Isang kamay ang biglang humawak sa akin na naging dahilan ng muling paglingon ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ng dalawa kong kakilala na sina Kate at Martini. Hindi ko sila kayang tawagin bilang kaibigan dahil kahit kailan ay wala akong tinuring na ganoon. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga taong katulad nila. Oo nga at kaya ko silang pagkatiwalaan pero hindi naman ibig sabihin noon ay kaya ko na rin ituring sila na sobrang lapit para sa akin. “Alam namin kung gaano ka kalakas, Mark. Kilala ka na namin at saksi kami sa kung anong klaseng kapangyarihan ay mayroon ka,”sabi ni Martini at bumuntong hininga, “Ngunit, sigurado rin kami na isa ito sa mga misyon na panigurado ay hindi mo kakayanin. Masiyadong malakas ang mga halimaw sa loob ng gate na iyan. Masiyadong mata

