Tahimik na kaming kumain muli at hindi na pinansin ang kung ano man ang aming nakikita. Ilang sandali pa ay na tapos na ako kaya pinunasan ko na ang aking bibig. Hindi ko alam kung ano na ang aking susunod na gagawin, gayong abala pa rin sila sa pagkain. Siguro ay hintayin ko na lang silang matapos. Umayos ako ng upo at sumandal sa upuan. “Tapos ka na ba, Mr. Mark?” Tanong ni Leo. “Hindi talaga ako sanay na tinawag na Mr., Leo. Pwede ba na tanggalin na lang natin iyan at tawagin mo na lang ako sa pangalan ko? Sa tingin ko ay mas komportable ako sa ganoong paraan,”sabi ko sa kaniya at ngumiti. Tumawa naman ng pagkalakas-lakas itong si Leo na halos mag-echo sa buong dining hall. Hindi ko inaasahan na ito ang kaniyang magiging reaksiyon. Akala ko ay magagalit siya o kaya ay may masasabi

