Sa lahat ng tao yata sa mundong ito. Tanging ang lalaking ito lamang ang aking kayang pagtiwalaan sa lahat ng bagay. Hindi lamang sa tinatago niya talaga ang lahat ng sekreto na malalaman niya, bagkos ay kaya nitong kalimutan ang pagiging magkaibigan niyo kapag pinilit mong malaman ang isang sekreto. Ayon nga sa kaniya, kahit patayin man siya ng kahit na sino. Hinding-hindi siya magsasalita sa kahit na kaunting impormasyon patungkol sa kaniyang kaibigan. Huminga ako ng malalim at tinalikuran na ang mga ito. Napatingin ako sa babae na ngayon ay putlang-putla na at hindi na alam kung ano ang kaniyang gagawin. Napapailing na naglakad na lang ako patungo sa opisina ng taong ito. Nang makarating na ako sa harapan ng kaniyang opisina ay isang babae ang bumungad sa akin. Ang secretary ng taong

