Chapter 48

3019 Words
Habang naglalakad ako ay nakatingin lamang ako sa paligid habang suot-suot pa rin ang hoodie. Napakaraming tao rito sa labas, halatang-halata na sobrang saya nila sa kanilang mga ginagawa. Wala na rin akong makita na mga pulubi rito sa daan. Siguro ay nakabili na ang mga iyon ng sarili nilang mga bahay. Kaya siguro wala na rin akong makitang sale o tinda na mga bahay sa online. Iba talaga ang epekto ng pagbabago ng pangyayari na ito sa mundo.  Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi kasi ito ang aming nakasanayan. Siguro, sa iba ay ito ang nakakabuti para sa lahat pero para sa akin ay hindi. Alam kong may ibang mangyayari sa mundo kaya ito nangyayari, at iyon ang nais kong malaman.  Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago ko sinalpak sa aking tenga ang aking headset. Kunot-noong idinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang taong naka-yakap sa akin ngayon. Teka, sino ba 'to? Inilibot ko naman ang aking paningin at nakitang nasa ilalim pala kami ng punong kahoy at bakit parang hindi naman ito ang hinihigaan ko kagabi. Dahan-dahan naman akong bumitaw sa pagkakayakap ni Nola na ngayon ay sobrang himbing ng tulog sa tabi ko at umupo. Anong oras na ba? Bakit ang tagal ko naman yatang na gising at sobrang tirik na ng araw? Kitang-kita ko rin ang mga taong naglalakad sa gitna ng bayan at sa tingin ko ay namamalengke na ang mga ito. Lagot kami sa apat na iyon, panigurado ay hinahanap nila ako at pati na rin si Nola. Ibinaling ko naman ang atensiyon ko sa taong nasa tabi ko at yinugyog ang balikat nito. "Nola,"tawag ko rito, "Nola, gising." Dahan-dahan naman itong gumalaw atsaka iminulat ang kaniyang mga mata. Umupo na ito sa aking tabi habang kusot-kusot ang kaniyang mga mata na parang isang batang ginising ng kaniyang ina upang kumain nang umagahan. "Anong nangyari?" Bulong nito. Natawa naman ako sa mukha niya at umiwas ng tingin. "Anong oras na ba? Bakit sobrang tirik na ng araw?" Tanong ko rito.  "Malapit na magtanghalian,"ani nito, "Alis na tayo." Ibinalik ko naman ang tingin nito sa kaniya at nakitang naka-pikit pa rin ang isang mata nito habang napa-palingon sa paligid. Hindi ko inaasahan na mayroong ganitong personalidad pala si Nola. Mukha rin siyang bata kapag kaka-gising lang. Kinuha na nito ang kumot na hinihigaan namin at tinupi, pagkatapos ay nag-unat muna ito nang huling beses atsaka hinawakan ang kamay ko. "Magandang umagang tanghali sa iyo, binibini,"ani nito at tumawa. Natawa naman ako sa biro nitong pinaghalo ang umaga ang tanghali dahil sa matagal kaming na gising. Iyan ang resulta kapag puro daldal at gala ang nangyayari. Hindi na lang kasi nagpahinga sa bahay. "Huwag ka na lang magbiro, Nola,"sabi ko, "Masiyadong tanghali na para sa biro mo." Naglalakad na kami ngayon pababa sa burol at pupunta na sa pasukan ng bayan. Medyo nahihirapan pa rin ako pero salamat sa tulong ni Nola ay hindi naman ganoon kahirap. Minsan ay tinutulungan niya akong hilahin pataas ang aking damit dahil sa sobrang haba nito at minsan ay naapakan ko pa. "Bakit ba kailangan ay ito pa ang sinusuot mo?" Tanong ni Nola. "Ganito naman talaga manamit ang mga babae, hindi ba?" Tanong ko rito. Napapa-iling na lang si Nola atsaka inilahad ang kaniyang kamay na agad ko naman na tinaggap. "May ilang mga tindahan ng damit dito sa bayan na nagbebenta ng hindi ganiyan. Sakto lamang ang haba nito at makaka-lakad ka pa ng maayos,"ani nito. "Sisiguraduhin ko na bibisatahin ko 'yan,"sabi ko atsaka tumalon na. Sa wakas ay nakarating na rin kami sa harap nang pasukan ng bayan. Naka-ngiting pumasok na kami sa loob at nagmamadaling naglakad patungo sa bahay ni Treyni. Panigurado ay nag-aalala na ang mga ito at baka kung ano na naman ang isipin ng mga babaeng 'yon. Minsan ay hindi ko pa naman kaya ang mga iniisip nito. Bumuntong hininga na lang ako at lakad-takbong nagtungo roon. Napakarami nang tao sa bayan at parang mas marami pa yata ito sa normal na populasyon nila simula noong dumating ako. "Mukhang mas lalong marami ang nakaka-alam sa kapangyarihan mo, Kori,"ani ni Nola at ngumiti sa akin. "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko. "Kita mo naman siguro kung gaano karaming tao dito sa bayan na ito ngayon. Ngayon ko lang muling nakita ang bayan na sobrang daming tao,"ani nito habang nakatingin sa paligid at naka-hawak sa aking kamay. Panigurado ay natatakot pa rin ito sa mga taong nasa paligid niya, hindi talaga biro ang dami ng tao ngayon sa bayan.  "Kailan ba ulit babalik sa paggagamot ang taong iyon?" Tanong nang isang matanda habang bumibili ng pagkain. "Hindi ko alam, tanging ang alam ko lang ay may sakit ito ngayon." "Mas lalong dumarami ang mga tao dito sa bayan simula noong nalaman nila na may manggagamot dito na kayang pagalingin lahat ng sakit." "Kailan kaya ulit siya babalik?" Ilan lamang iyan sa mga narinig kong bulungan sa paligid. Sa tingin ko nga ay ako iyong rason bakit mas lalong dumarami ang tao. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti nang makita ang mga 'to na nangangailangan ng tulong ko. Mas marami na akong magagamot ngayon, mas marami na akong matutulungan. Sabi ko na nga ba at marami talaga ang nangangailangan ng tulong ko. "Alam ko na iyang iniisip mo, Kori,"ani ni Nola sa tabi ko at pinisil ang aking kamay, "Ngunit lagi mong tatandaan na hindi mo dapat inaabuso ang iyong katawan at kapangyarihan." "Alam ko naman iyon,"sabi ko. "Hindi pa natin gamay ang kapangyarihan na nakapaloob sa atin, wala akong sapat na pagsasanay sa kapangyarihan ko at ganoon ka na rin at pati sila Draco." Saad nito, patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kanto na kung saan kami liliko papunta sa bahay ni Treyni. "Ano ang ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ko at biglang napa-tigil. Kitang-kita ko ang lalim ng pagbuntong hininga ni Nola bago lumapit sa akin at lumingon sa bawat gilid namin. Tila ba sinisigurado na walang kahit na sino man ang makakarinig sa pinag-uusapan namin. "Hindi ba at na kwento na namin sa iyo ang ilang taong may mga kapangyarihan na hinuhuli at ginagawang alipin?" Tanong nito, tumango naman ako sa kaniya bilang tugon, "Hindi lamang hanggang doon ang kwentong iyon, marami ka pang dapat malaman tungkol sa mga kapangyarihan natin, ngunit, hindi ko pwedeng sabihin sa iyo 'yon dahil hindi rin sapat ang mga kaalaman ko." "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin sa kaniyang mga sinabi. Hindi ba at ilang ensayo na ang na daanan ko? Saan pa ang kulang? Akala ko ba ay 'yong mga natutunan ko sa batong iyon ay ganoon lang talaga ang lahat, ngunit may iba pa pala? "Hindi ko kayang ipaliwanag ito sa iyo ngayon, Kori,"ani nito at huminga nang malalim, "Ngunit balang araw ay maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin." Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Tahimik ko lang tinatahak ang daan pabalik sa bahay ni Treyni. Habang naglalakad kami patungo roon ay napa-isip ako kung ano pa ba ang kulang sa aking mga nalaman. Masiyado ba talagang malawak ang mundo ng kapangyarihan? Ano pa ba ang kulang, gusto ko 'tong malaman dahil gusto ko rin mas umangat pa ang antas ko at mas makatulong ako sa mga taong nangangailangan. "Aray,"daing ko at napa-hawak sa aking noo. Tinignan ko naman ang taong nasa harap ko na bigla na lang itong tumigil. "Nandito na tayo,"ani nito. Ini-angat ko naman ang aking paningin at nakita si Nola na nakatingin lamang sa akin. "Sige,"sabi ko at agad na binuksan ang pinto. "At saan kayo galing?"  Nagulat naman ako nang hindi pa nga ako nakaka-pasok sa loob ay sinalubong na ako nang mga mukhang nagtatanong. Hawak-hawak ni Draco ang kaniyang anak na si Freya habang si Lauriel naman ay humalukipkip sa tabi nito. Samantalang si Sam naman ay napapa-iling na tumingin sa amin,at si Treyni ay nakahawak sa beywang nito habang naka-kunot ang kaniyang noo. "Hindi ba at may sakit ka pa?" Tanong ni Treyni, "Bakit ang aga mo lumabas ng bahay?" Nanatili pa rin akong nakatayo roon at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko ba na lumabas lang ako at nagpapa-hangin ngunit kasama ko si Nola. Hindi ko na pansin na naka-tulog na ako katabi ito? Ngunit baka kung ano na naman ang isipin nila at maaring hindi ito maniwala sa palusot ko, pero, Hindi naman talaga ito palusot. Hindi ba? Totoo naman talaga ang sinasabi ko na kasama ko talaga si Nola at natulog lang kami. "Magaling ka na ba?" Tanong ni Lauriel, "Ngunit hindi naman ibig sabihin na magaling ka ay aalis ka na lang basta-basta. Kailangan mo pa rin magpahinga dahil baka masinat ka." "Maayos na ang pakiramdam ko,"tugon ko at bumuntong hininga. Buti naman at nakapag-salita na ako, akala ko pa naman ay walang balak na itong bibig ko na sagutin ang mga tanong nila. Kitang-kita ko naman ang sabay-sabay na pagsingkit nang kanilang mga mata at inilipat ito sa taong nasa likod ko, at walang iba na si Nola. Pabalik-balik lamang ang tingin nilang lahat sa akin at kay Nola bago ito ngumiti at tumalikod na. "Kaya naman pala,"ani ni Treyni atsaka huminga nang malalim. "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito, ngunit hindi lamang ako nito pinansin at bumalik na sa kaniyang ginagawa na pagluluto. Nagtataka naman akong napatingin sa lahat na ngayon ay abala na sa kani-kanilang ginagawa. Ano ba ang ibig sabihin nang mga iyon? Lumingon naman ako sa likod ko at kitang-kita ko ang naka-kunot noo na si Nola. Siguro ay binantaan na naman nito ang mga taong iyon. Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na lang patungo sa sala. Umupo ako sa isang upuan at hinarap si Draco. "Ang aga niyo yata rito?" Tanong ko. "Anong maaga ka riyan? Hindi ba at tanghali na ngayon?" Ani ni Draco at ibinaba ang kaniyang anak, "Masiyado lang yata napa-sarap ang pamamasyal niyo kaya hindi niyo na napansin ang oras." "Sinundan lang ako ni Nola,"paliwanag ko, "Hindi ko naman alam na mahahanap niya ako agad." "Oo na lang,"ani ni Draco at tumawa. "Hindi mo naman kailangan itago sa amin, Kori,"naka-ngising saad ni Lauriel at pinunasan ang mukha ni Driel, "Kung gusto niyo lang naman pala mag-sama ay pwede niyo naman sabihin sa amin, hindi naman namin kayo pipigilan." "Huwag kayong mag-isip ng ganiyan,"sabi ko, "Alam niyo naman na walang ibang ibig sabihin ang pagsasama namin ni Nola." "Ang layo nang iniisip niyo sa katotohanan,"ani ni Nola at umupo na rin sa tabi ko. "Nai-kwento ni Kori sa akin na mayro'n daw kayong sasabihin?" Tanong nito. Nagkatinginan naman sina Draco at Sam atsaka napakamot sa kanilang mga ulo. "Hindi ka pa namin sinabihan tungkol sa pagbabago nang pagbabantay kay Kori?" Napatingin naman ako kay Nola nang hindi ito umimi-imik. Ibininalik na naman pala nito ang takip sa kaniyang mukha, ano na naman kaya ang nasa isip nito ngayon. "Dahil nga sa ayaw ni Kori na bantayan namin siya dahil nga raw ay may mga pamilya kami, na isip namin na ikaw na lang ang magbantay sa kaniya,"paliwanag ni Sam, "Ikaw lang naman ang mag-isa sa bahay atsaka ikaw 'yong pinaka-mabilis sa ating lahat." Sumandal naman si Nola sa upuan namin pagkatapos nitong ayusin ang takip sa kaniyang mukha. Pagkatapos ay tinitigan niya lamang si Sam at para bang may hinihintay pa itong sabihin. "Kung iyon ay ayos lang sa iyo,"sabi ni Sam.  Tahimik lamang si Nola habang nakatitig pa rin kay Sam, habang si Sam naman ay parang nai-ilang na ito sa mga titig niya. Ayaw na ba ni Nola na bantayan ako? Bakit parang sa tingin ko ay nagda-dalawang isip na ito na sagutin si Sam. Ilang sandali pa ay ibinaling naman ni Nola ang paningin niya sa akin na agad kong ikina-gulat. Umayos ako nag upo at humarap sa gawi nang mga bata. "Wala lang naman iyon sa akin,"tugon ni Nola, "Ilang araw na naman akong nagba-bantay sa babaeng 'yan. Huwag kayong mag-alala, ako na ang bahala sa kaniya." Napa-ngiti naman ako sa sinabi nito. Hindi ko man alam kung bakit pero masaya ako na pumayag siya. Siguro nga ay mas komportable ako na siya ang magiging kasama ko. "Mabuti naman kung gano'n!" Sigaw ni Sam atsaka tumayo, "Simula ngayon ay ikaw na 'yong aasahan ko na mag-bantay kay Kori. Maari ka ritong manatili sa bahay ni Treyni kung gusto mo." Napalingon naman kami sa may kusina nang biglang narinig namin ang malakas na pagbagsak nang isang bagay sa lamesa. Naka-kunot ang noo ni Treyni habang nakatingin sa amin. "At sinong may sabi na pwede?" Tanong nito. "Hindi ba?" Nagbago naman ang ekspresyon sa mukha nito atsaka ngumiti nang sobrang lapad. Aba, ano na naman kaya ang iniisip nito. Mukhang may plano na naman yata itong babaeng 'to ah? "Ayos lang naman,"saad nito, "Basta magkatabi silang dalawa matulog. Alam niyo na, mas safe kapag ganoon. Hindi ba Lauriel?" Kumindat naman ito at ngumiti. "Tama nga naman,"sang-ayon nito. "Manahimik kayo, kung kayo niyong tirisin kayo isa-isa,"sabi ko at umirap. Tumawa lamang silang lahat pwera na lang sa amin ni Nola. Bumalik na sa pagluluto si Treyni, samantalang ang dalawang lalaki naman ay abala sa pag-aasikaso sa kanilang mga pamilya at ganoon na rin si Lauriel. Masayang nakikipag-laro lamang ang mga ito sa kanilang mga anak. Kailan na naman kaya kami magkakaroon ng misyon? Oo nga pala, hindi ko pa rin natatapos ang ilang mga taong nangangailangan ng tulong ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa dami nang taong nandoon sa bayan at ako pa talaga ang pinuntahan nila. Kung gugustuhin ko lang ay nais ko na sanang puntahan ang mga ito at simulan na silang gamutin ngunit, kailangan ko munang magpagaling. Sabi nga ni Nola ay hindi ko dapat inaabuso ang katawan at kapangyarihan ko. Siguro ay may koneksyon ito sa sinabi niyang may ibang mga bagay pa kaming hindi nalalaman tungkol sa kapangyarihan namin. Siguro ay may alam ito sa bagay na iyon ngunit hindi lang niya masabi-sabi sa akin. Gusto ko sanang malaman ngunit parang walang balak naman yata itong sumagot sa tanong ko. Ngunit, kung totoo talaga ang sinasabi niya, may kulang pa pala sa mga impormasyon na nalaman ko patungkol sa mga kapangyarihan ko noong nandoon pa ako sa ibang mundo? Huminga na lang ako nang malalim at sumandal sa upuan. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang aking katawan. Medyo nagiging maayos na talaga ang pakiramdam ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang pagdaloy ng kapangyarihan ko sa buong meridian ko at ang mainit na enerhiya sa iba't-ibang bahagi nang katawan ko. Kusa na lang talaga na ginagamot ng aking kapangyarihan ang sakit ko. Pinapakiramdaman ko lang ang pagdaloy ng enerhiya nang biglang may humawak sa kamay ko na naging dahilan ng pagmulat nang aking mga mata. "Nola?" Nagtatakang tanong ko rito. "Kanina pa kita kina-kausap, ang lalim yata nang iniisip mo,"ani nito, "Ayos ka lang ba?" Ngumiti naman ako sa kaniya atsaka umayos ng upo bago tumango, "Oo naman, pinakiramdaman ko lang ang katawan ko." "Akala ko ay may masakit na naman sa iyo,"tugon niya atsaka bumuntong hininga, "Hindi ka na sana lumabas pa kagabi. Ayan tuloy, baka bumalik 'yang sakit mo." Umiling naman ako sa kaniyat atsaka itinaas ang kamay ko, "Kita mo 'to?" Tanong ko sa kaniya at ipinakita ang kamay ko na namumula, "Ito ang senyales na kusang ginagamot nang aking kapangyarihan ang katawan ko. Tuluyan nang nawala ang sakit ko, kaya 'wag ka na mag-alala." Hindi na naman umimik si Nola kung kaya ay hinayaan ko na. Lumingon ako sa gawi ni Treyni na ngayon ay abala na sa paglagay ng ilang plato sa lamesa. Tumayo na ako atsaka lumapit dito at tinulungan siya. "Ako na, Kori,"ani nito, "Hindi mo na kailangan pa akong tulungan. Kaya ko naman." Ngumiti lang ako sa kaniya atsaka kumuha na ng ilang pinggan. Alam ko naman na gustong-gusto na nitong may tumulong sa kaniya, at nakakahiya naman, siya na nga iyong nagluluto tapos siya pa 'yong mag-aayos ng lamesa. "Ako na rito, Treyni,"sabi ko. "Wala naman akong ginagawa kung kaya ay hayaan mo na lang akong tumulong." "Ayos ka na ba? Baka ma-binat ka,"nag-aalalang sabi ni Treyni. Ngumiti lang ako sa kaniya atsaka umiling. "Ayos na ako, kusang ginagamot na ng kapangyarihan ko ang sakit na nararamdaman ko,"sabi ko, "Huwag ka na lang mag-alala at tapusin na nating ito. Mukhang kanina pa silang nagu-gutom lahat." Tumango lamang si Treyni atsaka nag-pasalamat, ngumiti lang ako sa kaniya bilang tugon. Nagpatuloy na ako sa pagha-handa hanggang sa matapos na rin kami sa wakas. "Hali na kayo at kakain na!" Sigaw ni Treyni. Sabay-sabay naman na tumayo ang mga ito at nagtungo rito sa lamesa. Kumuha muna ako nang baso atsaka nilagyan ng tubig, pagkatapos ay ibinigay ko ito sa kanila bago umupo sa aking pwesto. "Ayon! Ang sarap yata ng pagkain natin ngayon?" Tanong ni Draco at masayang kumuha nang isang pirasong tinuhog na karne. "Syempre,"ani ni Treyni, "Kailangan natin magdiwang dahil gumaling na ang ating nag-iisang Kori." "Possible ba siyang maging dalawa, Treyni?" Biro ni Sam atsaka tumawa naman itong si Draco. "Hindi ko talaga alam bakit ka nagkaroon ng asawa,"ani nito, "Seryoso ka na ba riyan sa asawa mo?" Nagulat naman ang babae sa tanong nito ngunit agad din ngumiti, "Iyan nga rin ang iniisip ko ngayon. Bakit nga kami kinasal ulit?" Tumawa naman kaming mga babae at pati na rin si Draco, nai-iyak na tinignan naman ni Sam ang kaniyang asawa na ngayon ay tumatawa na lang. "Mahal naman,"ani nito, "Huwag ka namang ganiyan." Masayang nagsalo-salo lang kaming lahat habang nagke-kwentuhan nang ilang mga bagay. Ilang sandali pa ay na tapos na rin kami, ngunit hindi pa rin kami umaalis sa aming mga upuan. "Oo nga pala,"ani ni Treyni, "Napansin niyo ba kung gaano karami ang mga tao ngayon sa bayan?" "Iyan din ang napapansin ko,"tugon ni Sam, "May nangyari kaya? Wala naman sigurong mga halimaw sa paligid ng bayan natin, hindi ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD