Kumuha ako ng isang notebook at ballpen at sinimulang mag-take note ng mga bagay na sigurado akong magagamit. Habang nakikinig sa sinasabi ay patuloy lang din ako sa pagsusulat.
“A player like you or like any other of us, can grow and earn experience by doing simple tasks. For students, doing school activities and home chores.”
Biglang dumaan sa aking isipan ang aking narinig na usapan ng dalawang estudyante habang patungo ako sa mall. Isa nga ito roon.
“For the workers, just by doing their daily routines at work, they can also earn experiences and grow. However, players will not earn experiences by killing someone. They may have the money of the player but the authorities will surely catch them. Such as these videos.”
Bigla na lang may lumabas na isang video na kung saan ay mayroong lalaking nakayuko lamang na naglalakad sa isang tabi nang bigla itong binangga ng isang malaking lalaki. Sa isang iglap lamang ay bigla na lang nagkaroon ito ng posas sa kaniyang mga kamay na labis kong ipinagtataka.
How did he do that?
Tumango lamang si Lauriel at agad na naman nawala sa pwesto niya at umatake ulit, ngunit, hindi na umepekto ang kaniyang ginawang galaw kanina dahil bigla na lang itong tinamaan ng buntot ng dragon na naging dahilan ng paglipad niya patungo sa isang malaking puno.
Agad kong pinikit ang aking mga mata at itinuon ito kay Lauriel.
"Farmakeftikós."
Dahil din sa ginawang pagtama nito sa punong kahoy na iyon ay siya naman ang pagkawalang bisa ng spell na ibinigay ko sa kaniya. Ipinikit ko na naman ulit ang aking mga mata at itinuon sa kaniya ang dalawa kong kamay.
"By the power that is bestowed in me, I command thee to cover thy people with your shield of immunization in poison. venenum praesidium!"
Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik na rin sa wakas si Lauriel sa kaniyang pwesto ng parang walang nangyari. Kailangan ko suportahan ang mga ito ng mana, ngunit kailangan ko rin mag-ingat kung hindi ay maaring mapawalang-bisa ang proteksyon na ibinigay ko sa kanila at baka sabay-sabay kaming mamatay rito.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at may sinabi na spell. "Salamat, Kori,"sabi ni Draco, "Ngayon hayaan mo kaming labanan ang halimaw na iyan."
Sabay-sabay na umalis ang tatlo sa harap namin ni Treyni. Ako sa paggamot at proteksyon sa lason, habang si Treyni naman ang pagpapatibay ng ma panangga ng mga ito at pagbigay ng suporta sa bilis. Patuloy lamang sila sa paglalaban-laban sa dragon, ngunit mukhang wala pa rin itong epekto.
Pinatamaan ito ni Draco ng kaniyang kapangyarihan na apoy, habang pinpo-protektahan naman ni Sam si Draco sa mga possibleng atake ng dragon. Habang si Nola naman ay bigla-bigla na lang nawawala at ilang sandali pa ay maririnig na lang namin ang sigaw ng dragon. Ano ba ang ginagawa ni Nola?
Sabay-sabay lamang na umatake ang lahat dito at mukhang magiging matagumpay yata kaming lahat ngayon.
Iyon lang pala ang inakala ko.
Bigla na lang lumipad pa-itaas ang dragon at susundan na sana ito ni Lauriel ng bigla na lang itong huminga ng malalim at unti-unting bumubuon ang ilang matatalim na bagay na gawa sa yelo sa kaniyang tabi. Hindi ko alam kung ilang daan ito, ngunit ang masasabi ko lang ay napakarami nga nito.
"Dito sa likod ko!" Sigaw ni Sam at nagmamadaling pumunta ang tatlo sa likod ni Sam.
"Tibayin mo ang panangga ko, Treyni!" Sigaw ni Sam.
"By the power bestowed in me, may the power of shield be strengthened by thee! provectus clypeus!" Sigaw ni Treyni at bigla na lang nagkaroon ng limang proteksyon sa harap ng panangga ni Sam at ganoon din sa amin. May ilang tumama sa amin ngunit hindi ganoon karami, hindi ko alam kung sinadya ba ito ngunit kitang-kita ko kung paano maglaho ang ilang yelo na papunta sa amin.
