Chapter 77

1005 Words

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa isang sobrang lawak na dining hall. May mahabang lamesa sa gitna habang nakapalibot naman dito ang ilang mga katulong at mga taga-bantay. Anong klaseng hapagkainan ba ito? Nakakakain pa ba sila ng tama habang may nakamasid sa kanila? Hindi ko tuloy lubos maisip kung gaano ka-awkward kumain. Tila ba ay bawat galaw mo, bawat nguya, bawat pagsubo ay may nakamasid sa iyo. Na sa oras na ramdam na nila na na samid ka na ay agad na may lilitaw na tubig sa iyong harapan. Napahilamos ako sa aking mukha at tinignan ang mga tao na naririto. Wala pa si Leonor pero nandito na sila Tess at Tyrone. Nakatingin lamang ang dalawa sa lamesa at sa tingin ko ay hindi yata nila na pansin ang aking pagdating. Hindi na rin ako magtataka dahil talagang tinago ko naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD