Pinag-uusapan ng mga ito ang papalapit na event, karamihan sa kanila ay nag-aaya ng mga player na sasama sa kanilang grupo. Ang iba naman ay puro katarantaduhan lamang ang ginagawa. “The event will start after an hour,”basa ko sa isang notification sa itaas. Mas lalong nakakagulo ang mga player sa world chat na naging dahilan ng aking pag-iling. Newbies. Lumipas ang ilang sandali at bigla na lang umitim ang screen ng aking pc. Akala ko ay na sira na ito ngunit umaandar pa rin naman ang System Unit. What? Isang apoy ang lumabas sa screen at kasabay nito ang paglabas ng event title. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa ganda ng graphics nila ngayon. Naalala ko pa noon na ilang beses ko pa itong nilait dahil sa sobrang panget ng graphics nila, ngayon, kita mo nga naman, sobrang ga

