Hindi ko na pansin na tuluyan na pala akong nakatulog. Na gising na lamang ako nang marinig ko ang mahinang pagkatok mula sa pintuan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame. Isang kisame na ngayon ko lang nakita. Doon lang sumagi sa aking isipan na wala nga pala ako sa bahay. Nasa ibang bansa nga pala ako. Agad akong tumayo habang sapo-sapo ang aking ulo at tinignan ang pinto. Anong oras na ba at bakit ginigising na nila ako? “Pasok!” Sigaw ko habang nakatingin pa rin sa pinto. Unti-unti naman bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga katulong na humatid sa akin dito. Nakayuko lang ito na naging dahilan ng pag-taas ng kaliwang kilay ko. Seryoso ba siya? Bakit hindi na lang niya ako tignan sa mga mata? Baka na takot dahil sa nangya

