Present. Hindi ko inaasahan na ang mga ganitong klaseng icons na nasa aking harapan ay makikita ko sa totoong buhay. Isa pa, hindi ko rin pinangarap o inisip na isang araw ay magiging ganito ang mundo. Akala ko noong una ay nananaginip lamang ako pero hindi ko inaasahan na ito na ang simula ng panibagong era. Ngunit, hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi kabahan sa susunod na mangyayari. Alam kong hindi lamang ito isang simpleng pagbabago sa mundo, alam kong may kakaibang nangyayari rito. Patuloy lamang ako sa pagbabasa ng mga articles dito sa aking laptop. Ilang tabs na rin ang aking na buksan para lamang magkaroon ng sapat na impormasyon patungkol sa nangyayari rito sa aking paligid. Nais kong alamin kung saan nagsimula ang lahat ng ito at kung bakit, ngunit, kahit ano ang gaw

