Lumipas lamang ang segundo at narinig ko na ang malakas na ugong na nagmumula sa itaas. Sabi ko na nga ba at aatake ito agad eh. Habang hinihintay ko itong bumaba ay pinalitan ko muna ang aking sandata ng mas matalim na katana, ibinaliko ko na sa invetory ang dalawa kong katana at napatingin sa itaas. Isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula sa itaas at kasabay nito ang pagbagsak ng ilang mga debri. Agad na lumapag sa aking harapan ang isang napakalaking gagamba na sa tingin ko ay kasing taas ng anim na palapag. “I didn’t know that you existed in this game,”bulong ko habang nakatingin sa aking monitor. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi at nagpatuloy lamang sa paglalaro. Mas lalong umungol ng sobrang lakas itong gagamba at siya naman ang pagbaba ng mga langgam mula sa itaas.

