Dumating na rin ang umaga, panibagong araw na naman sa aking buhay na kung saan ang mundo ay iba na sa kina gisnan ko. Ang real na mundo ay naging laro na at lahat ng tao ay nag iba na. Ang mga dating trabaho ay naging hindi na importante, lahat ng tao ay naka tuon nalang sa mga trabaho na nauugnay sa laro na mundo, tulad ng mga hunters, farmers, shopkeepers, traders, at marami pang iba. Ang modernong mundo ay binale wala na at lahat ng mga tao naka focus lang sa mga Gates tulad ng mga nasa laro.
Maging ang mga gobyerno namin ay dito na rin naka tuon ang lahat ng attention, lahat ng kanilang mga yaman ay ginamit nila lahat para sa pag protekta sa mga kanya kanyang Gate nila. Nag tayo sila ng mga building para pag tirhan ng mga hunter. Nag tayo din sila ng panibagong department ng Government na kung saan naka tuon sa pag papanatili ng kaayusan at gabay para sa mga tao na nais maging hunters.
GInagawa ito ng mga gobyerno dahil ang mga resources at pagkain na makukuha sa loob ng Gate ay walang hangganan. Dahil ang sa loob ng Gate ay isa itong laro na pagkatapos ng 24 oras ay marerefill ang lahat ng mga bagay na nasa loob nito na para bang walang bawas ito kahapon. Kaya naka tuon ang mga kanya kanyang Gobyerno sa kanya kanyang Gate at pina panatili ang kapayapaan at ang order ng bawat Gate.
Isa rin ay bawat Gate sa ibang bansa ay magkakaiba at walang katulad sa bawat isa. Iba ang mga taga bantay at mga halimaw nito sa loob, iba iba rin ang mga bagay na binebenta ng mga residente na naninirahan sa loob ng Gate.
Marami ang gustong mag apply at mag rehistro para maging hunter dahil sa napaka laki ng sweldo nito kahit na napaka delikado na maging hunter, pero gaya ng sabi nila mas malaki ang panganib mas malaki ang aanihih. Ngunit napaka strikto ng kanilang pamantayan sa pag pili ng mga tao na gagawin nilang hunters. Sa isang libong nag apply hindi lumagpas isang daan ang napili.
Yung iba naman na hindi tinanggap ay pinayohan para sa ibang trabaho na nababagay sa kanilang mga stat at attributes, tulad ng pagiging trader, info broker, o kaya maging blacksmith. Pero karamihan sa iba ay hindi pinag pala kasi ang mga stats nila ay hindi magaganda.
Tiningnan ko ang stats ko at nakita ko naman na pasok ako sa pamantayan nila sa pagiging isang hunter. Gusto ko talaga maging isang Gate Hunter, ito talaga ang trabaho na karapat dapat sa akin, para bang ipinanganak ako para ito maging trabaho ko. May kaalaman na ako at skills sa mga dapat kong gawin, at alam ko na ang mga stratehiya at mga pasikot sikot para mas madali akong mag level up. Kaya alam kong matatangap ako sa trabahong ito.
Sa lumang mundo ay wala man akong trabaho dahil hindi sapat ang kwalipikasyon ko para mag trabaho, kaya tumira na lang ako mag isa sa bahay at nag lalaro lang araw araw, at ang paraan ko para meron akong pera ay passive income lang sa aking stocks at investments. Pero ngayon ay magkaka trabaho na ako na ang kwalipikasyon ko ay na aayon sa kanilang hinahanap.
Mahirap din mag hanap ng trabaho na maganda sa lumang mundo dahil ang isang kailangan mo para maka hanap ka ng magandang trabaho at posisyon ay “connections”. Ito ang pinaka importante at mahalagang paraan para maka kuha ka ng isang magandang trabaho. Ngunit para sa akin ay pina gandang salita lang ito para sa salitang “pagsasamantala”. Na walang mga totoong connection at nag gagamitan lang sila para maka angat o kaya maka kuha ng maganda mula sa iba at tinatakpan lang ito sa terminong “utang na loob”.
Kaya wala akong mga connections kasi hindi ako nakikipag kaibigan dahil alam ko may masama silang binabalak or intention sa pakikipag kaibigan nila, at sa pag dating ng panahon ay gagamitin nila ang “connection” nila sa akin para sa kanilang pakinabang.
Ito rin ang isa sa malaking rason kung bakit isa akong solo player, at wala akong kasama kapag ako ay nag lalaro. Dahil alam ko na gagamitin lang ako ng mga ibang tao para mas madali silang lumevel o kaya ay gagamitin nila ako para maka grind ng mga magagandang items para upgrade nila sa sarili nila at pagkatapos nila ako gagamitin ay iiwan na rin nila ako. Kaya kahit kailang ay hindi ko ipagkakatiwala o ibibigay ang buhay ko para sa ibang tao, lalong lalo na sa taong hindi ko ka kilala.
Nag bihis na ako at nag handa para mag apply sa guild dito sa aming bansa at maging isang official at legal na Gate Hunter. Habang nag hahanda ako inisip ko kung kailangan paba ng resume.
“Gagawa pa ba ako ng resume? Siguro hindi nalang, kaya naman nila na icheck ang stats ko, at tatanongin din nila ako ng mga iba pang impormasyon na kailangan nilang makuha.” Sabi ko sa sarili ko.
“Siguro mag piprint nalang ako ng stats ko sa larong Hunters Dynasty. At pati na rin sa mga achievements ko, para lang meron akong proweba na maipakita sa kanila kung mag tatanong sila.” Sabi ko ulit sa sarili ko.
Kaya binuksan ko kaagad ang aking PC, nang matapos na itong mag start up ay dali dali kong nilaunch ang laro ng makunan ko ng litrato sa pamamagitan ng screenshot, ang aking mga stats at achievement. Pagkatapos ko itong makunan ay agad agad ko naman itong prinint, at nag transfer na rin ako ng files sa phone ko para enkasong masira o kaya mawala ko yung papel. Inemail ko rin ito sa sarili ko para may copy ako sa internet kung sakali mang masira ang phone at pc ko. Alam kong sobra sobra na ang ginagawa ko pero mas mabuti na yang ligtas at sigurado kaysa antayin ko pang mangyari ang mga bagay na yan bago ako matuto,
Pagkatapos ko ay nilagay ko ang mga na print ko na stats at achievements sa bag ko. At nag dala na rin ako ng charger at enkasong ma low batt ang selpon ko. Saka ako bumaba at pumunta sa pinto.an, nag check pa ako ng isang beses kung may nakalimutan akong mga bagay na kinakailangan kong dalhin para sa aking pag aaply ng pagiging Gate Hunter. Nang ma check ko na wala na akong na iwan, dahil sayang na sa oras kung babalik pa ako dito sa bahay dahil may nakalimutan ako, ay agad na akong umalis at dali dali na akong pumunta sa kung saan pwede mag register at mag apply para maging isang Gate Hunter.
Hindi gaano masyadong matagal ang byahe ko dahil kadalasan sa mga tao ay hindi na lumalabas dahil wala na rin silang trabaho, at marami ring mga driver simula sa pag bago ng mundo ay nagawaran ng magandang stats at naka hanap ng trabaho na mas malaki ang sweldo at nababagay sa kanilang stats. Kaya wala gaanong traffic sa daanan at madali lang akong na karating sa guild building.
Nagulat ako sa nakita ko dahil sobrang taas ng linya ng mga taong nais mag apply bilang isang Gate Hunter. Medyo nakaka pagod nga mag antay pero na sanay na rin ako dahil sa habang oras na hinintay ko noong nag lalaro ako ng Hunter Dynasty, dahil isa akong stealth type na chracter, kaya minsan sobrang tagal ko mag antay para lang maiwasan ko ang mga ibang tao at para maiwasan ko rin ang mga halimaw. Kaya itong pag aantay na ito? Bali wala lang sa akin ito, para makamit ko ang aking pinaka pangarap na trabaho ang maging isang Gate Hunter sa totoong buhay.
Dumaan na ang ilang oras at ang sobrang taas na linya ay kumonti na ng kumonti, hindi dahil marami rami na ang na interview ng guild, kung hindi dahil karamihan sa mga tao na mag aaply sana sa guild bilang isang Gate Hunter ay sumuko na sa pag iintay at nawalan na ng pag-asa pa na maging isang ganap na Gate Hunter.
Pero ako patuloy pa rin ako sa aking pag aantay, at medyo gumaan rin ang aking pakiramdam ng makita ko na nag si alisan ang mga tao na nais mag apply bilang isang Gate Hunter.
Lumipas pa ang ilang oras at ako na ang sunod na tinawag. Sumunod agad ako at pumasok sa pinto, pag pasok ko ay maraming tao ang nandoon na pina panood lang ako. Ginabayan naman ako ng taong tumawag sa akin, patungo sa isang upuan at pina upo ako doon. Pagkatapos ay nilagyan ako ng parang isang bracelet namay wire sa gilid nito at isang helmet na marami ang wires na naka konekta dito. Tinanong ko yung tao na gumabay sa akin.
“Para saan tong bracelet at itong helmet? Bakit ang daming wires naka konekta dito?” Tanong ko sa taong nag gabay sa aking patungo dito.
“Ito po ay para malaman ang totoong stats nyo po. Na imbento po namin ito para malaman namin ang katotohanan, may mga nag apply kasi noong una na hindi binigay ang totoo nilang stats, at nagsinungaling. Ginawa to ng mga applicant para daw matanggap sila bilang isang Gate Hunter.” Sabi nya sa akin.
“Nang maimbento namin ito ay ginamit agad namin ito sa mga hunters na nahire na namin, para maka siguro lang kami sa kanila at para rin sa integridad ng guild. Kasi hindi naman kasi patas kung sa mga bagong aplikante lang namin ito gagamitin. At kung wala naman silang tinatago ay wala naman silang ika takot. Kaya tinest nga namin sila lahat at nalaman namin na lagpas kalahati ang dami ng mga taong nag apply at nag sinungaling sa kanilang stats. Kaya ngayon ginagamit na namin ito sa lahat ng applicant bago paman sila tanongin.” Sagot nya uli sa akin.
“Wala bang mangyayaring masama sa akin? Paano pag mag malfunction ito? Baka naman mamatay ako?” Tanong ko ulit sa kanya.
“Huwag po kayong mag alala, tried and tested na po ito. Pati na rin ang emergency shutdown policy nito ay na prepare na din namin, tried and tested na rin po. Walang failure ang machine dahil bago paman ito lumabas ay inayos na nila ang mga flaws nito.” Sagot nya sa akin.
“Mabuti naman kung ganon, nakaka wala ng kaba malaman na ligtas lang ito gamitin.” Sagot ko sa kanya.
Ng maayos nya na ng lagay sa akin ang mga kinakailangan para sa pag check ng aking stats, ay nag calibrate na din siya at nag adjust sa machine para makuha ang tamang stats ko.
Tinanong nya muna ako bago nya sinimulan. “Handa ka na ba?”
“Handa na po!” Sagot ko naman sa kanya.
“Sige sisimulan ko na pagkuha sa stats mo” Sabi nya sa akin.
Pagkatapos ay pinindot nya na ang isang button doon sa machine at bigla itong tumunog at umandar. Ako naman ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at medyo takot sa kung anong mangyayari kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata. Habang naka pikit aking mata ay may naramdaman akong enerhiya na para bang isang kuryente na dumadaloy sa aking buong katawan ngunit hindi ito masakit, medyo ma init lang ito habang duma daloy sa aking katawan. Ngunit patuloy pa rin ako sa pag pikit ng aking mata.
Habang naka pikit aking mata ay may kamay na biglang tumapik sa aking balikat at kadahilanan ng aking pagka gulat.
“Relax lang! Ako lang ito, tapos na kami mag check sa stats mo. Pwede kanang bumaba sa upuan.” Sabi nya sa akin.
Dahan dahan ko namang binuksan ang mata ko at nakita ko nga, na siya ang nasa harap ko. Nagulat naman ako dahil ang bilis lang natapos at hindi man lang ako nasaktan at walang masamang nangyari sa akin.
“Tapos na tayo? Parang ang bilis lang. Tama ba ang nakuha nyong impormasyon sa stats ko? Baka may mali o kulang sa nakuha nyo.” Sabi ko sa kanya na nag aalala sa kung anong lumabas sa machine na ginamit nila pang check sa stats ko.
“Huwag po kayong mag alala. Naka pasa po ang stats nyo sa pamantayan namin sa pag pili ng isang Gate Hunters. Umupo muna kayo at baka napagod kayo o kaya biglang mahilo mula sa pag kuha namin ng stats nyo po.” sagot nya sa akin. Kumalma naman ako sa narinig ko. At sobrang saya ngunit nahihiya lang akong ipakita ito sa publiko kaya nag celebrate nalang ako sa isip ko.
Hindi nag tagal ay tinawag na nya ako at ginabayan patungo sa isang pinto sa susunod na lugar. Dito ay medyo na wala na ang kaba ko dahil ang mangyayari lang dito ay tatanongin lang ako sa mga bagay bagay na kailangan nila malaman. Umupo naman ako at nag simula na ng nag tanong yung interviewer.
Nagsimula ang mga tanong nya sa mga simpleng bagay tulad ng pangalan ko, edad ko, saan ako nakatira, mga relatives ko, at anong educational attainement ko. Pagkatapos ay nag tanong na sila kung may alam ba ako sa kung anong sina salihan ko at kung anong alam ko sa pagiging Gate Hunter. Doon ko na sinabi na nag lalaro ako ng Hunters Dynasty na kung saan ang larong ito ay magkasing katulad sa Gates na nangyayari sa buong mundo.
Nagulat naman ang interviewer sa aking sinabi ko. Pagkatapos ay sinabi ko lahat ng mga achievements ko at kung anong kaya kong gawin at kung gaano ako kagaling sa laro. Ngunit ang mukha ng interviewer ay mayroong halong pag dududa at parang hindi siya na niniwala sa mga sinabi ko. Kaya kinuha ko ang bag ko at hinanap ko yung mga papel na kaka print ko lang at pina kita ko sa kanya. Yung mukha nya na puno ng pagdududa ay ngayon napalitan na ng pagka gulat at pagka mangha sa mga pinakita ko sa kanya. Pagkatapos ay binalik nya ito sa akin. Ngunit hindi siya nag salita at bigla siyang napa isip. Magtatanong na sana ako ngunit na unahan nya akong mag salita.
“Pwede dito ka muna, may pupuntahan lang ako saglit, babalik rin ako agad.” Tanong nya sa akin.
“Okay lang po. Walang problema po yan sa akin. Huwag po kayong mag madali at mag alala sa akin.” Sagot ko naman sa interviewer.
“Maraming salamat. Mabilis lang ako.” Sabi nya sa akin. Pagkatapos nito ay dali dali siyang lumabas at tila ba parang nag mamadali. Nag antay naman ako sa loob ng kwarto. Medyo na guluhan lang ako sa kung anong nangyari at anong dahilan kung bakit nagmamadaling lumabas yung interviewer sa akin. Hindi man ako sanay sa mga interviews dahil hindi ako nag apply ng trabaho ng maraming beses, pero feel ko parang kakaiba talaga pag lumabas ang interviewer at maiwan ang aplikante sa loob ng kwarto. Pero hindi ko nalang inisip ito masyado, sigurado naman ako na pag balik ng interviewer ay explanation siyang matatangap mula dito kung bakit bigla siyang umalis sa kwarto.
Di nag tagal ay bumalik na rin siya at ngayon may kasama siyang isang matipuno at medyo may ka edaran ng lalake. Parang especially siya na tao, dahil nag dali dali ang interviewer na lumabas para lang madala siya dito. Tumayo naman ako at binati siya.
“Magandang araw po sir.” Sabi ko sa kanya.
“Magandang araw din sa iyo iho.” Sagot nya naman sa akin. “Umupo ka muna para tayo ay maka pag usap.”
“Patawad talaga Mark at bigla nalang akong lumabas sa kwarto habang tayo ay nag iinterview pa.” Sabi ng interviewer sa akin.
“Ah walang problema po iyon sir. Alam ko naman po na may rason ang ginawa ninyo na pag labas sa kwarto po.” Sagot ko sa kanya.
“Maraming salamat sa pag iintindi mo sa akin Mark. Ito nga pala ang Guild Leader natin. Siya ang dahilan at kung bakit lumabas ako agad. Hinanap ko agad siya dahil aalis din siya ngayon at medyo matagal tagal pa bago makaka balik.” Sabi ng interiviewer sa akin.
“Ah ganon po pala. Mawalang galang na po pero gusto ko lang po sana malaman kung bakit nyo po dinala ang isang importanteng tao dito sa interview naitn.” Tanong ko sa kanya.
“And Guild Leader na ang sasagot sa mga katanungan mo, at simula ngayon ay siya na ang magpapatuloy sa interview na ito. Kung maari lang sana ay simula sa oras na ito ay kung ano man ang maririnig mo, itatanong sa iyo, isasagot mo, at ano pang bagay ang maaring masabi dito, sana ay manatili lang na sa atin lang.” Sabi ng interviewer sa akin. Alam kong nang hihingi lang siya ng pabor sa akin pero nang matingnan ko si Guild Leader parang may halo na ito na babala at pagbabanta. Hindi man siya nag sasalita ngunit ang awra na pina palabas nya ay nag wawarning sa akin pag may lumabas na anong bagay sa mga pag uusapan namin.
Lumabas na ang interviewer at nilock nya ang pinto bago siya lumabas.
“May proposal sa na ako sayo Mark.” Sabi ng Guild Leader sa akin.
“Ano po iyon?” Tanong ko sa kanya.
“Sa lahat ng na interview namin ikaw ang tao na mas maraming alam tungkol sa game o pangyayari na ito sa mundo namin. At gustohin man namin ay wala kaming impormasyon na maibibigay sa mga tao, maging sa mga hunters namin. Kaya proposal ko sayo ay mag bibigay ka sa amin ng impormasyon na maaring maka tutulong sa guild, mapa tungkol man sa lugar o sa halimaw ay tatangapin namin yan, at wag kang mag alala makaka tanggap ka ng extra na bayad sa tuwing may maibibgay ka na bagong impormasyon. Hindi rin namin sasabihin na ikaw ang source ng mga information namin ng saganon ay hindi ka targetin ng mga tao. Sigurado kanang magiging isang Gate Hunter Mark, ang proposal ko sa iyo ay sideline lang sa main job mo, parang extra income lang. Kung tatangi ka ay magiging hunter ka pa rin. So anong desisyon mo Mark?”