Kung hindi siguro ako player at hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng bagay ay baka ako rin, nakadapa na sa sahig. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Hinanap ko ang pinagmulan ng enerhiya na ito at halos magulat ako nang makitang nagmumula ito kay Tess. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. Ang mga mata nito ay naging kulay asul na ngayon ko lang nakita. Kakaiba. “T-Twin,”utal na tawag ni Tyrone sa kaniya habang pinipilit ang sarili na tumayo. “How could you do this to me? I thought you are my partner!” Sigaw nito. Kung umasta itong si Tess ay parang bata. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ito kung kumilos pero ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit mas piniling itago ni Leonor ang mga bagay tungkol sa labas.

