Chapter 50

3008 Words
Kamusta na kaya si Mark? Ang alam ko lang ay wala na akong balita sa kaniya. Ngayon na paalis na ako sa lugar na ito at sigurado akong hindi ko na ito muli pang makikita ang taong iyon. Nais ko siyang makausap at sabihin sa kaniya ang lahat. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi nang maalala ko ito. "Ano na ngiti-ngiti mo riyan?" Asar ni Treyni, "Mag-impake ka na rin, hoy! Naku naman! Iba na yata epekto ni Nola sa iyo ah!"  Masamang tinignan ko naman si Treyni sapagkat heto na naman po siya at nang-aasar. Tumatawang naglakad naman si Treyni papunta sa kaniyang kwarto, kakainis talaga ang babaeng 'yon, oo! Lumipas ang isang gabi at heto na kami sa harap ng bahay ni Treyni. Naghihintay sa mga kasama namin na kanina pa nahuhuli sa napag-usapang oras. Tanging ako, Nola, Sam at ang kaniyang asawa pa lang naman ang nandito. Samantalang si Treyni naman ay may pinuntahan muna sa bayan, ayon sa kaniya ay may bibilhin daw siyang ilang gamit at pagkain. Bakit ba kasi hindi na lang niya ito ginawa kagabi? Ayan tuloy, mahuhuli na naman yata 'yon. "Ano ba sabi ni Treyni?" Tanong ni Sam, "Kanina pa ba siya umalis?" Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kaniya atsaka tumango. Sa katunayan niyan ay kanina pa itong madaling araw umalis ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaka-balik, siguro naman ay walang hindi magandang nangyari sa kaniya, hindi ba? "Sa katunayan niyan ay kanina pa itong madaling araw umalis, hindi ko rin alam bakit natagalan pa ito roon,"paliwanag ko atsaka ibinalik ang tingin sa daan.  Kagabi ay umalis ako sa bahay at bumili ng gamit atsaka damit. Naka-suot ako ngayon nang hindi masiyadong mahabang damit at naka-pusod din ang buhok ko. Sinamahan ako ni Nola kagabi dahil ayon sa kaniya ay hindi raw ligtas ang bayan lalong-lalo na may laging nakabuntot sa akin. "Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon,"ani nito, "Sa tuwing may lakad kami ay tsaka ito bumibili ng mga gamit kapag papaalis na." Napa-iling na lang ako atsaka ngumiti. Bakit pa ako magsasalita kung ang kapatid na niya ang nagsabi. Sa loob ba ng ilang taon nilang pagsasama ay natural lang na alam na nito ang katangian ng kaniyang kapatid. Habang naghihintay kami roon ay hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam nang pagka-ilang, tila ba kasi may nagmamasid sa akin mula sa paligid. Inikot ko naman ang aking paningin ngunit wala naman akong nakikitang ibang tao bukod sa amin. Wala ring kahit anong senyales na may nagtatago o ano, guni-guni ko lang ba itong nararamdaman ko? Hindi ako sigurado, maaring oo, maari ring hindi, pero sana naman ay oo. Ayaw kong magkaroon na naman nang gulo dito sa bayan dahil sa akin. Ayaw kong may madamay na naman na malapait sa akin. "Ayos ka lang ba?" Natigil naman ang konsentrasyon ko sa paghahanap sa taong iyon nang bigla na lang may humawak sa balikat ko, at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Nola na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nararamdaman din kaya niya ang nararamdaman ko ngayon? "Ayos lang ako,"pagsisinungaling ko atsaka iniwas ang aking tingin. Ramdam ko naman na nanatiling nakatitig lamang si Nola sa akin at inoobserbahan yata ang mukha ko. Kung kilala na niya talaga ako ay mahahalata nito na nagsisinungaling lang ako, pero panigurado naman ay hindi pa. "Alam mo bang napaghahalataan ka kapag nagsisinungaling?" Tanong nito. Gulat na napatingin naman ako sa kaniya at kitang-kita ko ang naka-kunot na noo nito. Malalim ang titig nito sa akin na tila ba sinasabi na hindi niya nagustuhan ang pagsisinungaling ko sa kaniya. Napahinga ako nang malalim atsaka inilibot ang aking paningin. "Hindi ko alam,"sabi ko, "Sa tingin ko kasi ay may naka-masid sa akin, hindi nga lang ako sigurado kung totoo ba talaga o guni-guni ko lang." Hindi naman umimik si Nola at tinanggal na nito ang kamay niya sa balikat ko. Siguro nga ay guni-guni ko lang, baka iniisip na ni Nola sa mga oras na ito na isa lamang akong baliw. Kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko kahit hindi naman talaga totoo. Aalis na sana ako sa pwesto namin nang bigla na lang ito nagsalita na naging dahilan ng pagka-gulat ko. Hindi ko inaasahan na maririnig it mismo mula sa kaniya. "Sa katunayan niyan ay hindi ka nagkakamali,"ani nito, "Mayroon talagang naka-masid sa atin o sa iyo simula pa noong dumating tayo dito." Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na lingunin silang Sam na ngayon ay naglalaro kasama ang kaniyang anak. Hinawakan ko sa braso si Nola at hinila papalayo sa kanila. "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito, "Hindi ba at naligaw ko na ang taong sumusunod sa akin noong nasa gubat pa tayo? Paano naman niya ako masusundan dito sa bayan? Atsaka bakit ang bilis naman yata, sa kay rami-rami na naka-palibot sa bayan na ito ay impossibleng mahahanap ako agad." "Hindi mo ba naiintindihan ang pinasok mo sa mga oras na ito, Kori?" Tanong nito, "Una sa lahat ay sumama ka sa mga misyon na alam mo naman ay makakalat talaga ang iyong impormasyon. Pangalawa ay pinakain mo ang ilang daang tao na naghihirap dito sa bayan, at panghuli, at ang pinakarason talaga sa lahat ay, Kumalat sa mga kalapit bayan ang impormasyon tungkol sa isang manggagamot. Sa tingin mo ba ay hindi magtatanong iyon at puntahan ka rito?" Bakit ngayon ko lang ito na isip? Sa totoo niyan ay tama nga naman ang sinabi ni Nola, talagang malalaman nito na nandito ako sa bayan na ito dahil kumalat na ang impormasyon patungkol sa akin. Panigurado ngayon ay nag-iisip na lang ito nang tiyempo kung kailan at saan ako nito papatayin. Kailangan ko talagang hindi lumayo kay Nola simula ngayon. Ngunit, paano na lang kung maglalakbay na ako uli? Hindi ko naman makakasama si Nola. Walang tao rin na po-protekta sa akin habang papunta ako sa susunod na kaharian. Walang-wala. "Kailan mo lang 'to simulang naramdaman?" Tanong ko. "Simula noong lagi na lang akong nasa harap ng bintana nila Treyni,"paliwanag niya, "Sa tingin ko kasi ay laging may nakamasid sa atin mula sa bintana. Ginawa ko ang lahat upang mahanap ang taong iyon ngunit masiyadong magaling itong magtago." "Pero masiyado nga lang malakas ang awra niyang pumatay, hindi ba?" Tanong ko, tumango naman si Nola bilang tugon. Bakit ba hindi na lang ako nito tigilan? Isa lamang naman akong normal na tao na may kapangyarihan na paggamot.  "Sa tingin ko ay unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit ka niya hinahabol." Bigla naman akong napatingin kay Nola na may nagtatanong na ekspresyon sa mukha. "Ano ang,"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang may sumigaw sa hindi kalayuan sa amin. "Huwag kang mag-aalala, po-protektahan naman kita hangga't sa makakaya ko,"ani nito bago nawala sa harap ko. "Pasensiya na kayo at na tagalan ako,"sigaw ni Treyni at patakbong lumapit sa amin. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa aking mga gamit atsaka masama itong tinignan. "Ilang oras ka ba dapat umalis? Sinabi ko naman sa iyo na sumama ka na sa akin kagabi pero ang kulit mo,"sabi ko. Bigla naman lumapit si Treyni sa akin atsaka yinakap ang braso ko. "Pasensiya na kayo, masiyado lang kasi akong nahirapan pumili kung ano ang bibilhin ko,"paliwanag niya, "Teka, teka, na saan na ba sina Lauriel?"  "Kanina pa rin namin sila hinahanap,"sabi ko. "Ayon na pala!" Sigaw nito sabay turo sa dalawang mag-asawa na may dala-dalang mga gamit habang ang kanilang mga anak naman ay hawak nilang dalawa. "Ang aga niyo naman yata?" Biro ni Sam. Napa-kamot naman sa ulo si Draco sa sinabi nito atsaka ngumiti sa amin. "Pasensiya na kayo,"sabi nito, "Medyo na tagalan kasi kami nang gising dahil ang dami pa namin inimpake." "Ang sabihin niyo ay nagkaroon pa kayo ng oras para sa isa't-isa,"biro ulit nito. Ibinaba naman ni Draco ang gamit niya atsaka lumapit kay Sam bago ito binatukan. "Ikaw,"ani ni Draco, "Kung ano-ano na lang ang iniisip mo. Kung naiingit ka sundan mo kami!" Tumawa naman ng sobrang lakas si Draco atsaka umiiling na lumapit sa amin, "Simulan na natin ang paglalakbay." Tumango lamang ako atsaka nagsimula na kaming maglakad. Nauna si Draco at ang kaniyang pamilya sa harap na sinundan naman ni Treyni, Sam at ang kaniyang pamilya pagkatapos ay kaming dalawa lang ni Nola ang nasa Huli. Tahimik lamang ako sa paglalakbay namin habang silang lahat naman ay nagkwe-kwentuhan tungkol sa mga bagay- bagay na hindi ko maintindihan. Inilibot ko ang aking paningin habang hindi pa rin binababa ang aking depensa. Kailangan ko maging handa lagi, hindi ko nga alam kung kailan ito aatake sa akin. Baka bigla na lang itong susulpot kapag hindi ako handa. "Huwag mo na isipin 'yan,"biglang sabi ni Nola. "Hindi 'yan aatake kapag kasama natin si Draco. "Bakit naman?" Tanong ko. "Hindi mo ba napapansin?" Saad nito, "Si Draco ay isang klaseng manlalakbay na laging nakikiramdam sa paligid. Alam na nito na lagi tayong sinusundan, kung kaya ay kung may balak man itong umatake sa atin. Maaring matosta na ito bago pa makalapit sa iyo." Ganoon ba. Kung gano'n ay nararamdaman din pala ni Draco ang taong iyon. Alam ko naman na sinusubukan nitong itago ang kaniyang presensiya ngunit nandito pa rin naman ang intensyon nito na pagpatay. Kung alam naman pala ni Draco ay hindi na ako mababahala, gamit ang aking kapangyarihan na kaya kong ibalik ang mana nito sa pinakamataas ay susuportahan ko itong matalo lang ang taong iyon, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang kaniyang intensyon. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at nakikinig na lang ako sa usapan nilang lahat. Masaya naman ang aming paglalakbay dahil napaka-ingay ni Draco at ang kaniyang asawa na si Lauriel. Minsan ay nag-aaaway ang mga ito sa isang maliit na dahilan. Hindi ko nga maipaliwanag kung bakit kailangan pa nila itong gawin. Napapa-iling na lang talaga ako sa kanilang dalawa. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang papasok kami sa isang gubat. Hindi pamilyar ang gubat na ito sa akin dahil kahit kailanman ay hindi pa ako nakakapunta rito. Tahimik at sariwa ang loob nito na para bang walang kahit na anong hayop ang naninirahan sa gubat na ito. Siguro ay inubos na ng mga mangangaso ang mga iyon at binenta. "Sabi ko naman sa inyo at wala ng masiyadong hayop,"ani ni Draco, "Lagi kasing may pumupunta na mangangaso rito, at kadalasan din ay may mga tao na ginagawa itong daan patungo sa ating bayan. Huwag na kayong mag-alala, makakarating din  tayo sa ilog na iyon." "Kami ba talaga 'yong nag-aalala?" Tanong ni Lauriel. Bahagyang na tawa na lang ako sa dalawa, sa tuwing may sasabihin si Draco ay lagi naman itong binabara ni Lauriel. Mukha silang magkaibigan na nagkaroon ng dalawang anak. Hindi ko na lang sila tinuonan ng pansin at nanatiling nakatingin sa paligid. Matataas ang mga puno rito at hindi kagaya sa unang dinaanan ko na may mga iba't-ibang klase na mga hayop na bigla na lang sumusulpot. Iyong sawa na kasing laki ng isang puno ng kahoy. Isang kunehong may pakpak sa tenga at iba pa. Masiyado itong tahimik at tanging paghampas lang ng mga dahon sa isa't-isa sa tuwing may hangin ang nagbibigay ingay sa gubat na ito. Sa katunayan niyan ay nagagandahan talaga ako sa lugar na ito. Lumipas ang ilang oras na paglalakad ay nakarating din kami sa isang daan na may isang kahoy sa gilid na nagsasabing ilog ng kagubatan. Ano ba ang pinagkaiba ng ilog na ito sa ibang kagubatan?  "Tara na, at baka gabihin pa tayo sa daan." Tumango lamang kami at sumunod sa kanila, ngunit bago pa ako lumiko ay napatingin ako sa daan diretso palabas sa gubat na ito. Ano kaya ang nandoon sa ulo nito? May panibagong bayan ba o ano? "Huwag mo na tignan kung ano ang nandiyan,"sabi ni Nola at hinila ang kamay ko papasok sa daan papunta sa ilog. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko, "Ano ba ang mayro'n sa lugar na iyon at parang ayaw mo 'kong pumunta diyan." "Hindi mo magugustuhan ang malalaman mo,"ani nito, "Mas mabuti pa na huwag mo na lang alamin." Hindi na lang ako umimik at sinundan na lang ito. Ano kaya ang nandoon? Baka isang malaking hayop o halimaw. Maari ring isang bangin na sobrang lalim o kaya ay isang napaka-delikadong lugar. Bahala na nga iyon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang hawak-hawak pa rin ni Nola ang kamay ko. Wala yata itong balak bitawan kahit naka-sunod na naman ako sa kanila. Lumipas ang halos tatlong oras na paglalakad ay nakarating na rin kami sa sinasabi nitong ilog. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mamangha sa ganda ng ilog nito. Napakalawak din at napaka-linis. Kumikintab pa ito sa tuwing natatamaan ng araw ang tubig. "Walang kupas talaga ang ganda ng ilog na ito,"ani ni Treyni atsaka ngumiti. "Sabi ko naman sa inyo na walang halimaw o hayop sa gubat,"ani ni Draco, "Kung ano-ano lang talaga ang iniisip niyo." "Oo na, tama ka na,"komento ng kaniyang asawa, "Hali na kayo at magsimula na tayong pumwesto." Sumunod naman kami sa kanila at naghanap ng pwedeng papananatilihan dito sa ilog. Nakahanap naman kami sa ilalim ng isang puno at doon na nilagay ang aming mga gamit. "Kukuha lang kami ng panggatong,"sabi ni Draco, "Kayo na ang bahala na mag-ayos ng hihigaan natin." "Umalis na kayo,"ani ni Lauriel, "Bumalik kayo agad at maggagabi na." Tumango lamang si Sam at Draco atsaka tuluyan ng umalis. Tinulungan ko naman sina Treyni at Lauriel na ayusin ang aming uupuan at hihigaan. Samantalang ang asawa naman ni Sam ay binabantayan lamang ang mga bata habang naglalaro sa tubig. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga bata mula sa aming pwesto.  "Oras na naman natin ang magpahinga,"ani ni Treyni, "Panigurado ay sa mga susunod na araw may misyon na naman tayo." "Baka kamo sa pagbalik natin,"tugon ni Lauriel atsaka umupo. "Hindi niyo ba itong laging ginagawa?" Tanong ko, umiling naman silang lahat atsaka bumuntong hininga, "Sa katunayan niyan ay napakahirap gawin ang ganitong bagay. Minsan kasi ay hindi sang-ayon ang lahat sa plano." "Nararapat lang naman ito sa inyo,"sabi ko, "Hindi niyo lang makakasama ang pamilya niyo, kung hindi ay pati na rin ang mga kasama niyo sa misyon. Mas lalong mapapalapit ang damdamin niyo sa isa't-isa." "Oo nga no?" Ani ni Treyni, "Gawin kaya natin 'to sa tuwing may matagal tayong misyon?" "Pwede naman, ngunit tanungin muna natin ang mga lalaki,"saad ni Lauriel. "Na alin?" Sabay-sabay naman kaming napalingon sa mga taong kakarating lang at may dala-dalang mga panggatong. Inilagay nito sa gitna ng naka-palibot na uupuan at hihigaan namin mamaya. "Naisipan kasi namin na lagi na itong gawin sa tuwing may misyon tayo na sobrang tagal,"kwento ni Treyni, "Suhestiyo iyan ni Kori na sa tingin ko ay tama naman talaga." "Ayos lang naman sa akin,"sabi ni Draco. Itinaas na ni Draco ang kaniyang kamay atsaka itinuon sa mga kahoy, ilang sandali pa ay bigla na lang nagkaroon ng apoy dito. Umupo na ito sa tabi ng kaniyang asawa at kasabay din nito ang paglapit ng kaniyang mga anak. "Tatanungin ko muna ang asawa ko,"ani ni Sam. "Tungkol saan?" Nakangiting tanong ng asawa niya atsaka umupo sa kaniyang tabi. "Naisipan kasi nila na gawin ang bagay na ito sa tuwing nagkakaroon kayo ng misyo na matagal,"sabi ko, "Minsan na lang din kasi nila nakakasama ang kanilang mga pamilya." "Ayos lang sa akin,"nakangiting tugon nito, "Wala naman akong problema roon." Napangiti na lang ako atsaka tumango. Mabuti naman at gagawin nila ang suhestiyon ko, baka kasi wala silang plano na magpahinga rin at makasama ang kanilang pamilya. Hindi lang naman kasi umiikot ang buhay nila sa misyon, may pamilya din sila na nangangailangan ng atensyon. "Alam niyo ba ang tungkol storya sa ilog na ito?" Tanong ng asawa ni Sam sa amin habang nakatingin sa ilog. Natigil naman kami sa tawanan dahil sa biglaang pagsalita nito. Kanina pa namin na papansin ang pagtahimik nang kaniyang asawa habang nakatingin sa ilog. Tila ba may tinitignan ito at hinihintay na lumabas. Habang nagkwe-kwentuhan kami ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa kaniya, minsan ay sumisingkit ang mga mata nito at tila ba inaayos ang kaniyang paningin para mas lalong makita ang tinitignan nito. "Ano ba ang sinasabi mo riyan, Mahal?" Tanong ni Sam habang karga-karga nito ang natutulog na nilang anak. Hindi naman umimik ang asawa nito nang ilang minuto, nanatili lamang kaming tahimik habang hinihintay namin siyang magsalita. "May mga bagay talaga na hindi niyo pa alam,"ani nito atsaka humarap sa amin, "Ayon sa kwento-kwento na narinig ko sa mga taong pumupunta rito ay itong ilog na iyo isang pasukan daw papunta sa mundo ng mga sirena." Gulat na napatingin naman ako sa kaniya at hindi makapaniwala sa binitiwan niyang salita. Pasukan sa mundo ng mga sirena? Itong kaharian ba na ito ay ang kaharian ng mga sirena na muntik na akong patayin dahil lang sa nalaman nila ang familiar ko? "Hindi ako sigurado kung totoo nga ito pero," "Pero ano?" Tanong ni Treyni. "Pero nakita ko ang isang sirena na nakatingin sa atin kanina habang masaya kayong nagkwe-kwentuhan. Tila ba may tinitignan sila sa gawi natin." Paliwanag niya at tumingin sa akin, "Sa tingin ko ay ikaw, Kori, ang sinusundan nang tingin ng sirena na iyon. Namamalikmata lang ba ako o talagang totoo itong sinasabi ko, pero sa tuwing may ginagawa ka ay sinusundan ka nito ng tingin." Hindi kaya isa sa mga prinsesa iyon? Wala namang ibang nakakakilala sa akin kung hindi ay ang mga prinsesa at hari sa kaharian ng karagatan. Sila lang naman ang may alam tungkol sa akin at panigurado, kung totoo man ang sinasabi nila ay naririto nga sila iyon o maaring si Atara lang iyon. "Malabo,"ani ni Treyni at tumawa, "Ano naman ang interes nila kay Kori? Atsaka isa pa, kilala ang mga sirena na ayaw makihalubilo sa mga taong kagaya natin. Ayaw na ayaw nila sa atin dahil sa tingin nila ay isa tayo sa mga kalaban nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD