3rd boss? Ibig sabihin ba nito na mayroon pang ibang boss bukod sa halimaw na ito? Kung gayon, ano kaya ang iba pa nilang drop items? Gusto ko tuloy sila puntahan at patayin para makita agad. Sigurado ako na sobrang mahal ng mga items na iyon at panibagong pera na naman ito para sa akin. Pagkatapos ko siguro makuha ang items na gustong kunin ng client ko ay isusunod ko na ang mga bosses sa gate na ito. Tapos na rin ako sa pag-eensayo. Siguro naman ay handa na ako para sa event, pupunta muna ako sa bayan at alamin ang kabuuhan nito, hindi maaring basta-basta na lamang ako aatake na parang hindi importante sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko. Alam kong magiging mahirap ang event na ito, hindi lamang dahil sa nakikita ko ang iba kong mga kakilala na sobrang abala sa pagbili ng mga equipmen

