Hindi nga ako sigurado kung masasabi kung maituturing ko ba talaga itong isang Presidente. Nagpapakita lamang ang taong ito sa oras na alam niya na mapapakita niya sa ibang tao na may ginawa siya para sa lugar na ito. Ang mga oras na iyon ay kapag kalat na kalat na sa buong bayan ang tungkol sa isang gate. Katulad na lang nito, na labis ang atensiyon na nakukuha mula sa mga tao. Na sa oras na may ginawa siyang kabutihan ay paniguradong malalaman ng lahat. Isa siya sa mga taong pakitang-gilas o pakitang-tao. Gusto nitong pinupuri kahit halata naman sa kaniyang kinikilos na hindi siya ganiyan. Halos lahat ng tao ay alam na ang kaniyang paraan. Wala ni sino man ang may gusto sa kaniya sa mundong ito. Iyon nga lang at kahit na anong gawin namin, hindi na pwedeng mabago ang presidente namin.

