Nang matapos ko ng sabihin kay Martini ang lahat ng nalaman ko ay agad akong nagpaalam sa kaniya. Wala rin akong balak pa na magtagal doon dahil napakarami ko pang kailangang gawin, gaya na lang ng paghahanda. Marami pa akong dapat ipasok sa bag. Tahimik lamang akong naglalakad nang may maramdaman ako na kumapit sa aking dumait. Mabilis ko itong liningon at nakita ang batang sinagip ko kanina. Nakayuko ito habang hawak-hawak pa rin ang damit ko. “Bakit?” Tanong ko sa kaniya at umupo upang mapantayan ko ang height niya, “May gusto ka bang sabihin sa akin? Ano iyon?” Hindi ito makatingin ng tuwid sa akin. Ang kaniyang mga magulang ay nasa malayo lamang at nakatingin sa amin habang nakangiti. Wala akong alam sa kung ano ang gusto niyang sabihin, wala naman akong kakayahan na basahin ang n

