“Just a piece of reminder, never to kill anyone or else you will suffer more.”
No one likes killing, who would dare to kill someone? Maybe someone who has grudge to someone but not us.
“Also, players, as you can see, may earn golds that is worth a million dollars. However, this will vary per person and the tasks that he or she is in. Can you believe that? This type of game is supposed to be a fantasy but why did this all became our reality? Would you dare to accept this?”
Anyone who loves money like me, would really dare to accept this kind of situation but for me. I don’t think that this would be a great idea.
“What I want to warn to all of you who can watch this video is, be wary to everything. Be careful in everything, sooner or later, the real hell will start and you will never love it. Money may be tempting but one day, you will wish that everything will be back to normal. Remember the keys.”
Here we go again.
Alam kong mahina lamang niyang sinabi ang huling pangugusap at dahil nga sa nakasuot ako ng headset ay rinig na rinig ko ito.
Ngayon ko lang din na pansin ang mahahabang pilik mata niya. Guwapo pala itong si Noli? Kung sabagay ay hindi ko talaga malalaman dahil lagi naman may naka-takip sa mukha nito.
Hindi ko na pansin na masiyado na pala akong matagal na nakatitig sa kaniya, at hindi ko na pansin ang mga magagandang mata nito na nakatitig na sa akin pabalik.
"Magandang umaga,"bati nito gamit ang kaniyang bagong gising na boses.
Teka, bakit ang guwapo niya talaga tingnan. Bigla naman itong napahawak sa kaniyang panyo na nakatakip sa kalahati ng kaniyang mukha atsaka tumayo at tinali.
"Huwag na huwag mong sasabihin sa kung sino man ang nakita mo,"ani ni Nola atsaka ito umalis. Gulat pa rin ako sa aking nakita at hindi ko alam kung ano dapat ang sasabihin ko.
Bakit bumibilis itong pintig ng puso ko? Bigla naman akong napahawak sa aking dibdib atsaka bumuntong hiniga. Mukhang kailangan ko ng kumain ngayon ah?
Tumayo na ako atsaka nag-unat, bago naglakad patungo sa gubat upang maghanap ng pwedeng kakainin. Napakaraming prutas na naririto sa gubat na ito, hindi ko na nga alam kung ano ang kukunin ko. Nagsimula na akong umakyat sa mga puno kahit nahihirapan upang may maibigay lamang na pagkain sa mga kasama ko.
"May nakamasid na naman sa iyo, Mahal na Prinsesa."
"Parehong tao na naman ba ito?" Tanong ko at nagsimulang ng kinakabahan.
"Hindi po, sa katunayan ay ibang presensiya po ito at napaka-pamilyar."
Pamilyar? Kung pamilyar sa akin ay maaring kakilala ko. Baka sila Lauriel lang ito at gusto akong gulatin pagkatapos ko kumuha nang mga makakain namin. Kahit kailan talaga iyong mga babaeng 'yon, oo. Kapag ako namatay sa gulat dahil sa kanila, talagang makikita nila. Lagot talaga sila sa akin, aba, ang swerte nila.
"Hayaan mo na,"sabi ko at nagpatuloy na lang sa pagkuha.
Patuloy lamang ako sa pagkuha nang ilang mga prutas sa mga puno. Hindi ko alam kung ano ang trip ng dalawa at bakit kailangan pa nilang magtago. Lumipas ang ilang isang oras ay na tapos na rin ako sa pagpitas ng ilang mga prutas at ilang mga tanim na sa tingin ko ay magagamit namin sa pagluluto. Nagsimula na akong maglakad patungo sa labas ng gubat at hinintay na lumabas ang dalawang babaeng iyon, ngunit nakalabas na lang ako ay wala pa ring Lauriel at Treyni na lumabas. Hindi ko na lang ito pinansin at inisip na baka bumalik na ang mga ito sa kung saan kami nagpapahinga kanina.
Ilang sandali pa ay malapit na ako sa lugar na kung saan sila nagpapahinga, at na gulat naman ako nang makita ko silang lahat na mahimbing pa rin na natutulog, at nanatili pa rin sila sa kanilang mga pwesto. Hindi ba at nandoon ang mga ito sa gubat at minamasdan ako? Ngunit bakit nandito pa rin ang mga babaeng 'to sa ilalim ng puno? Kung hindi man sila ang taong nagmamasid sa akin ay sino pa? Bigla naman may sumagi sa isipan ko na isang tao na kasabay ko lang gumising. Si Nola.
Bigla ko na naman naalala ang mga mata nito no'ng kakagising pa lang niya at ang magandang nitong mukha. Naramdaman ko naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso at pag-init ng aking mukha. Ano na naman itong nangyayari sa akin? Agad kong inalis sa isipan ko 'yon at tinignan ulit ang mga taong nasa puno. Bahagya pa nga akong nagulat nang makita ko si Nola na naka-sandal lamang sa puno habang kinakain nito ang isang prutas na kung saan ako namimitas kanina, sa punong iyon ko rin naramdaman ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi kaya ay si Nola ang taong nakamasid sa akin sa mga oras na iyon? Uminit na naman muli ang mukha ko na naging dahilan nang pagbagsak ng ilang mga prutas na aking dala.
"Kori?"
Napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin at nakita si Treyni na kakagising pa lamang. Nagtataka itong naka-tingin sa akin habang kinukusot nito ang kaniyang mga mata. Nagmamadali ko naman na pinulot ang mga prutas at agad na lumapit dito.
Sunod naman na gumising si Sam na sa tingin ko ay napilitan magising dahil sa biglaang pagkilos ni Treyni. Kunot-noong bumangon ito mula sa mga hita ni Treyni at tinignan ako.
"Saan ka galing?" Tanong ni Sam. Lumapit naman ako rito atsaka inilapag sa isang tela ang ilang mga prutas na pinitas ko.
Nagising naman bigla sina Lauriel at Draco atsaka tinignan kami na may pagtataka. Tila ba naguguluhan ang mga ito kung bakit ang ingay namin, samantalang ang aga-aga pa.
"Magandang umaga sa inyo,"bati ko sa kanila atsaka ngumiti. Bumangon naman si Draco at nagsimula nang mag-inat sa kaniyang katawan, nagulat pa nga ito nang makita si Nola na tahimik lamang na kumakain sa isang tabi.
"Pumunta lang ako sa gubat at tinignan kung ano ang mga possibleng makain natin, ito lang naman ang na pitas ko,"saad ko.
Lumapit naman si Lauriel at Treyni sa akin at kinuha ang mga prutas na dala-dala ko pa kanina. Tinulungan naman nang dalawang lalaki ang mga babae atsaka nagtungo sa tabi nang isang ilong na ngayon ko lang na pansin na mayro'n pala.
"Hindi ko naman alam na magkasama pala kayong namitas nito,"sabi ni Treyni at ngumiti nang malawak.
"Mukhang magkakaroon na yata nang sigla ang buhay ni Nola,"dugtong naman ni Lauriel atsaka tumayo. Nagpaalam na ang mga ito na magluluto lang daw muna sila habang nag-aasar akong tinignan. Napa-iling na lang ako sa kanila atsaka bumuntong hininga.
"Magpahinga ka na muna riyan, Kori,"ani ni Draco at inilagay nito ang kamay niya sa aking ulo, "Salamat sa pagkuha nang pagkain. Kakain na muna tayo bago bumalik sa bayan."
Tumango lamang ako atsaka naglakad na patungo sa isang malaking bato sa ilalim ng puno. Hindi naman masiyadong malayo sa akin si Nola ngunit ramdam na ramdam ko sa aking mukha ang pang-iinit nito. Ano ba ang nangyayari sa akin? May sakit ba ako?
Huminga lang ako nang malalim at sinubukan na ituon sa ibang bagay ang aking atensyon. Napatingin naman ako sa paligid at nakita ang napaka-gandang tanawin. Hindi ko naman inaasahan na may itinatagong lugar pala itong kastilyong ito. Napatitig naman ako sa kastilyong medyo may kalumaan na ngunit hindi pa rin mipagkakaila ang magandang disenyo nito. Mayroong ilang mga baging na nananalaytay sa mga dingding nito.
Mayroon namang mga naglalakihang bundok sa hindi kalayuan at naggagandahang mga bulaklak sa paligid. Kung hindi lang siguro dahil sa dragon ay masasabi ko na isa ito sa pinakamagandang lugar na napuntahan ko. Hindi ko maipagkakaila na napakalawak at napaka-ganda ng lupain na ito. Masaya ko lang na dinadamdam ang sariwang hangin nang bigla na lang dumating ang mga kasama ko na may dalang mga pagkain.
"Kumain na muna tayo bago magsimulang maglakbay,"saad ni Draco atsaka ibinigay sa akin ang isang mangkok. "May ilang nahuli kaming isda sa ilog kung kaya ay ito na muna ang umagahan natin."
Nagsimula na kaming kumain lahat habang nagkwe-kwentuhan. Hindi namin mapigilan ang hindi makaramdam ng saya dahil nagtagumpay din sa wakas ang aming misyon. Akala ng mga ito ay aabutin pa kami ng ilang araw bago matapos ngunit hindi naman daw nila inaakala na aabutin lang kami ng isang gabi.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kayang gawin ni Kori ang gawing Familiar ang isang sinaunang dragon,"ani ni Sam, "Biruin mo tinuturing pa siyang prinsesa nito?"
"Iyon nga rin ang ikinagulat ko, Kori,"sang-ayon ni Draco at tinignan ako, "Baka may ilang sekreto ka pa riyan na nakakagulat, pwede mo naman sabihin sa amin ito ngayon na."
Napakamot naman ako sa ulo dahil sa sinabi nito, wala naman talaga akong sekretong tinatago. Ayaw ko lang talaga ipakita sa mga ito ang mga bagay na sa tingin ko ay ikaka-gulat nila, baka sabihin ng mga ito na arogante ako.
"Wala na po. Iyon lamang ang mga tinatago ko,"saad ko. Tumawa naman itong si Draco at Sam habang ang mga babae naman ay napapa-iling na lang.
"Pero hindi ko rin inaasahan na sosolohin mo si Nola,"bulong ni Treyni sa kaliwang tenga ko.
"Galawan mo, Kori ah,"dugtong ni Lauriel.
Ako lang ba o talagang pinagtutulungan talaga ako nang dalawang babaeng ito na itulak sa lalaking iyon? Bakit ba gustong-gusto nila na magkaroon kami ng bagay na hindi dapat ni Nola? Napapa-iling na lang ako atsaka tinulak silang dalawa.
"Ang dumi-dumi nang iniisip niyo, wala nga akong tinatago,"sabi ko. "Atsaka pa, kung mayro'n man ay bakit ko naman itatago, hindi ba? Alam niyo naman na masiyadong malamig kung ituring tayo ni Nola."
"Sa amin,"saad ni Lauriel at tumayo.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko, nagkibit balikat lamang ito atsaka lumapit sa kaniyang asawa, habang si Treyni naman ay agad na umalis sa aking tabi at nagtungo sa tabi ni Sam.
Anong sa amin? Hindi ba at malamig naman talaga kung ituring kami ni Nola? Dapat sana ay sa atin, hindi sa kanila lang. Akala mo naman ay espesyal ako at kung ituring ako nang lalaking iyon ay may pinagkakaiba sa kanila.
"Kung tapos na kayo ay maari na tayong bumalik sa ating bayan,"ani ni Draco atsaka tumayo na, iniligpit naman namin ang mga ginamit namin atsaka naghanda na para sa aming paglalakbay.
"Tapos na,"saad namin lahat, "Tara na at umalis."
Tumango lamang kaming lahat atsaka nagsimula nang maglakad patungo sa bayan. Kung noon ay bigla na lang nawawala si Nola, ngayon ay nasa likod lang namin itong mga babae at naka-sunod. Tila ba ay pino-protektahan kami sa kung anong mangyayari.
"Mukhang may taong ayaw masaktan ang kaniyang sinisinta,"ani ni Lauriel at tumawa.
"Ang tamis naman,"tugon ni Treyni at humawak sa dalawang pisngi nito. Nagtataka naman akong napatingin sa kanila at tinaas ang isang kilay ko.
"Anong pinaguusapan niyo?" Tanong ko sa mga ito.
Nagkatinginan naman ang dalawang babae at sabay-sabay na bumuntong hininga.
"Walang pag-asa talaga,"ani ni Treyni.
"Kawawang Nola,"ani ni Lauriel.
Nauna ng maglakad ang mga ito sa akin habang umiiling pa rin. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang iniisip ng dalawang 'to, ano ba ang ibig sabihin nila sa sinisinta? May ibang magkasintahahan ba ito bukod kay Draco atsaka Lauriel? teka, noong nawalan ng malay ang mga lalaki ay bigla na lang lumapit itong si Trenyni kay Sam. Hindi kaya ay mayroong tinatagong relasyon ang dalawa? Ngunit, hindi ba at mayroon itong pamilya?
Gulat na napatingin naman ako sa dalawang babae na nagbubulungan sa harap ko, agad akong pumagitna sa dalawa at tinignan ng masama si Treyni.
"Treyni,"banta ko sa kaniya.
"Bakit, Tori? Naiintindihan mo na ba ang ibig naming sabihin?" Tanong ni Treyni habang naka-ngiti. Tumango naman ako sa kaniya at bumuntong hininga.
"Alam ko na mahirap ang sitwasyon mo ngayon, ngunit, hindi tama ang magkaroon kayo ng sekretong relasyon ni Sam. Sam!" Sabi ko at tinignan si Sam na ngayon ay nagtatakang tinignan ako, "Hindi ako papayag sa relasyon niyo ni Treyni. May pamilya ka na, kailangan mo manatiling tapat sa asawa mo!"
"Anong pinagsasabi mo?" Gulat na tanong nito.
Bakit pa kailangan nilang itago? Hindi ba at ito ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa? Mali ba ako?
"Napaka-manhid na tao,"ani ni Lauriel at napa-hilamos sa kaniyang mukha.
"Ewan ko sa iyo, Kori,"ani ni Treyni at umiiling na lang, "Isa pa, huwag ka nga, kapatid ko si Sam. Bakit naman ako papatol sa kaniya?"
Kapatid? Teka? Ano raw? Kapatid?
"Kapatid?" Sigaw ko.
"Ano pa nga ba? Sa tingin mo ba na lalapit na lang ako basta-basta kay Sam kung hindi ko ito kapatid? May asawa na ito at ako ang pinagkatiwalaan ng kaligtasan niya, kaya tumahimik ka,"saad nito at umiiling na sumabay sa mga lalaki.
Bigla naman namula ang mga pisngi ko dahil sa pagkahiya. Hindi ko inaasahan na babalik sa akin ang konklusyon ko, mukhang mali yata na gumawa ako nang sarili kong kwento sa isipan ko ah.
"Pasensiya na,"sabi ko at yumuko na lang. Tumawa lang ang mga ito ngunit nanatili lamang akong nakayuko.
Lumipas ang ilang oras na paglalakbay ay nakarating na rin kami sa pasukan ng bayan. Gulat na nakatingin lamang sa amin ang mga tao, hindi yata nila inaasahan na makakabalik kami agad. Habang naglalakad kami papunta sa guild ay na pansin ko ang ilang kawal na nakatayo lamang sa harap ng guild at tila ba may hinihintay.
"Ano ang nangyayari na naman?" Tanong ni Draco, "Sa tuwing aalis tayo nang bayan ay parang may kaguluhang nagaganap."
"Ano na naman ba ang kahibangan nang bagong Duke?" Tanong ni Sam at umiiling na lang. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang lalaking nakasuot ng armor na kulay ginto, kung hindi ako nagkakamali ay ang hari ito ng Floridel, ngunit, ano ang ginagawa ng isang espesyal na tao na ito rito?
"Mahal na Hari,"bati naming lahat at sabay-sabay na yumuko. Gulat na napatingin ang mga ito sa amin at nagmamadaling lumapit sa harapan namin.
"Tumayo kayong lahat,"utos ng hari. Agad naman kaming sumunod sa sinabi nito at ngumiti. Napatingin pa ang hari sa akin saglit atsaka nakahinga nang malalim.
"Kumusta ang Dragon sa lumang kastilyo? Natalo ba kayo kaya bumalik na kayo rito?" Tanong ng Hari. Nagkatinginan naman kami sa isa't-isa at umiling.
"Ano ang ibig niyong sabihin?"
Naglakad naman ako sa harap nang hari at yumuko, "Hayaan niyo po akong magpaliwanag." Sabi ko.
"Kori!" Sigaw nang hari.
"Masaya ako na nagkita na naman po tayo muli, Mahal na Hari,"saad ko, tumango lamang ang mahal na hari at ngumiti sa akin.
"Mabuti naman at ligtas ka, ngunit, maari mo bang sabihin sa aking kung ano na ang sitwasyon ng dragon?" Tanong nang hari.
"Masusunod po mahal na hari,"sabi ko.
"Ngunit, hayaan mo muna na pumasok tayo sa loob ng guild bago mo ito ipaliwanag." Sabi nito at nagsimula na maglakad papunta sa loob ng guild. Lumingon naman ako sa mga kasama ko na gulat na nakatingin lamang sa hari, sinenyasan ko sila na sumunod na at nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa kaniya.
"Bilib talaga ako kay Kori,"ani ni Draco, "Kahit ng presensya ng hari ay parang wala lang sa kaniya."
"Paano ba naman ay ilang buwan din siyang nanatili sa kanilang kaharian,"ani ni Lauriel.
"Kahit na."
Hindi ko na lang ito pinakinggan ay hinayaan na lang na sila sa kung ano ang iniisip nila. Medyo nahihiya pa rin ako sa sinabi ko sa mga ito kanina, hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid pala ang dalawa. Ayan tuloy at napa-hiya pa ako.
Ilang sandali pa ay nasa harap na rin kami ng isang pinto dito sa loob ng guild. Sa tingin ko ay inihanda ito para sa hari upang dito kami mag-usap tungkol sa dragon. Pagkapasok namin ay agad kong nakita ang hari na may kausap na isang kawal, hindi naman nagtagal at agad itong umatras at umalis na sa kuwarto.
"Maupo muna kayo,"aya ng hari. Sumunod naman kaming lahat at umupo na.
"Ngayon, ano ang masasabi niyo tungkol sa Dragon? Nandoon pa rin ba ito sa palasyo o papunta na ito rito?" Tanong nang hari.
Tumingin naman ako sa mga kasama ko na sabay-sabay na tumango sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
"Sa katunayan niyan po ay wala na ang dragon,"sabi ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ng Hari.
"Sa katunayan niyan mahal na hari ay na paslang na po namin ang dragon at wala na itong buhay. Inilibing na rin namin ang bangkay nito habang ang ilang mga kaliskis niya ay kinuha namin upang gagamitin sa pagbuo ng mga bagong sandata at proteksyon,"paliwanag ko at inilapag sa harap namin ang ilang mga kaliskis na inilagay ko sa aking Spiritual Storage.
"Paano niyo ito na gawa? Hindi ba at mayroon itong lason?" Tanong nang hari.
"Sa katunayan niyan po ay tinulungan kami ni Kori na mapawalang bisa ang lason na ibinubuga sa amin ng dragon,"ani ni Lauriel.
"At ikaw ay si?" Tanong nang hari.
"Pagpaumanhin niyo po at hindi ako nakapagpakilala,"ani ni Lauriel at seryosong nakatingin lamang sa hari. Halatang-halata na kabado ito eh, parang hindi tuloy si Lauriel at kasama namin ngayon. "Ako po si Lauriel, isa sa mga manlalakbay at mangangaso ng bayan na ito."
Tumango lamang ang hari sa kaniya, "Hindi na ako magugulat kung na kasama niyo talaga si Kori,ngunit, napaka-hirap pa rin talunin ang dragon na iyon kahit na napawalang bisa niyo na ang lason sa kaniyang binubuga. Mayroon pa bang ibang nagyari?"
Naku naman, balak ko pa naman sana itago ang tungkol kay Fengari ngunit mukhang wala akong pagpipilian at dapat lang sabihin ko ito sa kaniya.
"Sa tulong po nang aking Familiar,"sagot ko at bumuntong hininga.
"Familiar, Kori?" Tanong nang hari, "Hindi ko na pansin na mayroon kang dala-dalang Familiar sa kastilyo ko. Maari mo bang ipaliwanag sa aking kung bakit at ano ito?"
Heto na nga ang sinasabi ko eh. Sabi na nga ba eh, hay naku. Napapailing na lamang ako.