Kinaumagahan ay agad akong naligo bago pa pumatak ang orasan sa ika-pitong numero. Nakapagbihis na ako sa damit na ibinigay ni Leo at inayos na rin ang aking hitsura. Medyo may kagwapuhan naman ako kapag naka-porma at ito pa yata ang unang beses na nag-ayos ako ulit. Nakatitig lamang ako sa salamin bago ko narinig ang mahinang pagkatok mula sa labas. Huminga muna ako nang malalim bago naglakad patungo sa may pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan at bumungad sa akin ang mukha ng babae. Ngumiti lamang ako sa kaniya at gulat na gulat naman itong nakatingin sa akin. Hindi yata nito inaasahan ang aking hitsura ngayon. “Nakahanda na ba ang pang-umagahan?” Tanong ko sa kaniya habang nakangiti. Tumango naman ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin. Bakit? Hindi ko na lang siya pinansin at luma

