“Pa,”tawag ko sa kaniya at bumuntong hininga, “Kamusta po kayo riyan? Sana ay maayos lamang kayo.” Inilapag ko na sa bermuda ang dala-dala kong pagkain at umupo, “Alam niyo po ba, bumalik ako sa paglalaro ng Hunter Dynasty. Wala na naman talaga akong plano bumalik pa pero kinakailangan para sa client ko.” Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan na naging dahilan ng aking pagngiti, “Opo, alam kong nais niyo malaman kung ayos lang ako. Isa lamang ang masasagot ko riyan, maayos na maayos lang po ako. Wala po kayong dapat ipag-alala.” Muling umihip ang hangin ngunit sa oras na ito ay isang mainit-init na ito. Tila ba naramdaman ko ang yakap nito. “Hindi ko na kailanman sinubukan na sumama sa kanila sa mga misyon. Iniwasan ko na rin sila gaya ng sabi niyo. Hindi ba at ayaw niyo sa gulo?”

