Nang tuluyan na akong makalabas sa gusaling iyon ay agad akong dumeritso sa kabilang bahagi ng karsada na kung saan naroroon ang isang restaurant na sa tingin ko ay bago pa lang. Hindi ko kasi ito nakita noong mga panahon na nagta-trabaho pa ako sa gates. Masarap kaya ang mga pagkain nila rito? Malalaman ko rin naman iyan kung bibili na ako. Agad na akong pumasok at isa lang ang masasabi ko. Ang amoy ng pagkain ng lugar na ito ay umiikot sa buong silid. Hindi lamang ito mabango, nakakatakam pa tignan ang mga imahe na naka-kabit sa dingding. Napakarami na pa lang tao na nakapunta rito, mahahalata talaga dahil sa dami ng mga polaroid na naka-dikit sa dingding. Napa-pikit ako at ninanamnam ang amoy. Nakaramdam tuloy ako ng gutom dahil dito. Isang babae ang naglakad papalapit sa akin at yumu

