Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga tao na nasa paligid. Kung kanina at walang masiyadong tao rito sa daan, ngayon ay halos bawat lingon ko ay makikita ko ang mga ito, nakaturo sa direksiyon sa kung saan ako nanggaling. Ang bilis lang talaga kumalat ng mga balita sa lugar na ito. Kakatapos ko pa nga lang sa aking mission ay bigla na lamang maraming nakapalibot sa lugar na ito. Huminga ako nang malalim at inilibot ang paningin. Salamat naman at wala ng masiyadong tao sa lugar na ito, halos lahat na yatang tao sa bayan na ito ay nasa gate. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang marinig ko ang usapan ng dalawang tao sa aking likuran. “Nakit mo ba ang lalaki kanina?” Tanong ng isa. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil nakatalikod ako sa mga ito. Wala rin akong balak