Nang matapos ang ginawa nang dragon at inulit pa niya ito hanggang sa tuluyan ng natumba si Sam at tumilapon ang mga kasama nito, habang si Treyni naman ay napa-upo sa sahig at nanghihina.
"Nawalan na ako ng mana, hindi ko na kaya,"saad nito.
"Hindi ba at binigyan ko kayo ng mana?" Tanong ko rito.
"Mukhang may limitasyon lang kung hanggang saan ang mabibigay mo kapag marami kami,"paliwanag niya at napahiga. Hinawakan ko naman ang likod nito at tinignan din ang iba.
Ano na ang gagawin ko? Hindi ko naman kaya talunin ang dragon na iyan.
Teka.
"Fengari?" Tawag ko sa aking Familiar.
"Opo, Mahal na Prinsesa?"
"Maari mo bang talunin ang dragon na iyan?"
"Walang problema po sa akin 'yan, isa lamang 'yan sa mga mababang uri namin. Tawagin niyo lang po ako at ako'y dadating."
Tumango lamang ako.
"Kori, tulungan mo sila,"nanghihinang sabi ni Treyni.
"Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanila, maliwanag?"
"Ngunit, paano sila?" Tanong nito.
"Dadalhin ko sila rito,"sabi ko at tumayo na. Nakita ko ang paglipad ng dragon pataas at hindi ko alam kung ano ang gagawin nito. Maaring may pina-plano na naman itong atake, kung kaya ay kailangan kong magmadali upang maprotektahan ko ang mga kaibigan ko. Paisa-isa kong dinala ang mga ito papunta sa kung nasaan si Treyni. Ilang sandali pa ay na dala ko na rin silang lahat atsaka ako huminga ng malalim.
Napa-hawak pa ako sa aking braso dahil sa bigat ng mga ito. Medyo nangangalay na talaga ang mga braso ko ngayon. Tinignan ko naman ang dragon sa itaas at nakita itong humihigop ng hangin at ginagawa itong lason.
Ipinikit ko ang aking mga mata at itinuon ang aking mga kamay sa gawin nila. Kailangan ko munang magamot ang mga ito bago ko sila protektahan ng mas mabisang proteksyon.
"Farmakeftikós."
Unti-unti na naman nagkaroon ng bilog sa ibabaw ng mga ito. Sunod naman na ginawa ko ay ang paglagay ng proteksyon sa kanila laban sa malaking buga ng lason na iyan.
"By the power that is bestowed in me, I command thee to cover thy people with your advanced shield of immunization in poison. venenum praesidium!" Sigaw ko.
Unti-unti naman nagkaroon ng malaking bilog sa ibabaw ng mga ito at kasabay din nito ang pagkawala ng berdeng kulay na bilog. Ilang sandali pa ay unti-unting may nahuhulog na mga maliliit na bagay na kumikislap mula sa bilog papunta sa kanila at sa tuwing tumatama ito sa ano mang bahagi ng kanilang katawan ay nagkakaroon sila ng parang proteksyon. Isang napaka-kapal na proteksyon, halos mapa-upo pa ako nang maramdaman ko ang panghihina mula sa aking katawan.
Ang alam ko ay malapit ng maubos ang mana ko, kung kaya ay maaring mawalan ako ng malay ano mang oras mula ngayon. Napahawak pa ako saglit sa aking ulo bago ko narinig ang mahinang daing ng mga kasama ko. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanila na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa paligid.
"Kori!" Sigaw ni Treyni,ngunit, hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na patungo sa harap ng dragon. Malaki na ang naipong enerhiya nito, ngunit walang mas malaki sa Familiar ko.
"Iyan lang ba ang kaya mo?" Sigaw ko sa dragon.
"Kori! Ano ang ginagawa mo!" Sigaw ni Draco. "Umalis ka riyan!"
Kapag aalis ako rito ay maaring ito na ang huling araw na magkikita kaming lahat. Hindi lamanga ako ang mamamatay, kung hindi ay pati na rin silang lahat. Huminga muna ako nang malalim bago itinaas ang aking kamay.
"Ano sa tingin mo ang kayang gawin ng isang mahinang tao na katulad mo?" Tanong nang dragon, nagulat pa ako noong una kong marinig ang boses nito, ngunit naalala ko na nagsasalita nga pala si Fengari.
"Wala akong magagawa, ngunit ang aking Familiar ay mayro'n!" Sigaw ko rito.
"Kori!" Sigaw nang mga ito ng makitang tinapon ang malaking bola ng lason papunta sa akin.
"Fengari!" Sigaw ko.
Isang malakas na sigaw nang isang halimaw ang narinig naming lahat. Kung hindi lang ako sanay sa boses ni Fengari ay maaring ako ay nanginig na rin sa takot. Naalala ko pa noong panahon na kung saan, kailangan kong amuhin ang dragon na ito upang maging Familiar ko lang.
Naulit pa ng ilang beses ang sigaw na iyon bago dumating ang isang napaka-laking dragon. Mas malaki pa sa dragon na kinakalaban namin ngayon. Sa tingin ko ay apat na dragon na bumubuga ng lason ang kailangan upang maging katumbas sa laki ni Fengari.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko na gulat na gulat na nakatingin sa dragon ko. Halos mapa-upo ang mga ito habang tulala na nakatingin sa kaniya.
"Lauriel!" Tawag ko sa kaniya. Lumapit na ako sa kanila at tinignan ang kanilang kalagayan.
"Kamusta ang inyong pakiramdam?" Tanong ko sa mga ito, tinuro naman ni Lauriel ang dragon ko na ngayon ay nakikipaglaban sa isa pang dragon. Sobrang kawawa ng dragon na iyon dahil lagi lang itong tinatamaan ng mga tinatapon ni Fengari. Napa-iling na lan ako nang marinig ko ang boses ng alaga ko.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makipag-laban ulit, salamat sa iyo, Mahal na Prinsesa,"Saad nito.
"Huwag mo lang masiyadong tagalan. Gusto ko nang matapos ang dragon na iyan dahil gusto ko ng magpahinga." Sabi ko.
"Masusunod po."
"Kori, nakikita mo ba ang nakikita namin?" Gulat na tanong ni Treyni.
Alam ko naman na gulat ang mga ito ngunit hindi ko naman inaasahan na matatagalan pa pala bago ito bumalik sa kanilang wisyo.
"Alam ko, at nakikita ko silang dalawa,"tugon ko.
"Ngunit bakit parang wala ka lang, atsaka isa pa, bakit nag-aaway ang dalawang dragon?" Gulat na tanong ni Draco.
"Hindi ba 'yan 'yong sinaunang dragon? Ang isa sa mga kapangyarihang dragon sa kasaysayan?" Tanong ni Sam.
Sinaunang dragon at ang pinakamakapangyarihan? Paano magiging makapangyarihan ang alaga ko na iyan?
"Ano ang ginagawa niya rito? Ito na ba ang uling araw na mabubuhay tayong lahat?" Tanong ni Lauriel at nagsimula nang umiyak, "Iyong mga anak natin Draco."
"Huwag kang mag-alala, po-protektahan ko kayo,"ani ni Draco. Napa-hilamos naman ako sa mukha dahil sa mga reaksiyon ng mga ito. Seryoso ba talaga sila sa kanilang mga sinasabi? Hindi ba nila na pansin ang pagtawag ko kay Fengari? Kung gayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganiyan na lang ang kanilang mga reaksiyon, naku naman itong mga taong ito, oo.
"Kumalma nga muna kayo,"sabi ko at hinila si Treyni upang umupo. Ganoon din ang ginawa ko sa dalawang lalaki at kay Lauriel. "Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba kayo o talagang seryoso kayo sa sinasabi niyo."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Nola, "Sa tingin mo ba ay may oras pa kaming magbiro kung ang dragon na iyan ang makakalaban natin? Wala na tayong laban, talo na tayo."
Natahimik naman ang lahat sa sinabi ni Nola, habang si Lauriel naman ay nanatiling umiiyak sa mga bisig ng kaniyang asawa na si Draco. Huminga na lang ako ng malalim at pumunta sa kanilang harapan.
Sakto naman ang pagsigaw ni Fengari nang pagkalakas-lakas at pagbagsak ng dragon na iyon sa lupa.
"Hindi naman po ito masiyadong malakas."
"Natakot ang mga kasama ko sa iyo, maari ka bang pumunta rito?" Tanong ko rito, sumang-ayon naman si Fengari at nakita ko na lang itong lumilipad papunta sa amin.
"May mga Familiar ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Mayro'n,"tugon ni Treyni, "Ngunit hindi lang namin ito palaging kasama dahil hindi naman namin ito laging tinawag, bakit?"
"Papunta rito ang dragoon!" Sigaw ni Lauriel habang nakaturo kay Fengari na papunta rito sa amin. Agad naman na naag-posisyon ang lima at handang-handa ng umatake.
"Ano pa ang hinihintay mo, Kori? Pumunta ka na sa likod!" Sigaw ni Lauriel. Bumuntong hininga na lang ako atsaka umiling.
Lumapag naman si Fengari sa aking harapan atsaka yumuko.
"Mahal na Prinsesa,"bati ni Fengari.
Lumapit naman ako sa kaniya at ngumiti sabay haplos sa kaniyang ilong. "Ang galing mo makipaglaban,"sabi ko.
"Salamat po, Mahal na Prinsesa."
"Salamat, Fengari,"sabi ko.
"Mahal na Prinsesa?" Tanong ni Draco. Lumingon naman ako sa kanila na ngayon ay umayos na ng tayo at gulat na nakatingin sa amin.
"Hindi ko rin alam kung bakit ako tinatawag ng mahal na Prinsesa nitong alaga ko,"sabi ko, "Ngunit hinahayaan ko na lang siya dahil doon siya komportable. Kumalma lang kayo, hindi siya nananakit."
Ibinaba naman nilang lahat ang kanilang mga sandata at nanatiling nakatayo pa rin sa kanilang pwesto. Ayaw yata nilang gumalaw o lumapit sa dragon ko.
"Takot yata sila sa iyo?" Bulong ko kay Fengari.
"Isa ako sa mga kinatatakutang dragon ng mga tao, Mahal na Prinsesa. Maaring ito ang rason kung bakit ganito na lang ang kanilang takot,"saad ni Fengari.
"Kaya pala."
Hinaplos ko lang muli sa huling pagkakataon ang ilong nito bago ako nagpasalamat atsaka nagpaalam. Ilang sandali pa ay nawala na si Fengari sa harap ko at nawala na rin ang lason sa paligid namin.
"Kori? Sino ka ba talaga?" Tanong ni Treyni. Lumapit naman ako sa kanila at ngumiti.
"Si Kori, ang manggagamot,"sabi ko.
Hindi pa rin maka-galaw ang mga ito dahil sa gulat. Napapa-iling na lang ako at lumapit sa bangkay ng dragon na ngayon ay halos hindi na makilala ang mukha. Sunog ang ilang parte ng balat nito at sirang-sira ang kaniyang mukha. Ano ba ang ginawa ni Fengari sa halimaw na ito? Mukhang gigil na gigil yata ito sa pagpatay sa dragon. Hays.
"Hindi pa ba kayo kikilos?" Tanong ko sa kanila. Na gising naman ang mga ito at agad na lumapit sa dragon at kinuha ang ilang mga bagay na magagamit at mabebenta sa bayan, habang kinukuha ko ang ilang kaliskis ng dragon ay lumapit naman si Treyni at Lauriel sa akin.
"Kori,"tawag ni Lauriel, lumingon naman ako sa kanila at ngumiti.
"Bakit?" Tanong ko.
"Paano mo napa-amo ang isang makapangyarihang nilalang na iyon?" Tanong ni Treyni at kinuha ang ilang mga kaliskis.
"Nakalimutan ko na eh, pero sa pagkakatanda ko ay napaka-hirap ng aking pinagdaanan para lang maging Familiar ko siya,"tugon ko, "Bakit?"
Nagkatinginan naman ang dalawa atsaka tumango, "Hindi kasi namin maisip na ang isang sinaunang dragon ay makikita namin harap-harapan. Akala namin ay hindi talaga ito totoo dahil kahit saan na kami pumunta, wala talagang dragon na katulad niya."
Paano niyo naman makikita ang dragon na iyan kung nasa ibang mundo naman ito namamalagi? Hindi ko rin alam kung possible para sa inyo na pumunta sa ilalim ng dagat at pumunta sa Daloy ng Enerhiya.
Tumahimik na lang ako at hindi na ito sinagot pa. Kung sasabihin ko sa kanila kung paano ko nakuha si Fengari ay maaring malaman ng mga ito ang tungkol sa bato na nasa likod ng simbahan namin.
"Kung may dragon ka pala na kaya kang protektahan Kori, bakit hindi mo ito pinalabas sa tuwing hinahabol ka?" Tanong ni Lauriel at tumigil sa ginagawa niya.
Napalingon naman ako sa mga lalaki na ngayon ay abala na sa paghuhukay upang doon ilibing itong dragon at maiwasan itong mabulok.
"Sana ay ganoon lang ito kadali,"sabi ko at bumuntong hininga.
Naisip ko na rin ang bagay na iyan. Iyong ilalabas ko ang dragon sa oras na may humabol sa akin, ngunit paano ko naman ito magagawa kung kapag may nakakita sa dragon ko ay maari itong patayin ng ilang mga mangangaso? Maari rin itong magsimula ng gulo sa isang bayan.
"Kung sabagay,"sabi ni Treyni, "Napakalaki nga naman ng dragon mo. Kung iyon ay dadalhin mo sa aming bayan ay panigurado wala nang taong magsisilbasan sa kanilang pamamahay."
"Kaya nga,"tugon ko.
"Kaya mo ba itong kontrolin lagi?" Tanong ni Lauriel at nagsimula nang maglakad papunta sa isang puno na kung saan naroroon ang aming mga gamit. Umupo na lang kami sa ilalim ng punong ito at hinayaan na ang mga lalaki na tapusin ang pagliligpit ng bangkay.
"Hindi naman matigas ang ulo ni Fengari, tahimik lamang ito lagi sa kaniyang tahanan at kinakausap lang ako nito kapag may nararamdaman itong panganib sa paligid." Sabi ko.
"Binabalaan ka?" Gulat na tanong ni Treyni. Tumango lamang ako sa kaniya bilang tugon.
"Ang galing."
Nagpatuloy lamang kami sa pagkwe-kwentuhan dito sa ilalim ng puno patungkol kay Fengari. Lumipas naman ang ilang oras at malapit na ang umaga tsaka na tapos ang mga lalaki sa paglibing ng dragon na iyon. Sobrang pagod ng mga ito kung kaya ay bigla na lang silang natumba sa harap namin at nawalan ng malay.
"Mukhang pagod na pagod ang mga lalaki natin ah?" Saad ni Lauriel at lumapit kay Draco upang tulungan ito, samantalang si Treyni naman ay lumapit kay Sam. Habang ako naman ay agad akong lumapit kay Nola na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sahig. Inayos ko na lang ang pagkakahiga niya at kinuha ang kumot sa isang tabi, binalutan ko ng kumot ang kaniyang katawan at hinayaan itong humiga sa aking mga hita. Wala naman sigurong masama kapag ito ang ginawa ko hindi ba? Kitang-kita ko kasi ang pagod sa mukha nito at ang pagkahindi komportable sa kaniyang posisyon.
"Ngayon lang kita nakitang nag-alala ng sobra, Kori,"ani ni Treyni. Napalingon naman ako sa dalawa na pareho lamang sa posisyon ko. Nakahiga sa kanilang mga hita ang mga lalaking pagod na pagod sa kanilang trabaho.
"Naaawa lang ako,"tugon ko rito at umiwas ng tingin.
"Mabait naman iyan si Nola, tahimik nga lang,"ani ni Lauriel.
"Ano naman ang pake ko sa kaniya?" Tanong ko. Hindi ko maitatanggi na nagsisimula nang uminit ang aking mukha at medyo lumalakas na ang pagkabog ng aking puso. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Nanatili lamang kaming tahimik lahat, ngunit nagtaka naman ako na lumipas na lang ang halos isang oras ay hindi pa rin nagsasalita ang dalawang babae. Paglingon ko sa kanila ay doon ko lang nakita na natutulog na rin pala ang mga ito, ngayon ay ako na lang pala ang naiwang gising sa aming lahat. Hindi ako pwedeng matulog dahil kailangan ko silang bantayan, maaring mayroong mga hayop sa paligid at bigla na lang akong aatakihin.
Napatingin naman ako sa taong nakahiga sa hita ko nang bigla na lang itong gumalaw, na naging dahilan ng pagtanggal ng nakatakip sa kaniyang mukha. Halos magulat naman ako sa ganda ng kinis ng mukha ng lalaking ito.