Chapter 49

3011 Words
Isang tugtog na sobrang pamilyar sa akin ang aking pinapakinggan ngayon. "Sa tingin ko ay hindi naman yata iyan ang dahilan kung bakit sila naririto,"tugon ni Draco at napakamot sa kaniyang ulo, "Hindi ba, Kori?" "Ano naman ang kinalaman ni Kori sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Lauriel. "Hindi ba at may ginawang libreng paggagamot si Kori dito sa bayan natin?" Tanong ni Draco, tumango naman silang lahat habang nakatuon pa rin ang pansin sa susunod na saasabihin ni Draco, "Ayon sa aking nalaman ay kumalat daw ang balita na ito sa mga kalapit bayan. Kung kaya ay iyong mga nangangailangan ng tulong ni Kori ay pumupunta rito." "Hindi ba at iyong mga bayan na kalapit sa bayan na ito ay mga normal na tao lang?" Nagtatakang tanong ni Treyni. "Normal na tao?" Tanong ko. Ano ang ibig sabihin nito na Normal na tao lang? May hindi ba normal? "Sila iyong mga taong walang kapangyarihan, Kori,"paliwanag ni Lauriel at ngumiti sa akin, "Sa katunayan niyan ay hindi lahat nang mga tao sa mundo ay may kapangyarihan. May ilang tao rin sa mundong ito na hindi nabiyayaan, kung kaya ay responsibilidad natin na protektahan sila." "Oo at alam ko iyon,"sabi ko, "Pero, talaga bang hindi ganoon karaming tao ang may kapangyarihan?" Tumango naman silang lahat sa tanong ko. "Naalala mo ba ang na kwento namin tungkol sa mga taong may kapangyarihan na ginagawang alipin? Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin sila mahanap at matukoy kung saan sila dinala,"paliwanag ni Sam, "Karamihan sa mga ito ay kasing edad niyo lang, bigla-bigla na lang silang nawawala ng wala man lang paalam." "Saan ba sila napupunta?" Tanong ko. "Iyan ang hindi namin matukoy kung anong kaharian o bayan ito,"tugon nito, "Gusto man namin malaman ngunit pati ang kaharian ng Floridel ay walang alam sa nangyayari." "Ganoon ba?" Saad ko. Kung ginagawa nga nilang alipin ito ay maaring nakikita pa rin nila ang mga taong iyon sa ibang lugar at gumagawa nang misyon, pero hindi na nga raw nakikita pa kahit kailan. Hindi kaya ay pinatay ang mga taong iyon habang mahina pa ang kanilang mga kapangyarihan at wala pa silang alam? "Pero, huwag na nating pag-usapan iyan,"ani ni Sam, "Pag-usapan na natin ngayon ang sitwasyon ni Kori. Hindi mo na kailangan pa pumunta sa ibang bayan na malapit lang dito, dahil sila na mismo ang pumunta para sa iyo." Napa-ngiti naman ako sa sinabi nito, tama nga naman si Sam. Hindi ko na kailangan pa na pumunta sa ibang kalapit bayan, kapag na tapos na ako rito ay maari na akong maglakbay ulit patungo sa susunod na kaharian. Mabuti na lang talaga at dito ako napadpad, mas madali pala ang pagkalat nang balita sa isang maliit na bayan papunta sa iba. "Unti-unti mo nang makakamit ang iyong pangarap, Kori,"nakangiting sabi ni Treyni ,"At sobrang saya ko para sa iyo." "Salamat, Treyni,"sabi ko at ngumiti sa kaniya, "Hindi ko naman ito magagawa kung hindi dahil sa tulong ninyong lahat. Salamat at nandiyan lang kayo sa tabi ko upang suportahan ako sa mga desisyon ko kahit ngayon niyo pa lang ako nakilala." Nakangiting nakikinig lamang ang lahat sa sinabi ko at hindi ko mapigilan ang hindi maluha sa harap nila. Kahit sila ay parang naiiyak sa sinabi ko. Totoo naman talaga, laking pasasalamat ko at nakilala ko silang lahat. Ang laking tulong kasi nila sa misyon ko, at hindi lang iyon nandiyaan pa silang lahat para sa akin. Pino-protektahan ako at binibigyan nang makakain at matutulugan. "Bago pa mga-iyakan tayong lahat dito ay may sasabihin na muna ako,"ani ni Draco atsaka ngumiti. Sabay-sabay naman na pinahid nang mga babae ang kanilang mga luha na tumulo sa kanilang pisngi. "Ano ba 'yon?" Tanong nang kaniyang asawa na si Lauriel. Ngumiti naman itong si Draco at tinignan kaming lahat.  "Hindi ba at magaling na si Kori?" Tanong nito, "Atsaka isa pa, naging matagumpay din ang unang araw na ginawang libreng paggamot niya." Taas kilay naman itong tinignan ng kaniyang asawa at malalim na bumuntong hininga. Sinenyasan naman ako nitong huwag daw makinig kung kaya ay na tawa na lang ako rito. Ano na naman kaya ang pumasok sa isip ni Draco ngayong araw. "Ano na naman ang na isip mo, mahal?" Tanong ni Lauriel, "Ano naman ang koneksyon sa pagiging matagumpay ni Kori at sa paggaling niya?" "Hayaan niyo akong magpaliwanag,"ani nito, "Ayon nga, naging maayos naman ang takbo nang misyon ni Kori at kailangan niyang magpahinga ng ilang araw dahil sa kaniyang sakit. Bakit hindi kaya nating gamitin ang mga araw na iyon upang pumunta sa ilog?" "Ilog?" Tanong ko. May ilog pala sa lugar na ito? Simula noong dumating ako rito ay wala akong ibang nakikita sa labas ng bayan kung hindi ay ang malawak na lupain. May ilang kagubatan din naman sa ibang parte nito ngunit hindi ko naman inaasahan na may ilog pala dito. "Paano 'yon? Iiwan natin mga anak natin?" Tanong ni Lauriel atsaka masamang tinignan ang kaniyang asawa. Minsan ay napapa-isip na lang ako sa mag-asawang 'to. Minsan ang lambing nila sa isa't-isa, samantalang minsan naman ay lagi itong nag-aaway at parang aso't pusa na hindi mapigilan. Minsan naman ay laging inuunahan ito ni Lauriel, ngunit minsan naman ay si Draco. Hindi ko nga alam kung ganito ba talaga sila o hindi. "Hindi,"tugon naman ni Draco, "Isasama natin ang mga pamilya natin, kung baga ay ito na rin ang oras na kung saan makakasama natin ang pamilya natin sa isang paglalakbay." "Saan ba itong ilog na ito at bakit kailangan pa nating maglakbay?" Tanong ko rito. Ibinaling naman ni Draco ang paningin niya sa akin at ngumiti. "Itong tinutukoy ko na ilog ay sa katunayan niyan ay medyo may kalayuan ito,"paliwanag ni Draco, "Siguro ay aabutin tayo ng isang araw bago tayo makarating doon." "Kung kaya ay isa itong masamang ideya,"dugtong ni Lauriel atsaka tumayo na, "Hindi nga natin alam kung ano ang panganib na naghihintay sa atin habang papunta pa tayo roon." Sinimulan nang ligpitin ni Lauriel ang mga pinagkainan namin at minsan ay masamang tinignan ang kaniyang asawa. Kung ganoon nga ito kalayo ay bakit naman ito naisipan ni Draco? Hindi naman siguro masiyadong delikado puntahan ang lugar na iyon dahil, hindi naman magsu-suhestiyon si Draco kung ikapapahamak ng kaniyang pamilya at kasama. Hindi ba? "Ilang manlalakbay at normal na tao na ba ang pumupunta roon na walang masamang nangyayari sa kanila?" Tanong ni Draco, "Panigurado ay ito rin ang mangyayari sa atin, at isa pa kaya naman natin protektahan ang pamilya natin." "Oo nga, alam ko 'yon,"ani ni Lauriel, "Ngunit mga bata pa lang naman itong mga anak natin. Hindi pa nila kayang dumpensa at lumaban." "Kaya nga kasama tayo, hindi ba? Hindi naman natin papabayaan ang mga anak, atsaka isa pa, tinuruan na natin sila kung paano dumepensa at paano gamitin ang kanilang mga kapangyarihan,"paliwanag ni Draco. Teka, hindi ba at napaka-bata pa ng kanilang mga anak, pero bakit ang aga nga naman nilang tinuturuan nang mahika? Kung sabagay ay mas mabut na rin iyon, hindi rin kasi natin alam kung ano ang maaring mangyari habang wala ang kanilang mga magulang sa kanilang tabi. Sila lang dalawa ang laging naiiwan sa bahay sa tuwing umaalis ang nagbabantay