Agad akong umatake sa kinakalaban nila habang pinapanatiling tinatago ang aking presensiya. Alam kong alam na nila na hindi lamang ang grupo nila ang kasalukuyang nandito, lalong-lalo na ang kanilang nag-iisang assassin. Kitang-kita ko kung paano nataranta ang mga ito nang bigla na lang bumagsak ang kanilang kinakalaban. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ito kahina, iyong tipong isang atake ko lang at skill ay nakahandusay na sa sahig. Hindi pa naman ito patay ngunit, halos kalahati na lang ang health bar nito. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi bago ko inayos ang headset na suot-suot ko. Pagkatapos ay agad kong pinindot ang letter Q sa aking keyboard upang mapalabas ang unang skill. Tinapunan ng ilang katana ang katawan ng kalaban namin na naging dahilan ng pagdaing nito, mas lal

