam ko rin na hindi nagbibiro ang lalaking nagsasalita. Ngunit, ang tanong ko lang, saan niya nakuha ang mga impormasyon na ito? At paano niya na sabi na temporary lamang ang lahat? May koneksiyon ba siya sa gobyerno o may alam ba siya sa pwedeng mangyari sa mga susunod na araw?
Isa pa, ano ba iyong sinasabi niyang totoong threat sa earth? Hindi pa ba talaga tapos ang lahat? Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman gayong sobrang punong-puno na ang aking isipan ng mga impormasyon.
Kung kanina ay halos mawalan na ako ng pag-asa dahil hindi man lang ako nakahanap ng kahit ni isang impormasyon, ngayon naman ay halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa dami ng nalaman ko.
Hindi naman nagtagal ay nagtungo na ako sa kusina upang puntahan si Treyni na abala lamang sa pagkain.
"Akala ko ba ay may misyon ang guild? Bakit sarap na sarap ka sa pagkain diyan?" Tanong ko.
"Kailangan natin kumain, mukhang mahirap ang misyon na ito,"saad niya at kumain pa ng marami, umupo na lang ako sa kaniyang harapan at nagsimula na rin kumain. Marami nga itong pagkain na hinanda ni Treyni ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay bigla na lang nawala ang mga pagkain ng parang bula.
"Tara na,"aya niya. Tumango na lamang ako at sumunod na sa kaniya.
Tahimik lang namin tinatahak ang daan patungo sa kung saan ang gusali ng Guild. Ngayon ko lang na pansin, napaka-tahimik yata ni Treyni ngayon, hindi naman sa madaldal ito ngunit hindi rin ordinaryo para sa kaniya ang sobrang tahimik.
Ngayon ko lang rin na pansin na sobrang bigat ng atmospera sa bayan. Takot na takot ang mga mukha nito at parang aligaga sila sa kanilang paligid. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit parang may koneksyon ito sa gagawin namin na misyon ngayon, ngunit, teka nga. Paano ako napabilang sa kanilang misyon? Hindi naman ako kabilang sa kanilang grupo at isa lamang akong estranghero, maaring siguro ay iyong mga may kapangyarihan lamang ang pinatawag nilang lahat.
Hindi naman nagtagal at nakarating na rin kami sa harap ng Guild. Narito na rin ang apat pa namin na kasama at seryoso lamang itong nag-uusap. Hindi ko masiyadong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit sa tingin ko naman ay tungkol ito sa misyon na sinasabi ni Treyni.
"Lauriel!" Tawag ko rito, sabay-sabay na napatingin naman ang lahat sa akin at gulat na makita akong kasama ni Treyni.
"Ano ang ginagawa mo?" Tanong ni Lauriel sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko, "Sasama ka ba sa misyon?"
"Iyon ang sabi ni Treyni. Ginising lang naman ako nito bigla at inaya na mayroon daw tayong misyon na gagawin." Paliwanag ko sa kaniya.
"Ngunit hindi--,"hindi na natuloy ni Lauriel ang kaniyang sasabihin ng biglang magsalita si Treyni, "Hindi mo ba narinig ang anunsiyo ng puno ng Guild sa atin, alam mo na tanging si Kori lamang ang makakatulong sa atin upang matapos ang misyon na ito."
"Ngunit hindi siya kabilang sa atin! Maaring manganib ang buhay ni Kori!" Sigaw ni Lauriel.
"Hindi mo rin ba naisip ang buhay natin, Lauriel?" Sigaw pabalik ni Treyni.
Teka-teka, hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari sa kanila. Bakit ba bigla-bigla na lang may nagagalit? Bakit ganito na lang sila kung mag-usap, ano ba talaga ang misyon at tungkol saan?
"Tama na 'yan,"pigil ni Draco na naging dahilan ng pagtahimik ng dalawa. "Kailangan natin ang tulong ni Kori, totoo iyan, ngunit hindi naman natin ito mapipilit kung ayaw niyang sumama. Isa pa, hindi natin kasama si Kori sa ating grupo, kailangan muna natin itong tanungin kung papayag ba siya o hindi."
"Ano ba kasi ang nangyayari? Hindi ko maintindihan dahil puro lang kayo ang nag-uusap at wala man lang nag-abalang magpaliwanag sa akin,"sabi ko at bumuntong hininga.
Mas lalo lang kamo akong naguguluhan. May balak pa naman sana akong magpagkain sa mga tao sa likod ng mga malalaking building na ito ngayon ngunit dahil sa biglaang pagyaya ni Treyni ay hindi na yata matutuloy. Naiintindihan ko naman na may misyon, ngunit, ang tanong ko ay anong misyon ito. Kailangan kong malaman upang makapag-handa man lang. Papayag naman talaga akong tulungan sila, ngunit kailangan ko rin ng impormasyon bago ako sasabak sa labanan. Baka pagkarating namin doon ay mabibigla na lang ako na ganiyan pala ang kalaban namin, paano ko sila masu-suportahan at mapo-protektahan? Sana nga lang ay makinig ang mga ito at ipaliwanag na sa akin ang nangyayari sa bayan. Kung hindi ay baka mapilitan pa ako na umatras at matulog na lang.
"Makinig ka, Kori,"ani ni Draco at pumunta sa harap ko, huminga muna ito ng malalim bago ito nagpatuloy sa pagsasalita, "Mayroong binigay na misyon ang Guild sa lahat ng mga manlalakbay at mangagaso, isang misyon ngunit halos isang daan ka-tao ang kailangan upang maging matagumpay ito. Salamat sa iyo at bumalik na sa dati ang pamamalakad dito sa bayan."
"Ano ba ang tungkol sa misyon na ito at bakit napakaraming tao naman yata ang kailangan?" Tanong ko rito. Sa tingin ko ay hindi biro ang misyon na gagawin namin ngayon, kung ganito lang pala ito kadali ay hindi na sana kailangan ng isang daan ka manlalakbay upang matapos lamang ito.
"Mayroong sampung ginto bawat manlalakbay at mangangaso kapag na tapos ang misyon na ito,"saad ni Sam.
Sampung ginto? Hindi ba at masiyado naman yata itong malaki para sa isang misyon?
Teka, hindi.
Kung kailangan nila ng isang daan na tao upang makompleto lang ang misyon na ito at bibigyan man nila ang lahat ng mga tao ng ganitong kalaking pera, maaring isa nga itong misyon na napaka-komplikado tapusin. Ngunit ano naman ito?
"Sa isang lugar malapit sa lumang kastilyo ng Floridel, mayroong naninirahan doon na dragon." Paliwanag ni Draco.
Dragon? Ibig sabihin ba nito ay gusto ng guild na patayin namin ang dragon? Ngunit ano naman ang maitutulong ko?
"Matagal na ang dragon na iyon doon, tahimik lang naman ito at hindi nananakit, ngunit, nagulat na lang kami nang bigla na lang ito umaatake sa mga kalapit na bayan sa kaniyang pamamahay. Masiyadong delikado ang dragon na ito dahil bumubuga siya ng lason. Ilang manlalakbay na ang sumubok, at ilang manlalakbay na rin ang nabigo at namatay. Ang alam namin ay, ang bayan na natin ang susunod na punterya ng halimaw na dragon."
Dragon na bumubuga ng Lason? Teka? Mayro'n bang klaseng dragon? Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa ganitong klaseng halimaw. Ano naman ang laban ko doon at bakit kailangan pa nila akong idamay? Hindi kaya ay gusto lamang nila akong tumulong na mawalang bisa ang lason na tatama sa kanila?
"Ano naman ang gagawin ko? Bakit sinali ako ni Treyni sa misyon niyo?" Tanong ko sa kanila, tinignan ko naman ang lahat ngunit sabay-sabay lamang silang umiwas ng tingin. Paano ko nga ba talaga sila tutulungan kung hindi naman kompleto ang paliwanag nila sa akin? Kung ganito lang naman sila palagi?
"Ang lason ng dragon na iyon ay walang epekto sa mga taong may kapangyarihan na katulad mo,"paliwanag ni Lauriel, kapangyarihan na katulad ko? Itong kapangyarihan na kayang gumamot ng ano mang sakit? Wala naman akong kakayahan na mapawalang-bisa ang lason sa akin ah?
"Hindi ako sigurado sa sinasabi mo, hindi ko pa nasubukan na uminom ng lason o nagkaroon ng kalaban na may lason na kapangyarihan,"saad ko at kunot-noong tinignan silang lahat. Huminga naman ng malalim si Lauriel at lumapit sa akin atsaka hinawakan ang dalawa kong balikat. Seryoso lamang itong nakatingin sa aking mga mata bago ito nag-salita.
"Sa totoo niyan ay may kakayahan ka sa bagay na iyan. Lahat ng mga taong may kakayahan na kagaya sa iyo ay hindi tinatablan ng mga lason. Kaya mo rin protektahan ang mga taong nasa paligid mo,"paliwanag nito.
Seryoso ba siya? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito noong panahon na kung saan nag-eensayo pa lamang ako sa mundo nila Brother Nani. Hindi talaga ako sigurado kung totoo ba talaga ang sinasabi ng mga taong ito o nagsi-sinungaling lamang sila upang sumama ako at tulungan ko ang mga ito, pero kung totoo man na nagsisinungaling sila ay panigurado mawawalan na ako ng tiwala sa mga taong nandito. Medyo may punto naman ang sinabi nila sa akin, ngunit nagda-dalawang isip pa rin ako maniwala. Paano kapag hindi pala totoo, mamatay ako lugar na ito ng wala sa oras?
"Paano ko naman paniniwalaan ang sinabi niyo?" Tanong ko rito, "Hindi ko alam kung nagsasabi ba talaga kayo ng totoo tungkol sa bagay na iyan. Oo at kaya ko nga mapawalang-bisa ang lason na itatama sa akin ngunit hindi ko naman kayo mapo-protektahan, at kung kaya ko man ay ako naman ang matatamaan ng lason."
Nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan ni Treyni sa isang kamay ko at tinignan ako ng seryoso. Mali pala ako, tinignan ako nito gamit ang mga nagmamaka-awa nitong mga mata.
"Magtiwala ka, Kori, ayaw din namin malagay ka sa kapamahakan kung kaya ay nagtanong-tanong kami ng mga impormasyon sa ibang tao." Saad ni Lauriel, "Alam ko na mahirap paniwalaan ngunit sigurado kami sa sarili namin na totoo talaga ang sinasabi namin at wala itong bahid na kahit anong kasinungalingan."
Mahirap naman talaga paniwalaan ang tungkol sa bagay na ito. Naka-salalay na ang buhay ko sa tulong nila, oo nga at protektado ako kapag sasama ako sa mga ito ngunit hindi naman nila ako kayang protektahan kapag tungkol na sa lason.
Nanatili lamang akong tahimik at hindi makapagsalita sa kanila. Nagdadalawang isip akong tulungan sila dahil na rin sa nalaman ko patungkol sa lason. Gusto ko man tumulong sa kapwa ko ay mahirap naman kapag namatay ako. Kapag nawala ako sa kalagitnaan ng away ay maaring ikamatay ito ng mga taong 'to.
Napatingin naman ako kay Lauriel at Draco, na nag-aalala na nakatingin sa akin. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman nila, gusto nila akong sumama upang ligtas silang makaka-uwi sa kanilang mga tahanan. Paano na lang sina Freya at Driel? Paano na lang ang kanilang mga anak? Maiiwan na naman sa kanilang bahay na mag-isa?
Napatingin naman ako kay Sam, malungkot lang itong naka-tingin sa isang tabi na kung saan mayroong isang babae na may karga-kargang bata sa kaniyang mga bisig at umiiyak ito. Iyon siguro ang kaniyang asawa at anak, maiiwan na naman ulit sila dahil makikipaglaban na mana ang kaniyang asawa upang magkaroon ng makakain sila araw-araw.
Lumingon naman ako kay Nola at Treyni, tahimik lamang itong nakatingin sa akin ngunit bakas pa rin sa mga ekspreyon nito ang pagmamakaawa
"Maari ka bang sumama sa amin, Kori?" Tanong ni Lauriel at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Huwag kang mag-alala, totoo naman lahat ang sinabi ng mga kaibigan mo."
Sabay-sabay naman kaming napalingon sa taong kararating lang at naka-suot ito ng makapal na balabal. Tumigil ito sa harapan namin at ngumiti.
"Hindi mo man ako kilala ngunit magkapareho naman tayo ng kapangyarihan,"paliwanag niya.
"Ano ang ibig mong sabihin na totoo ang sinasabi nila?" Tanong ko rito. Magkapareho ng kapangyarihan? Bakit hindi ko alam na may naninirahan pala dito na manggagamot sa kanilang bayan? Akala ko ay wala, ngunit may naalala rin ako na sinabi ni Treyni na may manggagamot dito na napaka-mahal ng singil sa bawat pagpa-pagamot. Ito kaya 'yong taong iyon?
"Kahapon lang ay pumunta ako sa lugar kung nasaan ang dragon na iyon, naroroon pa rin naman ito ngunit sa tuwing bumubuga ito ng lason ay wala lang itong epekto sa akin,"sabi ng matanda, "Tanging sa ibang manlalakbay lamang nagkakaroon nang epekto ng lason. Bakit? Dahil sa kakayahan natin na mapawalang bisa ang lason sa kahit ano mang inumin na mayroon ang ating pagkain o iniinom."
"Kung gayon ay pwede ko silang suportahan sa kanilang laban sa dragon?" Tanong ko rito. Tumango naman ang matanda atsaka tumalikod na.
"Maari, maari mo rin silang protektahan ng iyong kapangyarihan upang mapawalang-bisa ang lason na pupunta sa kanila,"huling sabi nito bago umalis at nawala sa aming paningin.
Akala ko ba ay hindi masiyadong malakas ang kanilang manggagamot dito? Bakit pakiramdam ko ay iniipit ako ng kapangyarihan nito.
"Sino 'yon?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi rin namin alam, ngunit, iyon yata ang sinasabi nilang manlalakbay din na tulad mo na tumutulong sa mga tao na nangangailangan,"paliwanag ni Lauriel. Tumango lamang ako habang nakatingin pa rin sa daan kung saan umalis ang matanda.
Dahil ba sa paglalakbay niya ay ganoon na lang siya lumakas? Paano niya kaya iyon nagagawa, at bakit pakiramdam ko ay may nakamasid na naman sa akin?
"Ano ang desisyon mo Kori?" Tanong ni Lauriel.
"Kung hindi mo talaga kaya ay hindi ka na namin pipilitin,"ani ni Treyni, "Ito ang susi sa bahay. Maari mo itong gamitin kapag naisipan mong magpahinga roon o kapag ayaw mong lumabas."
Nakatingin lamang ako sa susi na inilahad ni Treyni atsaka umiling. Gusto kong sumama at tulungan sila, naging duwag lang ako kanina kaya ganoon ang nangyari. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Lauriel at tinulak ang kamay ni Treyni.
"Ano ang ibig mong sabihin,"tanong nito.
"Tara na at baka kapag mas lalo tayong tumagal ay maraming inosenteng tao ang madamay,"sabi ko at ngumiti sa kanila.
"Naiintindihan namin, Kori, pasensiya ka na at pinilit ka namin,"sabi ni Lauriel at yumuko ngunit hindi naman kala-unan ay unti-unti nitong itinaas ang kaniyang ulo habang nanlalaki ang kaniyang mga mata, "Tek, ano?"
"Sabi ko, tara na at baka marami pang madamay na tao kapag mas lalo tayong nagtagal,"paliwanag ko atsaka ngumiti sa kanila. Nagulat naman ako ng bigla na lang ako dambahin ng yakap nila Lauriel at Treyni atsaka paulit-ulit na nagpapasalamat.
"Kung gayon ay wala na tayong ibang rason upang mas lalo pa tayong tumagal,"ani ni Draco, "Tara na at magsimulang maglakbay."
Tumango lamang ako at sumunod na sa kanila. Nakita ko pa ang pagbago ng ekspreyon sa mga mata ni Nola at halatang-halata sa gawi ko ang naka-ngiti nitong mga labi kahit tinatakpan pa ito ng makapal na tela na iyan.
"Handa na ba kayo?" Tanong ni Draco.
"Oo!" Sigaw namin lahat at nagsimula na kaming maglakad patungo sa kung saan man ang dragon na iyon. Ito ang pangalawang misyon na matatanggap ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa oras nandoon ako ngunit kailangan ko itong gawin upang matulungan ang mga tao.
Isa pa, kailangan ko rin balikan ang mga tao sa likod ng mga gusali ng bayan. Gusto ko pa silang bigyan ng pagkain at gamutin nang sa gayon ay makahanap sila ng pagkukunan ng pera.
Tahimik lang namin binabaybay ang daan patungo sa lugar na kung saan naroroon ang dragon, at habang papalapit na ang kami sa pugad ay mas lalong bumibigat ang atmospera ng hangin sa paligid. Nagsimula na rin umubo ang mga kasama ko kung kaya ay agad kung pinikit ang aking mga mata at itinaas ang aking kamay.
"By the power that is bestowed in me, I command thee to cover thy people with your shield of immunization in poison. venenum praesidium!"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla na lang may lumabas na malaking bilog sa ibabaw namin at tatlong tatsulok na patuloy lamang sa pag-ikot sa isa't-isa at umiilaw ito ng kulay lila. Ilang sandali pa ay bigla na lang kaming pinalibutan ng kulay na iyon at hindi naman nagtagal ay nawala na ang bilog.
"Hindi ko na maramdaman ang lason,"ani ni Lauriel.
"Pakiramdam ko nga ay parang hindi tayo nahihirapan huminga kanina,"dugtong naman ni Draco at tumingin sa akin, "Salamat Kori."
Ngumiti lang ako sa kanila at tumango, nagpatuloy na lang kami sa paglalakbay nang sumabay si Treyni sa akin.
"Para saan 'yong sinabi mo?" Tanong ni Treyni.
"Isang spell lamang iyon upang mapawalang-bisa ang lason na nakapalibot sa atin,"sabi ko.
"Lason? Ganito pa tayo kalayo ngunit may lason na?" Gulat na tanong ni Treyni sa akin, tumango lamang ako sa kaniya at seryosong napatingin sa harap.
"Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay napaka-lakas ng dragon na ito." Sabi ko, "Hindi rin biro ang lason na binubuga nito sa atin sapagkat, napaka-lakas ng enerhiya ng kaniyang mga lason."
Itinaas ko naman ang aking kamay at hinawakan ang ere kung saan dumadaloy ang enerhiya ng lason.
"Teka, nakikita mo ang enerhiya?" Tanong ni Treyni.
"Lahat naman yata,"tugon ko at tinignan siya ngunit labis naman ang aking pagtataka nang bigla na lang itong umiling.
"Hindi lahat ay kayang makita ang enerhiya sa dalawang mata. Siguro ay napakalalim ng pagkaka-intindi mo sa iyong kapangyarihan kung kaya ay naging ganiyan,"paliwanag ni Treyni, "Ano ba ang klaseng ensayo ang mayroon ka sa inyong lugar?"
Nagkibit balikat na lang ako at ngumiti sa kaniya bago tumahimik. Ayaw kong magsalita tungkol sa bato na iyon, hindi naman sa madamot ako kung hindi ay iyon ang sekreto ng aking Sister, hindi ko kayang mawala ang tiwala ni Sister sa akin.
"Nandito na tayo,"sabi ni Draco at itinaas ang kamay upang tumigil kaming lahat. Pumunta na kaming lahat sa pwesto namin isa-isa atsaka hinanda na ang aming armas sa posibleng mangyari.
Ilang sandali pa ay nawala na rin ang mga usok ng lason sa aming paligid at bigla na lang humangin ng malakas at sumigaw ang isang malaking dragon sa ibabaw namin.
"Lauriel!" Sigaw ni Draco, tumango lamang si Lauriel at agad na may ibinulong atsaka bigla na lamang siyang lumipad sa hangin. Patuloy lang ito sa pagtakbo papunta sa dragon at noong makalapit na ito ay bigla na lang siyang binugahan ng lason ngunit, labis naman ang gulat ko nang bigla na lamang itong nawala at ibinaon ang espada niya sa mata nito.
Bigla na lang sumigaw ang dragon atsaka bumalik na sa kaniyang pwesto si Lauriel.
"Mukhang masama 'to,"ani ni Sam, "Pero, salamat Lauriel."