sa kanila. "Alam ko 'yon, pero baka,"hindi na natuloy ni Lauriel ang kaniyang sasabihin nang bigla na lang tumayo si Treyni atsaka tinignan silang dalawa. "Siguro naman ay alam niyong dalawa na nandito pa kami, hindi ba?" Tanong ni Treyni sa mga ito. Sabay na lumingon naman ang dalawa sa kaniya at umiwas ng tingin, "Naiintindihan ko naman ang gusto niyong iparating dalawa, ngunit nais ko rin sana ipaalam sa inyo na hindi lang naman kayong dalawa ang aalis. Kung gusto niyo nga naman maglakbay ay dapat hingin niyo rin ang opinyon namin, hindi iyong kayo lang dalawa ang nag-aaway diyan." Natahimik naman ang si Lauriel atsaka Draco. Napa-iling na lang ako atsaka tinulungan na rin silang ligpitin ang mga pingakainan namin. "Mamaya na natin pag-uusapan iyan,"ani ni Treyni, "Doon na muna kayo sa sala at lilinisin lang namin itong kusina. Pagkatapos ay tsaka tayo mag-uusap at pagde-desisyunan kung ano ba talaga ang gagawin natin." Tumango lang ang mga ito atsaka naglakad na pabalik sa sala. Pinapatahan naman ng asawa ni Sam ang anak nito na ngayon ay umiiyak sa kaniyang mga bisig. Sa tingin ko ay nagulat yata ito sa sigaw ni Treyni. Tinulungan ko na lang silang dalawa sa pagliligpit at pagpupunas nang mga gamit. "Maayos na ba talaga ang pakiramdam mo, Kori?" Tanong ni Lauriel atsaka tumabi sa akin. Lumingon naman ako sa kaniya atsaka ngumiti. "Syempre naman,"sabi ko, "Hindi mo na kailangan pa mag-alala, sa tingin ko ay tuluyan na talagang mawawala ng sakit sa katawan ko ngayong araw." Kinuha ko na ang huling dalawang baso na nasa lamesa atsaka inilagay sa lababo upang mahugasan na, ngunit bago ko pa nga ito simulan ay bigla na lang lumapit si Treyni at bahagya akong tinulak. "Ako na riyan,"ani nito, "Ikaw na lang ang magpunas ng mga baso na hinugasan ko na." "Sige,"tugon ko. Nagsimula nang maghugas si Treyni, samantalang ako naman ay naka-tingin lang sa mga pinggan at hinihintay na matapos na siya. Ngunit habang abala ako sa paghihintay ay bigla na lang itong nagsalita. "Saan pala kayo galing ni Nola?" Tanong nito. "Ano na namn 'yan, Treyni,"sabi ko ,"Iyan ka na naman." "Hindi seryoso,"saad niya. Napatingin naman ako sa kaniya at kitang-kita sa mga mata ko na hindi na talaga ito nagbibiro. Bumuntong hininga na lang ako atsaka kinuha ang isang plato. "Lumabas lang kami at nagpapahangin. Sobrang tahimik nga nang bayan kagabi eh,"sabi ko. "Hindi ka ba natatakot na baka masamang tao si Nola?" Tanong nito, napa-ngiti naman ako atsaka umiling. Paano ko naman na iisipin na isang masamang tao si Nola kung alam ko naman ang buong kwento nang kaniyang buhay? Atsaka isa pa, isa si Nola sa mga pinagkakatiwalaan ko dito sa bayan, at ako rin ang tanging tao na sinabihan niya nang kaniyang sekreto. Kung kaya ay napaka-impossible talaga na maging isang masamang tao si Nola. Hindi ko yata maisip ang bagay na iyon. "Hindi naman masama si Nola,"sabi ko, "Alam ko na sobrang tahimik nito at parang ayaw niya sa mundo, pero sa ilang araw din namin na nagsasama ay parang nakikilala ko naman siya. Minsan ay may ekspreyon naman itong ipinapakita." Ang totoo niyan treyni ay laging nagpapakita nang ekspresyon si Nola. Hindi nga lang niya ito mapakita sa inyo dahil natatakot siyang maulit muli ang nangyari sa kaniya noong mga panahon na nagtitiwala pa siya sa kaniyang mga kasama. "Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit siya ganiyan,"ani nito, "May nai-kwento ba siya sa iyo?" "Mayro'n,"sabi ko, "Pero wala ako sa tamang posisyon upang sabihin ito sa inyo. Gusto ko ay sa kaniya galing ang tungkol sa bagay na iyon." Gulat na napatingin naman si Treyni sa akin at parang hindi makapaniwala sa nalaman niya. Alam ko, alam kong sobrang nakaka-gulat ang malaman na nag-kwento ang kanilang kasama na sobrang tahimik sa isang estranghero na katulad ko. Alam ko rin na gustong-gusto na nilang malaman ang nangyari sa buhay ni Nola ngunit ayaw nga lang nito magsalita. "Nagkwento siya sa iyo?" Gulat na tanong nito. "Sino ang nagkwento?" Tanong naman ni Lauriel at tumabi sa akin. "Si Nola,"ani ni Treyni, "Ngunit kahit kailanman ay hindi ito nagsalita tungkol sa buhay niya." "Iyon ay tanungin niyo sa kaniya,"saad ko, "Wala ako sa tamang posisyon para sabihin sa inyo ang lahat. Nakikinig lang ako pero hindi ako nagke-kwento sa iba." Patuloy lamang ako sa pagpunas nang mga platong hinugasan ni Treyni, ngunit na tigil naman ito dahil sa kwento ko tungkol kay Nola. Kinuha ko na lang ang ilang plato na hindi pa hinuhugasan at ako na ang nagpatuloy nito. Gulat  pa rin si Treyni sa tabi ko at ganoon na rin si Lauriel, hindi yata alaga sila makapaniwala na nagkwento sa akin si Nola. "Buti ka pa,"ani ni Treyni, "Kahit kailan ay walang kahit ni isang salita na binaggit si Nola tungkol sa nakaraan niya." Binanlawan ko na ang huling plato na hinuhugasan ko bago ko sila nilingon, "Bigyan niyo muna siya nang panahon. Sasabihin din niya sa inyo ang lahat, huwag niyo lang siyang madaliin." Sabi ko atsaka sinimulan ng punasan ang mga pinggan. Sa tingin ko ay kailangan pa ng panahon ni Nola upang magkaroon ng lakas na ikwento sa kanila ang tungkol sa kaniyang buhay, sana naman ay maiintindihan nila iyon. "Sana nga lang  ay sabihin na niya sa amin,"ani ni Lauriel nang mahimasmasan na ito sa gulat, "Hindi naman namin si huhusgahan sa nangyari sa kaniya." "Matagal na rin kaming nagkasama nila Nola, at tanggap namin siya kung ano man siya,"dugtong naman ni Treyni. "Kung gano'n ay bigyan niyo muna siya nang oras, darating din ang panahon na kusa na itong magkwe-kwento sa inyo." Sabi ko atsaka ngumiti. Tumango naman silang dalawa sa sinabi ko at tinugunan din ako nang ngiti, "Sa ngayon ay magtungo na tayo sa sala upang pag-usapan ang plano ng asawa mo na maglakbay patungo sa ilog na iyon." "Ewan ko ba riyan at kung ano-ano ang nasa isip,"tugon naman ni Lauriel at napapa-iling na lang. Tumatawang naglakad na kami pabalik sa sala na kung saan naabutan namin si Draco at ang kaniyang mga anak na naglalaro. Si Nola naman ay naroroon na naman ulit sa harap ng bintana at nakamasid, samantalang si Sam naman ay karga-karga ang kaniyang anak sa kaniyang mga bisig. "Tapos na kayo?" Tanong ni Sam. Dumeritso na ako sa pang-isahang upuan atsaka umupo roon. Humarap naman si Nola sa amin atsaka nilingon ako, ngunit hindi naman nagtagal ay iniwas naman nito agad ang kaniyang tingin. "Halata naman yata, hindi ba?" Tanong ni Treyni, "Minsan talaga napapa-isip na ako sa utak mo." "Manahimik ka,"tugon naman ni Sam. "Alam niyo, kanina, Si Lauriel atsaka Draco iyong nag-aaway sa kusin, ngayon naman ay kayong dalawang magka-kapatid. Baka sa labas nang bahay ay kayo na Nola at Kori?" Sabi ng asawa ni Sam atsaka tumawa. "Hindi naman,"tugon ko. Inirapan naman ni Treyni ang kaniyang kapatid atsaka kunot noong sumandal sa kaniyang upuan sabay humalukipkip. "Ano na ngayon ang pag-uusapan natin?" Tanong ni Sam, "Ano ba ang gusto niyong mangyari? Huwag kayong mag-away mag-asawa, huwag niyo na simulan." Natawa naman ako nang bigla na lang itinaas ni Sam ang kaniyang kamay sa harap nang dalawang 'to. Paano ba naman kasi ay magsasalita na sana si Lauriel at Draco ng sabay, ngunit buti na lang at napigilan pa ni Sam. "Sang-ayon naman ako sa pina-plano ni, Draco,"ani nang asawa ni Sam, "Isa pa isa na rin yata 'tong ensayo para sa mga anak nila na darating din ang panahon na maglalakbay sila mag-isa." Kung sabagay ay tama nga naman. Maaring may mga makakasalamuha kaming mga halimaw o hayop na mahihina sa paglalakbay at pwede itong maging unang karanasan nila. "Sa tingin ko naman ay hindi gaanong delikado ang magiging paglalakbay natin, marami na ring mga mangangaso sa gubat na iyon kung kaya ay panigurado wala na roon ang mga malalakas na halimaw o hayop."Dugtong nito. Ngayon ko lang na pansin na nagsalita ang asawa ni Sam, pero sa katunayan niyan ay kung makapag-salita siya ay parang mas matanda pa siya sa aming lahat. Kalma lang itong magpaliwanag at laging nakangiti. "Kailangan din naman ni Kori nang bakasyon. Hindi lang puro misyon ang dapat niyang atupagin, hindi natin alam, baka sa susunod na araw ay may misyon na naman kayo pero hindi man lang kayo nagkaroon ng tsansa na makasama ang mga pamilya niyo sa ganitong klaseng paglalakbay." Ang lahat nang sinabi ng asawa ni Sam ay makatotohanan. Kung iisipin ay wala talaga kaming alam kung kailan kami makakatanggap ulit ng misyon. Maaring bukas o ngayon.  Tinignan ko naman ang dalawang mag-asawa na ngayon ay nakatingin na sa isa't-isa, tila ba nag-uusap ang mga mata nito. Hinayaan na muna namin sila at ibinalik ko ang tingin ko sa asawa ni Sam. "Ano sa tingin mo, Kori?" Tanong nito, "Kaya mo bang maglakbay ng isang buong araw patungo sa ilog na iyon?" Ngumiti naman ako rito at tumango, "Sa katunayan niyan ay wala naman itong problema sa akin,"sabi ko, "Masaya nga ako at naka-isip kayo ng ganito. Sa pamamagitan kasi nang paglalakbay ay mas lalong makikilala niyo ang isang tao, at mas lalong mahahasa niyo ang inyong mga kapangyarihan, lalong-lalo na sa mga batang ito." "Ayon naman pala,"ani ni Sam, "Ayos lang kay Kori, ano 'yong desisyon niyo?" "Sa akin ayos lang naman,"ani ni Treyni, "Wala naman talaga akong pinipili, atsaka isa pa, kung may halimaw o hayop man ay nandito naman kami ni Kori na susuporta sa inyo upang matalo ang mga iyon, hindi ba, Kori?" Bigla na lang umakbay si Kori sa akin at ngumiti, tumango naman ako sa kaniya. "Kung gayon ay sasama kami,"ani ni Lauriel, "Tama nga naman kayo, isa na rin itong ensayo para sa aming mga anak. Habang bata pa sila ay mas mabuti na iyong alam na nila kung ano talaga ang nasa labas ng bayan na ito." Tumayo na naman si Lauriel sa kaniyang upuan atsaka tinawag ang kaniyang mga anak. Nagmamadaling tumakbo si Driel at Freya papunta sa kanilang ina atsaka ngumiti. "Aalis na muna kami,"paalam ni Lauriel, "Magsisimula na kaming mag-impake. Bukas na bukas din ay aalis na tayong lahat. Magdala na rin kayo nang mga pagkain at iba pa na kailangan natin." "Mag-ingat kayo!" Sabi ko, tumango lamang ang mga ito at tuluyan nang nagpa-alam. Sunod naman na tumayo sina Sam at ang kaniyang asawa. "Kailangan na rin yata naming mag-impake,"sabi ni Sam, "Marami pa kaming kakailangan bilhin. "Sige,"sabi ko atsaka tumayo na upang ihatid sila sa pinto, "Magi-ingat kayong lahat." Tumango lamang sila atsaka naglakad na pauwi. Naiwan na lang kaming tatlo ni Nola at Treyni dito sa bahay. "Ikaw, Nola?" Sabi ko atsaka lumapit sa kaniya, "Wala ka bang balak umuwi at mag-impake?" "Aalis na rin ako, babalik ako rito pagkatapos,"sabi nito atsaka bigla na lang nawala. Nagulat naman ako nang bigla na lang may humawak ng mahigpit sa kamay ko bago ito binitawan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD