Game 30

3003 Words
Nakatingin lamang ako rito habang nag-iisip sa kung ano ang aking gagawin. Tatanggapin ko ba ang kaniyang sinasabing proposal o hindi? Hindi ko alam, at kung maari ay ayaw ko rin naman itong pakinggan. Huminga ako ng malalim bago ako tumalikod. Hindi ako sanay na may kasama sa pakikipaglaban, at lalong-lalo na hindi ako sanay na may kakampi. Sa laro nga ay napakaraming traydor, paano na lang kaya rito sa totoong buhay? Alam kong may iba rin silang motibo kaya hindi ako sigurado kung tamang desisyon ba na magtiwala sa kanila. Tahimik pa rin ako bago ko siya hinarap atsaka ngitian, "Aalis muna ako at mag-iisip-isip sa kung ano ang magiging desisyon ko, babalik at babalik din ako rito,"paalam ko sa kaniya bago ako nagsimulang maglakad patungo sa isang gubat. Abala lamang ako sa paglalakad nang makarinig ako ng usap-usapan sa isang tabi. Agad akong tumago sa isang malaking puno at nakinig lamang sa kanila. "Anong nangyari sa kaniya?" Sigaw nang babae at lumapit dito. "Habang nasa kagubatan kami at nangunguha nang ilang tanim para sa gagawin namin na gamot ay bigla na lang may lumabas na napaka-laking lobo. Akala namin ay pwede namin itong libangin ngunit sobrang bilis ng kaniyang takbo at inatake na lang kami bigla,"paliwanag nito. Napatingin naman ako sa lalaki na ngayon ay namumutla na nakahawak sa kaniyang braso. Huminga naman ako nang malalim bago lumapit sa kanila at tinignan ang kaniyang sugat. Napaka-lalim nga nito. May ilang parte rin ng kaniyang katawan ang na butas, hindi ko alam kung anong klaseng hayop ang umatake sa kanila ngunit isa lang ang masasabi ko, napaka-mapanganib. "Pumunta ka sa mangagamot!" Sigaw nang babae na kumuha nang mga pagkain ko at binigyan nang isang kumot ang lalaki, "Walang ibang makaka-tulong sa kaniya kung hindi ay ang mangagamot sa bayan." "Iyon ang problema,"ani nang lalaki, "Wala kaming pambayad sa taong iyon at napaka-mahal nang singil niya sa bawat pag-gamot nang mga tao. Depende pa ito sa lalim ng sugat." May bayad ang magpapagamot dito? Bakit naman ganoon? Kung may mang-gagamot nga sa bayan na ito ay bakit hindi ito ang tinawag nang prinsesa? Matanong ko nga siya mamaya. Kumuha naman ng timba ang babae at pinunasan ang sugat nang lalaki. Dumadaing ito sa sakit at hapdi. "Kung sabagay ay tama nga naman siya,"ani nang taong nasa tabi ko at naka-tingin sa kaawang-awang lalaki, "Masiyadong bihira lamang ang may kakayahan na gumamot ng anumang sakit, kung kaya ay ginagamit ng mga ito bilang isang negosyo." Negosyo? Isang kakayahan na binigay sa iyo ay ginagawa itong negosyo? Pwede ba iyon? Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanila. Tumabi ako sa babae at tinignan ang kaniyang mga sugat. "Ano ang ginagawa mo binibini?" Tanong ng babae habang nililinis ang sugat ng lalaki. "Nais ko lang po tumulong,"sabi ko at pinikit ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang enerhiya na dumaloy sa aking katawan hanggang sa uminit ang aking mga palad. "Farmakeftikós." Iminulat ko na ang aking mga mata at nakita ang ilang mga hugis bilog na simbolo na may tatsulok sa gitna na lumitaw sa ibabaw ng mga sugat nito. Unti-unti namang umilaw ang mga bilog at kasabay nito ang pagsigaw nang lalaki at pagkawala ng kaniyang mga sugat. Ilang sandali pa ay na tapos na rin sa wakas ang kaniyang pagdaing at tumayo na ako upang bumalik sa aking pwesto. Ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa akin habang kinakagat ko ang aking tinapay. Alam ko naman na gulat na gulat ang mga ito dahil paano ba naman? Isang kapangyarihan na napakabihira ay binibigay lang ng libre. Patuloy lamang ako sa pagkain hanggang sa maubos ang tinapay ko. Kinuha ko na ang aking maiinom at nakitang wala na pala itong laman.  Oo nga pala at naubos ko na ito kanina. Aalis na sana ako nang bigla na lang may inilagay na baso sa harap ko na may laman na kaparehong-kapareho sa iniinom ko na katas ng prutas. "Hindi ko po ito binili,"sabi ko at ngumiti sa kaniya. Umiling lamang ang babae at ngumiti sa akin. "Pasa-salamat ko na iyan sa pagsagip mo sa aking kaibigan." Ani nito. Nagulat naman ako nang bigla na lang tumabi sa akin ang taong sugatan kanina at ang kaniyang kasama. Naka-ngiti ang mga ito habang dala-dala nila ang isang lalagyan ng pera. Naku po! Inilahad nito ang dala-dala nila at yumuko. "Tanggapin mo ito bilang bayad. Alam ko na hindi ito sapat ngunit,"hindi ko na ito hinayaan pa ituloy ang kaniyang sasabihin at umiling na lamang sa kaniya.  "Ano ang iyong ibig sabihin?" Tanong nito. Tinulak ko ang kaniyang kamay bilang tugon na hindi ko ito tatanggapin. "Hindi po ako tumatanggap ng bayad,"sabi ko, "Nandito lang po ako upang tulungan ang mga nangangailangan. Kung may kakilala kayong kailangan may sakit o kahit anong sugat ay lumapit lang kayo sa akin. Gagamutin ko lang po ito ng libre, iyon nga lang ay hindi po ako magtatagal sa bayan na ito." Gulat na napatingin naman sa akin ang dalawa, pati na rin ang babae na nasa harap ko. Narinig ko pa ang ilang mga pinggan na nahulog at nang mapatingin ako sa paligid ko ay gulat silang nakatingin sa aking lahat.  Siguro nga ay hindi pangkaraniwan para sa kanila ang ginagawa ko. Nasanay yata silang lahat dito na ang lahat ng serbisyo ay may kapalit, ngunit iba sa sitwasyon ko. Nangako ako sa aking ama-amahan na sa oras na ako ay kapangyarihan gagamitin ko ang aking kapangyarihan sa tama at hindi ko ito gagamitin sa masama. Binigay ito nang maykapal sa akin kung kaya ay ibibigay ko rin ito sa mga nangangailangan. Kung iisipin ay hindi ko naman kailangan nang pera ngayon sapagkat sapat na naman iyong gantimpala nang hari sa akin. "Totoo ba iyan?" Tanong ng babae. "Opo. Hindi ko po kailangan ng kapalit dahil lamang sa tinulungan ko kayong gamutin. Lumapit lang po kayo sa akin at agad ko kayong tutulungan." Sabi ko at ngumiti sa kanila. Kinuha ko ang aking mai-inom. Nanatili lamang tahimik ang mga tao sa ilang saglit at sabay-sabay na naghiyawan. Hindi ko alam sa kung anong rason ngunit kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha. Lumapit naman ang isang lalaki sa akin na medyo may katandaan na at yumuko. "Maari niyo po ba akong tulungan?" Tanong nito. "Ano po ang matutulong ko sa inyo?" "Ilang linggo ng may lagnat ang aking apo. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha ngunit ayaw talagang bumaba ng kaniyang lagnat." Paliwanag niya.  "Kung gayon ay puntahan na po natin ang inyong apo at nang magamot na natin agad,"tugon ko rito. Ngumiti naman ang matanda at yumuko nang paulit-ulit. "Naku! Maraming salamat iha, maraming salamat sa iyo!" Ani nito. Tumayo lamang ako at hinawakan ang kaniyang balikat. "Sapat na po ang isang pasasalamat at hindi mo na po kailangan paulit-ulit na yuyuko,"saad ko. Ngumiti lamang ang matanda at nagsimula nang maglakad. "Salamat po sa libreng maiinom,"sabi ko sa babae at yumuko, "Mag-iingat na po kayo sa susunod, at kung kailangan niyo man ng tulong ay pumunta lang po kayo sa palasyo at banggitin ang pangalan ko." "Ano ba ang pangalan mo iha?" Tanong nito. Napa-hilamos naman ako sa mukha sa aking isipan nang maalala ko, hindi nga pa pala ako nakapag-pakilala. "Ako po si Mark,"sabi ko at ngumiti sa kanila, "Aalis na po ako." Sumunod na ako sa matanda hanggang sa makarating kami sa isang maliit na kubo hindi kalayuan sa tindahan na iyon. "Pumasok ka iha,"ani nang matanda at binuksan ang pinto. Sumunod naman ako sa kaniya at nagtungo ito sa isang silid na kung saan naroroon ang isang batang nakahiga. Maputla na ang balat nito at pati na rin ang kaniyang labi. Mukhang ilang linggo na nga itong nilalagnat. Namamayat na rin ang mukha nito pati ang kaniyang katawan. Hinawakan ko naman ang kaniyang noo at nilayo agad nang maramdaman ko ang labis na init mula sa kaniya. Possible pala na magkaroon ng ganitong kataas na lagnat? Ngayon lang ako nakasalamuha nang ganito. Iyong mga lagnat na nagagamot ko sa aming bayan ay hindi naman ganito kalala. "Kayo lang po ba dalawa rito?" Tanong ko sa kaniya. "Oo,"tugon nang matanda, "Wala rito ang kaniyang ina at ama dahil isa silang manglalakbay. Hindi ko na rin alam kung buhay pa ba ang mga iyon o hindi na." Napatingin naman ako rito at nakita itong nagha-handa nang tsaa sa kanilang lamesa. "Tulungan ko na po kayo,"sabi ko at kinuha ang takure sa kaniya. Binuhusan ko nang mainit na tsaa ang mga tasa at ibinalik ito sa lalagyan. "Salamat, iha,"ani nito, "Kaya mo bang gamutin ang kaawa-awa kong apo?" "Huwag po kayong mag-alala,"sabi ko, "Gagawin ko po ang lahat upang magamot ko lang ang inyong apo." Napa-ngiti lamang ang matanda at uminom na ng tsaa. Lumapit naman ako sa bata at ipinikit ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ulit ang init na dumaloy sa aking katawan atsaka ginamot na ito. Ilang sandali pa ay unti-unti ng bumalik sa sigla ang kaniyang balat. Nawala na rin ang paghihirap sa mukha nito at ang paglalim ng kaniyang pisngi. "Apo?" Tanong ng matanda at lumapit sa bata. Unti-unti namang minulat ng bata ang kaniyang mga mata at napatingin sa paligid. Nang dumako ang kaniyang tingin sa matanda ay hindi nito na pigilan ang sarili na umiyak. "Lolo!" Sigaw nito at tumayo.  "Apo!" Sigaw ng matanda at yinakap ang bata. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan ng dalawang 'to sa isa't-isa. Siguro nga ay sa kaniya na lumaki ang bata kaya ganito na lang ka-lapit silang dalawa sa isa't-isa. "Magaling ka na, apo!" Ani ng matanda, "Salamat, Kori." Ngumiti lamang ako sa kaniya at tumango. Umupo na lang ako sa isang upuan at ininom ang aking tsaa. Nanatili lamang ako sa kanila nang ilang minuto bago ko naisipan na umalis na at bumalik sa palasyo. "Paalam ulit Kori, Salamat sa iyong pagtulong." Sabi ng matanda habang hawak-hawak ang bata.  "Salamat po,"malambing na sabi ng bata at yumuko. Hinawakan ko naman ang buhok nito at hinaplos. "Mag-iingat ka na ha?" Sabi ko at ngumiti sa kaniya, tumango lamang ang bata at ngumiti rin pabalik. Nagpa-alam na ako sa kanila at naglakad na pabalik sa bayan. Habang naglalakad ako rito ay nakita ko ang ilang mga tindahan na kakabukas pa lamang. Siguro ay magsisimula na ang palengke sa gabi, ayon sa mga nalaman ko tungkol sa kaharian na ito ay napakarami rawng pwedeng gawin sa bayan sa tuwing sasapit na ang gabi. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon, lalong-lalo na 'yong taong humahabol sa akin ay hindi ligtas para sa akin ang gabi. Kailangan ko na talagang magmadali, baka mapatay pa ako sa oras na ito kapag mas lalo akong magagabihan. Mabilis na naglakad na ako patungo sa palasyo ng may nahagip ang mga mata ko. Iyong lalaking hinabol ako kanina, inoobserbahan nito ang kaniyang paligid na tila ba may hinahanap. Teka, bakit pakiramdam ko ay ako 'yon? Pumasok ako sa isang tindahan at bumili ng isang balabal. Pagkatapos kong bayaran ay agad ko itong sinuot at naka-yukong lumagpas sa kaniya. Sinubukan kong iwasan ang tingin nito upang hindi ito magduda sa akin. Taas noo ko lamang nilakad ang daan papuntang palasyo habang naka-talukbong sa mukha ko ang ilang tela nang balabal. Sana naman ay hindi ako nito mapansin. Baka bigla na lang ako nitong mapatay ng wala sa oras. Hindi ko talaga alam kung ano ang intensyon niya at bakit lagi na lamang akong hinahabol. Sa pagka-alala ko ay wala naman akong ginawang masama. Wala rin naman akong kaaway, at kahit kailan ay wala akong inaway na tao. Hindi ko rin masasabi na inutusan ito dahil ilang taon na ba ako nitong patuloy na hinahabol? Apat na taon na ang nakaka-lipas simula noong insedente namin ni Tine tapos ngayon ay panibago na naman? Ano ba talaga ang intesyon niya? Bakit hindi na lang ako nito tigilan at hayaan akong mamuhay ng tahimik? Nang makalampas ako sa kaniya ay nakahinga naman ako ng maluwag. Naka-suot pa rin ako ng balabal ng makarating ako sa harap ng gate ng palasyo. Bigla naman itinaas ng mga kawal ang kanilang mga sibat at espada at itinutok sa akin. "Sino ka?" Sigaw nang isang kawal at lumapit sa akin. Naku naman po! Hindi ba ako nila nakikilala? Ilang oras lang naman akong nawala sa palasyo pero nakalimutan na nila ako. "Tanggalin mo ang iyong suot na balabal at magpakilala ka sa amin!" Sigaw nang isa. Teka. Oo nga pala! Suot-suot ko pa rin ang balabal na binili ko. Takte. Unti-unti kong tinaggal ang balabal sa aking katawan at tinignan ang mga kawal na nakangiti. "Nakalimutan niyo na po ba ako?" Tanong ko sa mga ito at napa-kamot sa aking ulo. Nagulat naman ang lahat at mabilis na binaba ang kanilang mga sandata, pagkatapos ay agad na sumaludo at umayos ng tayo. "Maligayang pagbabalik!" Sigaw nilang lahat at binuksan ang gate. Akala siguro nila ay espiya ako dahil sa suot ko. Napa-iling na lamang ako at pumasok na sa loob. Habang papasok ako ay nakita ko naman ang prinsesa na nakatayo sa harap ng pinto at parang may hinihintay. Nang makalapit ako sa kaniya ay bigla na lamang ako nitong yinakap at umiyak. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo,"saad nito. "Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko rito. "Ayon sa aking nalaman ay may humahabol daw sa iyo na isang taong may dala-dalang kutsilyo. Bakit hindi ka na lang bumalik dito sa palasyo?" Tanong nang prinsesa at hinarap ako. Napakamot naman ako sa ulo at ngumiti sa kaniya. "Pagpasensiyahan mo na,"sabi ko, "Hindi na naman na ulit pa. Nandoon pa nga siya sa bayan pero hindi naman ako nito na huli." "Paano kapag nahuli ka niya? Paano kapag napatay ka?" Tanong nito. "Gagaling at gagaling din naman agad ang mga sugat ko. Hali ka na at kumain, nagugutom na ako,"sabi ko sabay hila sa kaniya papasok sa loob ng palasyo. Sumunod naman ang prinsesa sa akin at sabay-sabay na nagsisiyukuan ang mga katulong. "Maligayang Pagbabalik,"saad ng mga ito. Ngumiti lamang ako sa kanila at yumuko rin pabalik, nakita ko pa nga ang gulat sa kanilang mga mukha ngunit hindi ko na lang ito pinansin. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa prinsesa, umiling naman ito at umayos ng tayo. "Hinintay kita upang sabay na tayong kumain." "Ganoon ba? Anong oras pala kayo bumalik?' Tanong ko rito. "Sa katunayan niyan ay kakabalik lamang namin,"tugon nito, "Na-una ng kumain ang aking kapatid habang ang aking ama naman ay dumeritso sa kaniyang silid upang asikasuhin ang ilang kontrata at iba pang mga dapat niyang gawin." "Ganoon ba?" Nakalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa kusina. Umupo na kami sa aming mga pwesto at nagsimula nang kumain. "Oo nga pala, Flora,"sabi ko. "bakit?" Tanong nito at tumingin sa akin. "May mangagamot pala dito sa inyong bayan, bakit hindi niyo iyon tinawag?" Tanong ko rito. Tumikhim naman si Flora atsaka uminom ng tubig bago nagpunas ng kaniyang labi. "Hindi masiyadong malakas ang kaniyang kapangyarihan kumpara sa iyo, Kori,"ani ng prinsesa, "Sinasabi lamang nito na kaya niyang pagalingin lahat ng mga sakit at sugat ngunit sa katotohanan ay hindi naman talaga. Inimbestigahan ko ang antas na mayroon siya ngunit hanggang ngayon ay nasa Vasikasos pa rin ito, stage 1." "Hindi ba at iyan ang pinaka-mababa?"Tanong ko. "Oo,"tugon ng Prinsesa. "Kung kaya ay hindi na namin ito tinawag at hindi na ako nag-abala pa na lapitan ito. Isa pa, tanging pera lamang ang iniisip niya at wala ng iba." "Ganoon ba." Sabi ko. "Tapos ka na ba?" Tanong nito sa akin, tumango lamang ako at ngumiti sa kaniya, "Kung gayon ay magpahinga na tayo sa ating mga silid. Naalala mo pa naman siguro ang pangako mo sa akin kanina, hindi ba?" "Syempre naman,"sabi ko. Ngumiti lamang ng sobrang lapad ang prinsesa sa akin at sabay-sabay na kaming tumayo. "Ngunit, hindi tayo aalis na wala tayong kasamang kawal." "Pero,"reklamo ni Flora. "Ikaw ang susunod na reyna ng Floridel, Flora, masiyadong mapanganib para sa iyo ang bayan ng kaharian na ito. Sabi mo ay nabalitaan mo ang taong humabol sa akin diba? Paano kapag nangyari ulit iyon? Ano ang magagawa mo kapag tayo-tayo lamang?" Natahimik naman ang prinsesa atsaka tumango. "Sige na nga!" Ani nito.  Nagpa-alam na kami sa isa't-isa atsaka nagtungo sa kani-kaniya naming kwarto at magpapahinga na. Nang makarating na ako rito ay agad akong tumalon sa aking kama at pinikit ang aking mga mata. Sobrang nakaka-pagod ang araw na ito, gusto ko lang magpahinga, hays! Lumipas ang ilang buwan at na tapos na rin ang aking misyon dito sa Kaharian ng Floridel. May ilang tao na rin akong nakilala at sa bayan na ito. Karamihan sa kanila ay mga ordinaryong mamamayan lamang at ilang mga maharlikang katulad ko. Mamaya ay aalis na ako sa bayan na ito upang magsimula na muling maglakbay patungo sa ibang bayan. Alam na ng mahal na hari at ng dalawang prinsesa ang tungkol sa pag-alis ko mamay, ganoon na rin ang iba pang mga tao sa bayan. Labis ang kanilang pagkalungkot ng malaman nila ito ngunit suportado naman nila ang pangarap ko. Napapa-ngiti na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang masasaya nilang mukha sa tuwing mayroong pagdiriwang sa tindahan ni Aling Cita. Siya ang may-ari ng tindahan na iyon at siya rin ang nagha-hatid ng mga pagkain sa kaniyang mga suki. Kasalukuyan lamang akong nakahiga rito sa aking kama at walang balak pang tumayo. Ilang buwan na ba akong nanatili rito? Dalawa? o Mahigit isa pa lang? Ngunit sa tingin ko ay mas matagal pa roon dahil sa pakikitungo ng mga tao sa akin dito sa bayan na ito. Napamahal na ang lahat sa akin at lalong-lalo na ang pamilya nila Flora. Mamimiss ko rin ang mga kasiyahan tuwing gabi sa tindahan nila Aling Cita. Iyong tipong may kaniya-kaniyang sayawan ang mga tao roon pagkatapos ng mahabang araw. Iyong mga libreng masasarap na pagkain at inumin mula sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapa-ngiti dahil dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD